www.imdb.com/title/tt5003628/
AIRED: Sep 5, 2015
Stars : Stephanie Sol, Martin Del Rosario, Andrea Torres
Plot : Ang team leader na si Sofia (Stephanie Sol), hindi lang masigasig sa pagtatrabaho—dahil maging mga gwapong call center agent, hilig din niyang trabahuin! Kailan kaya siya matututo ng leksyon?
www.imdb.com/title/tt5945224/
AIRED: Aug 6, 2016
Stars : Pen Medina, Aubrey Miles, Ces Quesada
Plot : Matagal nang tinalikuran ni Tina (Aubrey Miles) ang nakaraan niya bilang hostess kaya naman nang makilala niya si Manong Greg (Pen Medina), tila kinain niya ang mga sinabi niya dahil nahulog ang loob niya rito! Ano na lang kaya ang gagawin niya kapag nalaman ni Manong Greg ang kanyang sikreto?
www.imdb.com/title/tt6219840/
AIRED: Nov 5, 2016
Stars : Cherry Pie Picache, Rafael Rosell, Carmi Martin
Plot : Dahil madalas siyang nasa bahay at hindi na halos napapansin ng kanyang mga anak, akala ni Elena (Cherry Pie Picache) ay napaglipasan na siya ng panahon. Pero isang gabi, sa isang bar, magbabago ang ikot ng mundo niya matapos makilala ang playboy na si Xavier (Rafael Rosell)! Ito na nga ba ang kanyang forever?
www.imdb.com/title/tt5762782/
AIRED: May 28, 2016
Stars : Carlos Agassi, Gwen Zamora, Jade Lopez
Plot : Masaya na si Nestor (Carlos Agassi) sa kanyang buhay dahil magkakaroon na sila ng supling ng kinakasama niyang si Melissa (Gwen Zamora). Pero tila mapaglaro yata ang tadhana—dahil nang magkita silang muli ng dati niyang asawa na si Joan (Jade Lopez), napa-throwback na rin ang dalawa sa kanilang pag-iibigan! Handa kaya si Joan na maging kalaguyo ng dati niyang mister?
www.imdb.com/title/tt5721126/
AIRED: May 14, 2016
Stars : Precious Lara Quigaman, Ana Capri
Plot : Nalayo man si Liza (Precious Lara Quigaman) sa kanyang anak, ginawa pa rin niya ang lahat para makapiling ito muli. Pero sa kanyang pag-uwi, napansin na lamang niya na malapit na pala ang loob ng kanyang anak sa madrasta nitong si Olive (Ana Capri)! Magkasundo pa kaya silang dalawa?
www.imdb.com/title/tt5566704/
AIRED: Mar 19, 2016
Stars : Adrian Alandy, Archie Alemania, Glenda Garcia, JC Santos, Pam Nieva
Plot : Parang magkapatid na kung ituring nina Emir (Adrian Alandy) at Kulit (Archie Alemania) ang isa’t isa dahil sa kanilang solid na pagkakaibigan. Paano na lang kaya kung sa iisang babae sila mahumaling, sino kaya ang magpaparaya?
www.imdb.com/title/tt5904996/
AIRED: Jul 23, 2016
Stars : Kim Rodriguez, Kiko Matos, Ken Alfonso, Terry Gian
Plot : Buong akala ni Liz (Kim Rodriguez) ay mabuting kaibigan ang trato sa kanya ni Dondon (Kiko Matos), na katrabaho niya sa palengke. Lingid sa kaalaman ni Liz, mayroon pala itong kakaibang pantasya sa kanya na umabot pa sa dahas!
www.imdb.com/title/tt6321618/
AIRED: Dec 10, 2016
Stars : Solenn Heussaff, Ahron Villena
Plot : Ang “happy-go-lucky” na si Chantal (Solenn Heussaff), dumanas ng matinding karahasan matapos sumama sa mga kaibigan ng dati niyang nobyo na si Tristan (Ahron Villena. Diumano, nilasing siya ng mga ito at pinagsamantalahan ang kanyang kahinaan habang wala sa ulirat! Makamit kaya niya ang isinisigaw na hustisya?
www.imdb.com/title/tt6092040/
AIRED: Sep 24, 2016
Stars : Mel Martinez, Stephanie Sol, Marc Abaya, Tammy Brown
Plot : Kilalang raketera si Vanni (Stephanie Sol) na ang tanging pangarap lamang ay maging isang sikat na artista. Pero sa kagustuhan niya na makamit ito, aabot siya sa puntong manggamit ng tao—lalo na ang nakilalang photographer na si Edison (Marc Abaya)! Umusbong kaya ito sa totohanan kahit pa mayroon nang nobyo si Vanni?
www.imdb.com/title/tt5659620/
AIRED: Apr 23, 2016
Stars : Gardo Versoza, Francine Prieto, Roxanne Barcelo
Plot : Ang inaakalang mabait at matulunging bedspacer ni Leni (Francine Prieto) na si Maita (Roxanne Barcelo), tila isang ahas pala kung gumalaw dahil balak nitong akitin ang kanyang mister na si Jun (Gardo Versoza)! Paano kaya niya ito mahuhuli?