www.imdb.com/title/tt7780920/
AIRED: Dec 23, 2017
Stars : Elizabeth Oropesa, Sanya Lopez, Soliman Cruz
Plot : Naisipang mangibang-bansa ni Elaine (Sanya Lopez) dahil kinamumuhian niya ang kanyang ama na si Tomas (Soliman Cruz) na sinisisi niya sa pagkamatay ng kanyang ina. Sa paglipad niya sa Hong Kong, nakilala ni Elaine ang among si Mrs. Chen (Elizabeth Oropesa) na nagturo sa kanya na magpatawad muli. Maayos niya pa kaya ang lamat ng pagsasama nila ng kanyang ama?
www.imdb.com/title/tt7757622/
AIRED: Dec 16, 2017
Stars : Assunta De Rossi, Jeffrey Quizon, Michael Flores
Plot : Mahirap mang mawalay sa kanilang dalawang anak, kinailangang makipagsapalaran sa ibang bansa ng mag-asawang sina Lily (Angelu de Leon) at Emil (Bobby Andrews). Sa kanilang pagdating sa Canada, todo kung maghikahos ang mag-asawa kaya naman nang makilala nila ang dalawa pang mga kababayan, hindi sila nag-alinlangang makipagkaibigan dito. Sa kabila nito, lingid sa kanilang kaalaman na mayroon pala itong motibo sa kanila. Paano kaya nila ito pananagutin?
www.imdb.com/title/tt10596862/
AIRED: Jul 6, 2019
Stars : Assunta De Rossi, Jeffrey Quizon, Michael Flores
Plot : Masayahing ina si Lyka (Assunta de Rossi), ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti ay isang mabigat na dalahin—nakararanas siya ng pang-aabuso mula sa asawang si Dante (Michael Flores), isang pastor. Maging solusyon kaya ang pakikipagsapalaran niya sa ibang bansa upang masuportahan ang kanyang mga anak?
www.imdb.com/title/tt10862174/
AIRED: Aug 24, 2019
Stars : Winwyn Marquez, Ana Capri, Seth Dela Cruz
Plot : Hindi man siya nakapagtapos ng kolehiyo, nagpursigi si Mila (Jasmine Curtis-Smith) na makakuha ng certificate sa physical therapy upang makapagtrabaho para sa kanyang pamilya. Sa kanyang paglipad sa Malaysia, dito niya napagtanto na hindi pala masahista ang napasukan niyang trabaho—kundi isang sex slave! Makatakas pa kaya siya o titiisin niya ito para sa mga minamahal sa buhay?
www.imdb.com/title/tt10745212/
AIRED: Aug 3, 2019
Stars : Winwyn Marquez, Ana Capri, Seth Dela Cruz
Plot : Nagturingan na bilang magkapatid ang matalik na magkaibigang sina Karen (Thea Tolentino) at Vina (Mikee Quintos). Ngunit nang dahil sa matinding pagkahumaling ng huli kay Manny (David Licauco) na siyang nobyo ng una, nauwi lamang ito sa madugong trahedya. Saan kaya hahantong ang isyu ng magkabilang panig?
www.imdb.com/title/tt8795530/
AIRED: Aug 4, 2018
Stars : Winwyn Marquez, Ana Capri, Seth Dela Cruz
Plot : Lingid sa kaalaman ng mga domestic helper na sina Joyce (Winwyn Marquez) at Joylyn (Ana Capri) na ang mga alaga nilang bata, anak pala ng mga hina-hunting na sindikato sa Taiwan! Mailigtas kaya nila ang mga bata bago pa mahuli ang lahat?
www.imdb.com/title/tt9805538/
AIRED: Feb 16, 2019
Stars : Jason Abalos, Sophie Albert, Catherine Rem
Plot : Mag-isang itinataguyod ni Anne (Sophie Albert) ang kanyang pamilya at nagtatrabaho bilang Marketing Assistant sa South Korea. Dahil subsob sa pagtatrabaho at halos wala nang oras para sa kanyang sarili, isa sa mga naisakripisyo ni Anne ang relasyon nila ng dati niyang nobyo na si Mark (Jason Abalos). Paano kung magkita sila ng ex niya, pero ngayon, asensado na, mas gwapo, mas mature, sobrang iba na ito kumpara noong sila pa? Paano kung mahal pa pala niya si Mark, kaso may iba na?
www.imdb.com/title/tt11293038/
AIRED: Nov 16, 2019
Stars : Dionne Monsanto, Ervic Vijandre, Ashley Rivera
Plot : Magkasama’t magkasangga sa trabaho ang matalik na magkaibigang sina Lee (Dionne Monsanto) at Ervic Vijandre (Ram). Ngunit sa isang iglap, masusubukan ang kanilang pagkakaibigan nang magkasiping ang dalawa matapos malasing. Nang dahil sa kasarian ni Lee, paano niya kaya sasabihin kay Ram at sa nobya nitong si Cherie (Jenzel Angeles) na nabuntis siya nito?
www.imdb.com/title/tt10284296/
AIRED: May 4, 2019
Stars : Jeric Gonzales, Divine Aucina, Rein Adriano
Plot : Tanging nais lamang ni Mhai (Divine Aucina) na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya kaya siya nagdesisyong lumipad pa-Saudi Arabia. Sa kanyang pagdating doon, hindi naging malupit ang kanyang mga among banyaga hanggang sa paghinalaan siya nitong nananakit ng bata. Maipagtanggol niya kaya ang kanyang sarili bago siya mawalan ng trabaho?
www.imdb.com/title/tt10782616/
AIRED: Aug 10, 2019
Stars : Rochelle Pangilinan, Bernard Palanca, Clint Bondad
Plot : Nagdadalawang-isip na mangibang-bansa ang OFW na si Betty (Rochelle Pangilinan) dahil hindi niya maiwan ang anak na may diabetes at ang kinakasama niyang si Jonald (Marco Alcaraz). Matapos ibalita ng kanyang ina na nambababae nga ito, sinubukan niya itong sundan at nagulat sa kanyang natuklasan! Sa kanyang pagdating sa South Korea, hindi sukat akalain ni Betty na mas marami pa pala siyang haharaping unos dito. Paano niya kaya ito malalampasan?