AIRED: January 30, 2021
Plot : Habang naglilinis ang isang housekeeper sa hotel sa Olongapo, napansin niya na mayroong hindi magandang amoy sa isang kuwarto. Katulong ang receptionist, sinubukan nilang tawagan ang nangungupahan dito ngunit hindi ito sumagot kaya pinuntahan nila ito. Laking gulat nila nang maabutan itong tadtad ng saksak, may gilit sa leeg at wala pang damit pang-ibaba! Paano ito sinapit ng biktima? Sino ang suspek sa brutal na pagpatay?
AIRED: February 20, 2021
Plot : Nag-alala si Malyn Sabaybay sa kanyang anak na si Honeylyn dahil hapon na ay hindi pa ito umuuwi mula sa paaralan. Nagpatulong siya sa kanyang Tatay at kinakasama para hanapin ang bata. Nabigla sila nang matagpuan nila ang bata na puno ng pasa, tadtad ng saksak at naliligo na sariling dugo sa isang sagingan. Sino ang may gawa ng brutal na krimen?
AIRED: March 6, 2021
Plot :Hindi inakala ni Angela na hindi niya madadatnan ang anak na si Khian, apat na taong gulang, matapos niyang mag-igib ng tubig. Ang kutob niya at ng kanyang asawa, maaaring ang kanilang kapitbahay ang may kagagawan ng pagkawala nito dahil napag-interesan ang nilalarong cellphone. Hanggang sa matagpuan na lamang nila sa isang eco bag ang bangkay ng kanilang anak!
AIRED: March 27, 2021
Plot : Madalas raw pinag-aawayan nina Ella Marie at Richard ang selos. Pakiramdam kasi ni Richard, lahat ng kinakausap ng kanyang misis ay inaakit nito. Isang araw, habang nagpapahinga si Ella, bigla na lamang siyang pinagsasakal at pinagsasaksak ng kanyang asawa. Makaligtas pa kaya siya?
AIRED: April 10, 2021
Plot : Itinuring na isa sa pinakabrutal na krimen ang sinapit ni Christine Silawan taong 2019 sa Lapu-Lapu City. Hindi na siya makilala ng mga residente gawa ng tadtad ito ng saksak at binalatan pa ang kanyang mukha. Mabigyan pa kaya ng hustisya ang pagkamatay ng biktima?
AIRED: April 17, 2021
Plot : Limang taon na ang nakakalipas, isang batang tatlong taong gulang ang natagpuang nakasilid sa sako hanggang sa tuluyang binawian ng buhay. Sino nga ba ang suspek at ang ang motibo nito sa brutal na pagpatay sa bata?
AIRED: May 8, 2021
Plot : Napansin ni Belen na na tila tumataba at lumalaki ang balakang ni Tintin, isang dalagitang may mild mental retardation. Nakumpirma nilang buntis nga si Tintin. Sino ang may gawa ng krimen? Mabigyan pa kaya ng hustisya ang pang-aabuso sa biktima?
AIRED: June 19, 2021
Plot : Nagambala ang mag-asawang Roli at Marites nang makita ang kanilang hapon na kapitbahay na wala nang buhay sa isang liblib na lugar sa lalawigan ng Nueva Ecija. Akala ng lahat na isa itong natural na pagkamatay, ngunit iba ang natuklasan ng mga pulis.
AIRED: May 22, 2021
Plot : Natagpuan ang isang hubo’t hubad na bangkay ng isnag transgender sa masukal na bahagi ng sementeryo sa isang barangay sa Alangalang sa Leyte. Ang hinala ng mga pulis, pinagnawakan at itinapon ang bagkay nito ngunit nang lumabas ang autopsiya, iba pala ang nangyari.
AIRED: July 3, 2021
Plot : Bandang umaga nang magpaalam si Bheanne upang maghanap lamang ng signal ng telepono malapit sa kanilang tinitirhan. Matapos ang ilang oras, bangkay na ito nang matagpuan ng kanyang lolo at lola.