www.imdb.com/title/tt23629950/
AIRED: Nov 12, 2022
Stars : Kris Bernal, Maui Taylor, Boom Labrusca
Plot : Matapos maranasan ang paghihiganti mula kay Theresa (Kris Bernal) ay hindi na napigilan ni Anastacia Villacorta na isiwalat sa kanyang anak ang katotohanan sa kanilang ampon na si Maggie (Shanelle Agustin) at koneksyon nito kay Theresa!
www.imdb.com/title/tt22532644/
AIRED: Oct 8, 2022
Stars : Mylene Dizon, Vaness Del Moral, Lianne Valentin
Plot : Lumipas man ang ilang taon ay hindi tumigil si Amy (Mylene Dizon) sa paghahanap sa nawalay na anak. Dahil sa madalas na pagiging abala niya ay unti-unti ring lumayo ang loob ng kanyang mister at natukso sa ibang babae! Paano makakabangon si Amy sa mga trahedyang ito sa buhay niya?
www.imdb.com/title/tt22782388/
AIRED: Oct 15, 2022
Stars : Mylene Dizon, Vaness Del Moral, Lianne Valentin
Plot : Magmula nang magtrabaho si Bianca (Lianne Valentin) para kina Dennis (Raymond Bagatsing), napapansin na niya ang maling nangyayari sa loob ng mansyon. Kaya naman nang matuklasan niya ang tunay na pagkatao ni Amy ay mas umigting ang kagustuhan niyang matulungan itong gumaling.
www.imdb.com/title/tt22900592/
AIRED: Oct 22, 2022
Stars : Mylene Dizon, Vaness Del Moral, Lianne Valentin
Plot : Bumuti ang lagay ni Amy nang maitakas siya ni Bianca mula sa kamay ng dating mister at kabit nito. Ngayong bumalik na ang kanyang katinuan ay babawiin naman niya ang mansyon at negosyong kinuha sa kanya!
www.imdb.com/title/tt23749262/
AIRED: Nov 19, 2022
Stars : Max Collins, Yasser Marta, Liezel Lopez
Plot : Isang pasaway at maangas na binata — iyan ang pagkakakilala ni Helena (Max Collins) sa kanyang estudyante na si Third (Yasser Marta). Pero magbabago ang kanyang pagtingin sa binata matapos siyang iligtas nito mula sa mapanakit niyang ex-husband?
www.imdb.com/title/tt23834178/
AIRED: Nov 26, 2022
Stars : Max Collins, Yasser Marta, Liezel Lopez
Plot : Sa loob ng sampung taon ay pinaniwalaan ni Third (Yasser Marta) na namatay si Helena (Max Collins) sa aksidente noon. Kaya naman nang makitang buhay ang dating kasintahan ay muling bumalik ang kanyang nararamdaman!
www.imdb.com/title/tt23967532/
AIRED: Dec 3, 2022
Stars : Max Collins, Yasser Marta, Liezel Lopez
Plot : Upang mabawasan ang matinding selos at galit ay ibinunyag ni Feliz (Liezel Lopez) sa kanyang mga kaibigan ang ginawang kasamaan noon kay Third (Yasser Marta) at sa dating nobya na si Helena (Max Collins). Mapatawad pa kaya siya ng mister?
www.imdb.com/title/tt26234712/
AIRED: Jan 14, 2023
Stars : Edgar Allan Guzman, Shaira Diaz, Jelai Andres
Plot : Para makatulong sa gastusin ng pamilya, sinubukan ni Lemuel (EA Guzman) na mag-abroad. Pero ang pangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa ay tuluyang nasira nang ma-scam siya ng kanyang recruiter. Kaya naman nang bigyan siya ni Rebecca (Jelai Andres) ng trabaho sa Maynila ay tinanggap niya ito para maipagamot ang anak na nagkasakit.
www.imdb.com/title/tt16453630/
AIRED: Dec 11, 2021
Stars : Andrea Del Rosario, Tetchie Agbayani, Marco Alcaraz
Plot : Matapos malaman ni Helga (Andrea Del Rosario) ang tunay na pagkatao ni Yasmin (Klea Pineda) ay tinangka nitong patayin ang huli. Muli pa kaya matagpuan ni Emman (Tonton Gutierrez) ang nawawala nitong heredera?
www.imdb.com/title/tt19361674/
AIRED: Apr 2, 2022
Stars : Jo Berry, Kris Bernal, Mike Tan
Plot : Mapipilitan si Leslie (Kris Bernal) na maging surrogate mother para sa mag-asawang OFW na sina Roel (Mike Tan) at Clarissa (Jo Berry) na hirap magkaroon ng supling. Pero sa paglipas ng buwan, ang surrogate na si Leslie inakit na si Roel at inangkin na rin ang magiging anak nina Clarissa!