www.imdb.com/title/tt10820536/
AIRED: Aug 17, 2019
Stars : Rochelle Pangilinan, Bernard Palanca, Clint Bondad
Plot : Matapos mapag-alaman ni Betty (Rochelle Pangilinan) na nakuha niya pala ang HIV mula sa naging nobyo niyang si Gerald (Clint Bondad), napilitan siyang umuwi ng Pilipinas upang magpahinga at magpalakas. Sa kanyang pagdating, nagulat si Betty na nagbunga pala ang kanilang pagsasama. Paano niya kaya ito sasabihin sa kaibigang si Greg (Bernard Palanca) na posibleng mahawa ang bata sa kanyang sinapupunan?
www.imdb.com/title/tt8653372/
AIRED: Jun 30, 2018
Stars : Eula Valdez, Lee O’Brian, Mailes Kanapi
Plot : Minsan nang napagtaksilan ang Pinay na si Dina (Eula Valdez) ng sarili niyang asawa matapos siya nitong ipagpalit sa ibang babae. Kahit hindi niya mabawi ang kanyang mga anak, nagsikap siyang mangibang-bansa upang makapaghiganti sa mga taong nagtaksil sa kanya. Sa kanyang pagdating sa Monaco, hindi niya lubos akalain na makikilala niya ang Swiss national na si Bernard (Lee O’Brian) na siyang nakapalagayan niya ng loob.
www.imdb.com/title/tt7324490
AIRED: Sep 2, 2017
Stars : LJ Reyes, Jackie Lou Blanco, Bon Vibar
Plot : Kahit mahirap sa kanya na mawalay sa pamilya, napilitang mamasukan bilang yaya sa Barcelona, Spain si Chona (LJ Reyes) para mabigyan sila ng maginhawang buhay. Sa kabila ng kanyang pagiging kasambahay, ipinaglalaban din ni Chona ang karapatan ng mga kababayan niyang OFW na walang abogado, isang propesyong pinapangarap niyang makamit. Dahil naging malapit na rin ang loob sa kanya ng amo niyang si Vivien (Jackie Lou Blanco), tinutulungan siya nitong makapagpadala sa pamilya at kalunan ay tinulungan din siyang makapag-aral bago maging isang ganap na abogada.
www.imdb.com/title/tt7299066
AIRED: Aug 26, 2017
Stars : Lovi Poe, Migo Adecer, Mailes Kanapi
Plot : Sa pag-asa na muling makapiling ang kanyang ina, nagpursigi sa pagiging isang guro si Pia (Lovi Poe) upang makapagtrabaho siya sa Amerika. Ano kayang kapalaran ang naghihintay sa kanya sa pakikipagsapalaran niya sa ibang bansa?
www.imdb.com/title/tt11367002
AIRED: Nov 30, 2019
Stars : Rochelle Pangilinan, Biboy Ramirez, Paolo Paraiso
Plot : Matapos mahuli ng kanyang asawa noon, hindi sukat akalain ni Evelyn (Rochelle Pangilinan) na maaaring masira ang kanyang pamilya kung ipagpapatuloy pa niya ang pakikipagrelasyon sa kaibigan nitong si Rodney (Paolo Paraiso) kaya hiniwalayan niya na ito. Sa kabila ng muling pag-aayos ni Evelyn at ng asawang si Ben (Biboy Ramirez) na isang OFW, bigla muling susulpot si Rodney para sirain ang pagsasama ng mag-asawa sa pamamagitan ng paggawa ng video scandal. Ano kaya ang naiisip na solusyon ni Evelyn?
www.imdb.com/title/tt11402986
AIRED: Dec 7, 2019
Stars : Rochelle Pangilinan, Biboy Ramirez, Paolo Paraiso
Plot : Walang kamalay-malay si Evelyn (Rochelle Pangilinan) na malalagay ulit siya sa isang patibong nang i-blackmail siya ni Rodney (Paolo Paraiso) na ipagkakalat nito ang kanilang video scandal kung hindi papayag ang una sa mga nais ng huli. Sa kabila nito, ang tsismosang kapitbahay ni Evelyn na si Teresa (Mystica), ipinagkakalat sa mga tao na mayroon pa rin itong relasyon kay Rodney! Matuklasan kaya ni Ben (Biboy Ramirez) ang pinaggagawa ng kanyang asawa sa Pilipinas habang naghihikahos sa ibang bansa?
www.imdb.com/title/tt8701310
AIRED: Jul 14, 2018
Stars : Sheryl Cruz, Shyr Valdez, Aira Bermudez
Plot : Ang inaakalang magandang buhay sa South Korea ni Genie (Sheryl Cruz) ay nauwi sa isang masalimuot na pagkabigo nang malaman niyang nambababae pala ang Koreano niyang kinakasama. Habang nakikipagsapalaran sa ibang bansa, paano kaya niya malalampasan ang mga pagsubok nang mag-isa at patuloy na lumalaban para sa kanyang pamilyang nawalay sa kanya?
www.imdb.com/title/tt7726444
AIRED: Dec 9, 2017
Stars : Gardo Versoza, Maria Isabel Lopez, Jak Roberto
Plot : Matapos mabiyudo sa kanyang namayapang asawa, napilitan si Miong (Gardo Versoza) na mangibang-bansa para maitaguyod ang kanyang pamilya. Habang nakikipagsapalaran sa Bahamas bilang isang all-around helper, nagsikap siya sa pagtatrabaho para makapagpadala ng pera sa naghihirap niyang pamilya sa Pilipias. Sinakripisyo man niya ang pagiging ama, maganda naman ang naging bunga nito dahil hindi niya lubos akalain na pamamanahan siya ng kanyang amo roon.
www.imdb.com/title/tt8571742
AIRED: Jun 16, 2018
Stars : Bembol Roco, Mikoy Morales, Klea Pineda
Plot : Matapos ang ilang dekadang pagtatrabaho sa Netherlands bilang isang driver, napilitang umuwi ng Pilipinas si Jun (Bembol Roco) nang dahil sa kanyang kondisyon. Sa kanyang pag-uwi, hindi niya lubos akalain na tuluyan nang lumayo ang loob sa kanya ng mga anak niyang sina Joel (Mikoy Morales) at Jessa (Klea Pineda), na tila napariwara ang buhay mula nang lumisan siya. Maayos niya pa kaya ang pakikisama niya rito? Mabuo pa kaya ang kanilang pamilya?
www.imdb.com/title/tt9329088
AIRED: Nov 24, 2018
Stars : Mikoy Morales, Fabio Ide, Arianne Bautista
Plot : Upang matulungan ang kanyang pamilya, nangibang-bansa ang breadwinner na si Regine (Mikoy Morales) at naghanap ng kabi-kabilang trabaho para makapag-ipon ng perang ipadadala sa Pilipinas. Hindi man madali para sa kanya na harapin ang mga hamon at diskriminasyon sa ibang bansa bilang isang transgender woman, pinatunayan niya na hindi hadlang ang kasarian para magampanan ang kanyang trabaho roon. Paano kung kapwa Pinoy pa ang kumakalaban sa kanya?