www.imdb.com/title/tt8671082
AIRED: Jul 7, 2018
Stars : Diana Zubiri, Francine Prieto, Angeli Bayani
Plot : Tanging hiling lamang ng OFW na si Leslie (Diana Zubiri) ang makapagtrabaho nang marangal bilang domestic helper sa Egypt. Ngunit pagdating niya roon, tila pinagpasa-pasahan siya ng mga banyaga bago kupkupin ng kanyang amo na si Neith (Francine Prieto). Lingid sa kanyang kaalaman, mayroon pala itong problema sa pag-iisip at nagawa pa siyang pagsamantalahan ng nobyo nitong si Rameses (Paolo Paraiso)! Makaligtas pa kaya si Leslie bago pa mahuli ang lahat?
www.imdb.com/title/tt7029262
AIRED: Jun 17, 2017
Stars : Yasmien Kurdi, Biboy Ramirez, Glenda Garcia
Plot : Dahil halos isang kahig at isang tuka na ang kanilang pamilya sa Pilipinas, napilitang mangibang-bansa at mag-TNT sa South Korea ang mag-asawang sina Liza (Yasmien Kurdi) at Nelson (Biboy Ramirez). Kahit pa mahirap ang kanilang buhay roon dahil travel visa lamang ang dala nila, handa silang isugal ang lahat alang-alang sa kapakanan ng nag-iisa nilang anak.
www.imdb.com/title/tt7196300
AIRED: Jul 29, 2017
Stars : Diana Zubiri, Leandro Baldemor, RJ Agustin, Dexter Doria
Plot : Kahit na dalawang buwan pa lamang siyang kasal sa kanyang asawa, nakipagsapalaran na sa ibang bansa si Nette (Diana Zubiri) para maglingkod bilang isang nurse sa Syria. Sa kabila ng gulong hinaharap ng bansa kung saan siya nagtatrabaho, hindi niya sukat akalain na makukupkop niya ang isang batang refugee roon na napamahal na rin sa kanya. Paano kaya niya ito ipaliliwanag sa kanyang mister na hindi niya nakausap ng halos limang taon?
www.imdb.com/title/tt10997436
AIRED: Sep 21, 2019
Stars : Lovi Poe, Irma Adlawan, Lito Pimentel
Plot : Matapos silang palayasin sa kanilang tinitirhang bahay sa Bohol, wala nang iba pang paraang naiisip si Myrna (Lovi Poe) kundi sumama sa recruiter na si Pilar (Sue Prado) sa pag-asang maiahon ang kanyang pamilya sa hirap. Pagdating niya ng Maynila, dito niya nalaman na pagbibigay-aliw pala sa mga kliyenteng Hapon ang magiging trabaho niya! Kayanin kaya itong sikmurain ni Myrna para kumita?
www.imdb.com/title/tt11030852
AIRED: Sep 28, 2019
Stars : Lovi Poe, Irma Adlawan, Lito Pimentel
Plot : Matapos maloko ng illegal recruiter, napilitang bumalik sa Bohol si Myrna (Lovi Poe) kasama ang kanyang asawa na si Lando (Jess Mendoza). Ngunit nang maranasan niya muli ang kahirapan, ipinagpatuloy na niya ang pakikipagsapalaran sa ibang bansa para maging domestic helper sa Hong Kong. Hindi man madali sa umpisa, tiniis ito ni Myrna at ipinaglaban ang karapatan ng mga kapwa niya OFW bago umuwi sa Pilipinas at naging isang ganap na negosyante.
www.imdb.com/title/tt11182756
AIRED: Oct 26, 2019
Stars : Rocco Nacino, Empress Schuck, Kim Rodriguez
Plot : Matapos mahulog ang loob ni Leo (Rocco Nacino) para sa kapwa-Pinoy sa Hong Kong na si Tonet (Empress Schuck), hindi niya lubos akalain na magagawa siya nitong ipagpalit sa ibang lalaki. Paano kaya makapagsisimulang muli si Leo upang matupad ang kanyang pangarap para sa pamilya?
www.imdb.com/title/tt10637902
AIRED: Jul 13, 2019
Stars : Katrina Halili, Dina Bonnevie, Neil Ryan Sese
Plot : Habang naghahanapbuhay bilang isang personal caregiver sa Kuwait, hindi lubos akalain ni Susan (Katrina Halili) na ang inaalagaan niyang pasyente na si Jamal (Neil Ryan Sese), mapapaibig sa kanya at kalauna’y pinakasalan siya! Sa kabila nito, tanggapin kaya si Susan ng pamilya ng kanyang mapapang-asawa kahit na magkaiba ang estado nila sa buhay?
www.imdb.com/title/tt10668664
AIRED: Jul 20, 2019
Stars : Katrina Halili, Dina Bonnevie, Neil Ryan Sese
Plot : Nang dahil sa malagim na aksidente, malubha ang naging kalagayan ni Jamal (Neil Ryan Sese) hanggang sa bawian ito ng buhay. Dahil dito, hindi na naging maganda ang trato ng kanyang inang si Maisa (Dina Bonnevie) sa Pinay nitong asawa na si Susan (Katrina Halili). Ang kanilang alitan, umabot pa sa puntong babawiin kay Susan ang kanyang anak. Maipaglaban pa kaya ng huli ang kanyang karapatan bilang ina ng bata?
www.imdb.com/title/tt9123996
AIRED: Oct 13, 2018
Stars : Angelu De Leon, Mel Martinez, Mike Liwag
Plot : Makalipas ang ilang taong pagtatrabaho ni Arlene (Angelu de Leon) sa Dubai bilang isang cook, nagbunga ang kanyang mga paghihirap at nagbukas siya ng sariling carinderia at catering business doon. Ang hindi niya lubos akalain, magiging instant nanay siya nang makita niya ang isang sanggol sa isang washing machine! Paano kaya nito mababago ang kanyang buhay? Matagpuan kaya niya ang tunay na ina ng bata?
www.imdb.com/title/tt11673892
AIRED: Jan 25, 2020
Stars : Maui Taylor, Rodjun Cruz, Ali Khatibi
Plot : Maraming nagsasabi na basta seaman, manloloko raw ‘yan! Ngunit ibahin n’yo ang matalik na magkaibigang sina Peter (Rodjun Cruz) at Vincent (Ali Khatibi) na kapwa-seaman na nagtatrabaho sa Singapore. Ang dalawa kasi, nahulog sa bitag ng dilag na si Celine (Maui Taylor)! Paano kaya nila malulusutan ito?