www.imdb.com/title/tt11110342/
AIRED: Oct 12, 2019
Stars : Buboy Villar, Kiray Celis, Gladys Guevarra
Plot : Matapos ang kanyang kontrata sa Saudi Arabia, muling umuwi ng Pilipinas si Emay (Buboy Villar) upang makapiling ang kanyang pamilya. Hindi lang pala ito ang suwerte niya, dahil naisipan niya ring sumali sa Wowowin kung saan nakilala ang kapwa-OFW na si Tintin (Kiray Celis) na tila pamilyar kay Emay! Sila na nga ba ang “The One” ng isa’t isa?
www.imdb.com/title/tt11217820/
AIRED: Nov 2, 2019
Stars : Valerie Concepcion, Gio Alvarez, Jason Francisco
Plot : Basta’t magkasama, walang iwanan kahit kailan—ganyan kung paano pinangakuan nina Danica (Valerie Concepcion) at Miguel (Gio Alvarez) ang isa’t isa. Ngunit nang magkaroon sila ng matinding alitan, napilitang alisan ng una ang kanyang mister at magtrabaho na lamang sa ibang bansa para mabuhay ang kanilang pamilya. Paano pa kaya nila maaayos ang kanilang pagsasama kung matuklasan ni Danica na pumanaw na ang kanyang mister?
www.imdb.com/title/tt11254986/
AIRED: Nov 9, 2019
Stars : Valerie Concepcion, Gio Alvarez, Jason Francisco
Plot : Nang biglang pumanaw ang mister ni Danica (Valerie Concepcion) habang nasa ibang bansa siya, sunod-sunod ang pagmumulto nito kahit pa saan siya magpunta. Lingid sa kanyang kaalaman, hindi pala ito ang mister niyang si Miguel (Gio Alvarez) kundi isa palang demonyo! Makaligtas pa kaya sila?
www.imdb.com/title/tt10062144/
AIRED: Mar 16, 2019
Stars : Gladys Reyes, Manilyn Reynes, Miggs Cuaderno
Plot : Buong akala ni Angie (Manilyn Reynes) ay mabubuo na ang kanilang pamilya ngayong sa Pilipinas na muling maninirahan ang kanyang mister na dating nagtatrabaho sa barko. Wala siyang kamalay-malay na sa isang iglap, papanaw na ang kanyang mister. Habang nakaburol ang asawa, laking gulat niya nang may isang babae ang nagpakilalang asawa rin niya—si Gina (Gladys Reyes)! Sino kaya sa kanilang dalawa ang mas may karapatan sa mga labi ni Emmanuel (Mike Lloren)?
www.imdb.com/title/tt9911204/
AIRED: Mar 9, 2019
Stars : Inah De Belen, Al Tantay, Suzette Ranillo
Plot : Upang mabigyan ng magandang buhay sa Pilipinas ang kanyang pamilya, namasukan si Mina (Inah de Belen) bilang isang domestic helper sa London, United Kingdom. Pero ang lahat ng kanyang mga pangarap, unti-unting guguho dahil hindi lang mapang-api ang kanyang amo, minamaltrato pa siya nito! Makauwi pa kaya si Mina sa kanyang pamilya?
In order to give her family a good life in the Philippines, Mina (Inah de Belen) worked as a domestic helper in London. But all her dreams will crumble because his boss is not oppressive and abusive. Can Mina return to her family?
www.imdb.com/title/tt14791004/
AIRED: Jun 5, 2021
Stars : Tonton Gutierrez, Maui Taylor, Meg Imperial
Plot : Nagbalik-bansa si Mario (Tonton Gutierrez) matapos ang kanyang mahabang taong pagtatrabaho sa Japan ngunit itinakwil naman siya ng kanyang anak na si Rachelle (Meg Imperial). Kaya naman naghanap siya ng karamay sa pagsubok ng buhay. Dito niya nakilala ang tusong masahista na si Kristine (Maui Taylor). Tama nga kaya ang desisyon niyang mahalin ang babaeng bago niya pa lang nakilala?
>
www.imdb.com/title/tt14742544/
AIRED: May 29, 2021
Stars : Tonton Gutierrez, Maui Taylor, Meg Imperial
Plot : Mario (Tonton Gutierrez) returned after long years of working in Japan but his daughter Rachelle (Meg Imperial) rejected him. Here he meets the cunning masseuse Kristine (Maui Taylor).
Stars : Tetchie Agbayani, Andrea Del Rosario
Plot : Sa tulong ni Ariel ay muling nakabangon si Theresa mula sa trahedyang sinapit niya sa kamay ng Pamilya Villacorta. Pero kasabay ng kanyang pagbabalik ang paniningil niya sa lahat ng atraso nila sa kanyang buhay!
www.imdb.com/title/tt16403450/
AIRED: Dec 11, 2021
Stars : Andrea Del Rosario, Tetchie Agbayani, Marco Alcaraz
Plot : Unti-unting lumalabas ang kasamaan ni Jacob (Marco Alcaraz) mula nang malaman niya ang nakaraan ni Barbra (Andrea Del Rosario). Pero sa kabila ng masamang balak ng mister sa apprentice na si Melanie (Klea Pineda), mas pinili pa rin ni Barbra na ipagtanggol ito!
www.imdb.com/title/tt23362160/
AIRED: Nov 5, 2022
Stars : Kris Bernal, Maui Taylor, Boom Labrusca
Plot : Sa tulong ni Ariel ay muling nakabangon si Theresa mula sa trahedyang sinapit niya sa kamay ng Pamilya Villacorta. Pero kasabay ng kanyang pagbabalik ang paniningil niya sa lahat ng atraso nila sa kanyang buhay!