www.imdb.com/title/tt9832340/
AIRED: Feb 23, 2019
Stars : Diana Zubiri, Jao Mapa, Jason Francisco
Plot : Dahil nagkandabaon-baon na sa utang ang kanyang pamilya, nagpasya si Joyce (Diana Zubiri) na makipagsapalaran sa Taiwan bilang isang domestic helper. Habang naghihikahos siya roon, hindi niya sukat akalin na ang kaibigan niyang si Rose (Jana Victoria), magagawang gapangin ang kanyang asawa na si Caloy (Jao Mapa)! Paano niya kaya huhulihin ang pagtataksil ng mga ito?
www.imdb.com/title/tt8052606/
AIRED: Feb 24, 2018
Stars : Glydel Mercado, Inah De Belen, Geleen Eugenio
Plot : Matapos mabiyuda sa asawa, napilitan si Lucia (Glydel Mercado) na iwan ang kanyang mga anak sa tiyahin nilang si Andeng (Geleen Eugenio) dahil susubukan nito ang kanyang kapalaran sa Saudi Arabia bilang domestic helper. Laking gulat ni Lucia na kalunos-lunos na kapalaran pala ang sasapitin niya sa mga kamay ng kanyang amo. Matamasa pa kaya niya ang ginhawang matagal na nilang inaasam-asam?
www.imdb.com/title/tt10141868/
AIRED: Apr 6, 2019
Stars : Sanya Lopez, Dominic Roco, Liezel Lopez
Plot : Marangal na nagtatrabaho sa Dubai bilang isang receptionist ang Pinay na si Arianne (Sanya Lopez), kaya labis ang kanyang pagkagulat nang matuklasan niyang pinagnanasaan pala siya ng manliligaw na si Gino (Dominic Roco)! Sa katunayan, nagagawa siya nitong bosohan habang naliligo! Paano niya kaya ito kokomprontahin?
www.imdb.com/title/tt9554742/
AIRED: Jan 5, 2019
Stars : Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Marc Justine Alvarez
Plot : Bago magtrabaho sa Canada bilang isang nurse, biktima ng isang karumal-dumal na krimen ang Pinay na si Lani (Meg Imperial). Ang masaklap, nagbunga ang panghahalay sa kanya. Iniwan niya sa ina at kapatid ang anak at mas piniling mangibang-bansa sa halip na alagaan ang bata. Lingid sa kaalaman ni Lani, impyerno ang magiging sukli nito sa kanya dahil makakaranas siya ng karahasan sa piling ng napangasawa niyang Amerikano.
www.imdb.com/title/tt7991440/
AIRED: Feb 10, 2018
Stars : Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Marc Justine Alvarez
Plot : Tila aso’t pusa kung mag-away noon ang sina Jessica (Barbie Forteza) at Marvin (Derrick Monasterio) pero aminado silang best friend ang turing nila sa isa’t isa. Kaya naman nang mamasukan sa ibang bansa si Jessica, labis ang kanyang pagkagalak nang muling makatagpo ang kababata niyang si Marvin sa Greece! Dito na nga ba magsisimula ang pagkakamabutihan nilang dalawa?
www.imdb.com/title/tt7166552/
AIRED: Jul 22, 2017
Stars : Tina Paner, Robert Ortega, Dang Cruz
Plot : Todo-kayod sa pagiging domestic helper sa Hong Kong ang OFW na si Norma (Tina Paner), na handang gawin ang lahat para maipagamot ang asawang si Manny (Robert Ortega) at mapagtapos ng pag-aaral ang anak na si Gerald (John Manalo). Saan kaya huhugot ng lakas si Norma kapag nalaman niya na kasagsagan ng trabaho, malaman niya na mayroon pala siyang cancer?
www.imdb.com/title/tt10176790/
AIRED: Apr 13, 2019
Stars : Katrina Halili, Rein Adriano, Shermaine Santiago
Plot : Nagkabaon-baon sa utang si Lorie (Katrina Halili). Upang mabayaran ang mga gastusin sa yumaong asawa, kinailangan niyang gawing ‘collateral’ ang mga anak sa pinagkautangan habang nasa ibang bansa siya. Nang bigong makapag-ipon sa Hong Kong, nakilala niya ang kapwa-Pinoy na si Glenda (Shermaine Santiago) na nag-alok sa kanya ng isang trabahong makapagbibigay sa kanya ng sapat na halaga ng pera. Tanggapin niya kaya ito?
www.imdb.com/title/tt7898484/
AIRED: Jan 20, 2018
Stars : Chynna Ortaleza, Bianca Umali
Plot : Ulila nang lubos ang magkapatid na sina Alma (Chynna Ortaleza) at Arlene (Bianca Umali) kaya naman nang magdesisyon ang huli na mag-abroad bilang isang nurse sa United Kingdom, matinding pangungulila ang naramdaman ng kanyang ate na isang lisensyadong guro sa Pilipinas. Ano kaya ang gagawin ni Arlene kung bigla na lang sumulpot ang ate niyang si Alma, na tinalikuran ang propesyon sa Pilipinas para makasama siya sa ibang bansa?
www.imdb.com/title/tt9158188/
AIRED: Oct 20, 2018
Stars : Ina Feleo, Geoff Eigenmann, Maey Bautista
Plot : Higit isang dekadang naghahanapbuhay si Mercy (Tetchie Agbayani) bilang domestic helper sa iba’t ibang bansa. Ang kaso, wala siyang naipundar dahil ipinambabayad niya ito para sa dialysis ng kanyang anak. Matapos nitong pumanaw, napilitan siyang makitira sa bahay ng kanyang panganay na si Lovely (Elora Españo) . Hindi niya akalaing aalipustahin siya ng asawa ng kanyang anak na si Tony (Kiko Matos).
www.imdb.com/title/tt7414412/
AIRED: Sep 23, 2017
Stars : Ina Feleo, Geoff Eigenmann, Maey Bautista
Plot : Matapos mag-expire ang kanyang working visa sa Dubai, napilitang lumipat si Rina (Ina Feleo) sa Kish Island sa Iraq upang magpalamig at maghintay kung kailan ulit siya magagawaran ng panibagong visa. Anong kapalaran kaya ang naghihintay sa kanya rito?