www.imdb.com/title/tt11711808/
AIRED: Feb 1, 2020
Stars : Maui Taylor, Rodjun Cruz, Ali Khatibi
Plot : Buong akala ni Peter (Rodjun Cruz) ay iniwan siya ng kinakasamang si Celine (Maui Taylor) para makapagtrabaho. Lingid sa kanyang kaalaman, ipinagpalit na pala siya nito sa sariling kaibigan na si Vincent (Ali Khatibi) at pinakasalan pa ito! Maipaglaban pa kaya ni Peter ang kanyang karapatan?
www.imdb.com/title/tt11752204/
AIRED: Feb 8, 2020
Stars : Sunshine Dizon, Maricar de Mesa, Adrian Alandy
Plot : Halos ipagkanulo na ni Bekang (Sunshine Dizon) ang kanyang nakaraan dahil bukod sa inagawan siya ng asawa, natanggalan pa siya ng karapatan na maging isang ina! Kaya naman matapos ang kanyang paghihikahos, hindi niya sukat akalaing mananalo siya sa lotto. Sapat kaya ang kayamanang nalikom niya para makapaghiganti sa lahat ng umalipusta sa kanya?
www.imdb.com/title/tt11886292/
AIRED: Feb 29, 2020
Stars : Prince Clemente, Jean Saburit, Liezel Lopez
Plot : Buong akala ni Harvey (Prince Clemente) ay magiging susi ang kanyang amo na si Veronica (Jean Saburit) upang makabangon siya sa kahirapan. Pero habang tumatagal, patuloy siya nitong pinagsasamantalahan para lamang sa kaligayahan ng kanyang amo! Kailan kaya makakamit ni Harvey ang hustisya?
www.imdb.com/title/tt11928770/
AIRED: Mar 7, 2020
Stars : Myrtle Sarrosa, Jak Roberto, Sherilyn Reyes
Plot : Ulirang anak at masipag mag-aral ang nursing student na si Elisa (Myrtle Sarrosa). Dahil tanging nais lamang niya ang maipagamot ang kanyang ina na mayroong karamdaman, kakayanin niya ang lahat ng trabaho para kumita ng pera. Pero kung ang kapalit nito ang pagbebenta niya ng aliw sa mga lalaki, kayanin kaya niya ito?
www.imdb.com/title/tt7961552/
AIRED: Feb 3, 2018
Stars : Archie Alemania, Mickey Ferriols, Mike Pekto Nacua
Plot : Dahil kapos ang kanyang kinikita bilang fishball vendor sa kanilang probinsya, naisipan ni Jose (Archie Alemania) na maghanapbuhay sa ibang bansa bilang isang construction worker sa Yemen. Hindi man naging madali ang pakikipagsapalaran niya roon, dahil sa kanyang sipag at tiyaga, isinakripisyo ni Jose ang lahat para sa lumalaki niyang pamilya. Paano kaya niya hinarap ang sunod-sunod na pagsubok bago natamasa ang tagumpay?
www.imdb.com/title/tt10354258/
AIRED: May 18, 2019
Stars : Diva Montelaba, Joel Saracho, Tanya Gomez
Plot : Kahit hirap siyang mapalayo sa kanyang pamilya, tinitiis ni Melanie (Diva Montelaba) ang kanyang pagkalumbay at nagpupursigi bilang caregiver sa bansang Taiwan. Nang makaipon ng sapat na pera, ang pagkasabik niya sa pag-uwi ng Pilipinas ay trahedya pa ang naging kapalit. Makabangon pa kaya ang pamilya niya sa pagsubok na ito?
www.imdb.com/title/tt11971132/
AIRED: Mar 14, 2020
Stars : Leanne Bautista, Klea Pineda, Glenda Garcia, Alma Concepcion
Plot : Mula nang mamatay sa cancer ang ina ni Dana (Klea Pineda), naging palaboy sa kalsada ang dalaga nang subukan niyang tumakas sa bahay-ampunan. Sa kabila ng hirap na kanyang pinagdaanan, paano kaya niya natupad ang kanyang mga pangarap para sa sarili at sa mga batang kalye tulad niya?
www.imdb.com/title/tt8907786/
AIRED: Aug 25, 2018
Stars : Amy Austria, Kiko Estrada, Dexter Doria
Plot : Matapos mabiyuda, napilitang makipagsapalaran sa UAE si Vina (Amy Austria) upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga naiwang anak sa Pilipinas. Ipinagpipilitan man ng panganay niyang si Rodel (Kiko Estrada) na siya na lamang ang mag-abroad, ipinaglaban naman ni Vina na tanging edukasyon na lamang ang kaya nitong ipamana sa anak dahil hindi siya nakapagtapos sa pag-aaral.
www.imdb.com/title/tt8087186/
AIRED: Mar 3, 2018
Stars : Valeen Montenegro, Gwendoline Ruais, Jonathan Wagner
Plot : Upang maipagamot ang kanyang ama na mayroong tumor sa utak, nagdesisyon si Cherry (Valeen Montenegro) na makipagsapalaran sa France, sa pag-asang makatulong sa pamilya. Ngunit nang subukan niyang tumaya roon sa lotto, hindi niya inaasahang makakakuha siya ng jackpot! Hanggang saan kaya siya dadalhin ng kanyang suwerte?
www.imdb.com/title/tt11071554/
AIRED: Oct 5, 2019
Stars : Buboy Villar, Kiray Celis, Gladys Guevarra
Plot : Kahit hindi madali, nagawang pagsabayin ni Emay (Buboy Villar) ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho upang makaipon para sa kanyang pamilya. Ngunit sa biglaang pagpanaw ng kanyang ama, napilitan siyang makipagsapalaran sa ibang bansa para matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Sa kanyang pagpupursigi roon, mahanap na kaya niya ang jackpot ng buhay niya?