AIRED: April 28, 2018
Stars : Lou Veloso, Luz Fernandez, Devon Seron
Plot : Lulong ka rin ba sa masamang bisyo? Ang anak na ito, sa tindi ng pagkalulong, sariling ama na niya ang nag-disiplina — matapos siyang habulin ng… itak?
AIRED: Oct 29, 2016
Stars : Arra San Agustin, Jak Roberto, Elle Ramirez, Isabel Granada
Plot : Hanggang saan ang kaya mong gawin nang dahil sa selos? Si Anna (Arra San Agustin), kalunos-lunos ang sinapit matapos akalain na sakit lang ito. Ang kanyang kondisyon, resulta raw ng kulam!
Plot : Malakas ang kutob ni Christopher Trocio na ang kapitbahay niyang si Lodi ay isang aswang at maari sila nitong saktan. Isang gabi ay pinuntahan niya ito at walang awang pinaghahampas ng kawayan hanggang sa bawian ng buhay ang kaawa-awang matanda. May katotohanan ba ang kanyang hinala?
AIRED: May 30, 2021
Plot : Isang nagliliyab na bangkay ang natagpuan sa likurang bahagi ng isang eskuwelahan sa Nueva Ecija. Ayon sa pag-iimbestiga ng mga pulis, maaring pinatay muna ito at bago silaban. Sino ang suspek sa brutal na pagpaslang dito?
AIRED: May 1, 2021
Plot : Naging usap-usapan sa bayan ng Dasmariñas, Cavite ang natagpuang bangkay ng isang ginang sa loob ng septic tank sa bakuran mismo ng kanyang bahay. Sa imbestigasyon ng mga pulis, lumalabas na ang anak nito ang pangunahing suspek. Mabigyan pa kaya ng hustisya ang karumal-dumal na sinapit ng biktima?
AIRED: September 11, 2021
Plot : Noong ika-17 ng Hulyo, sinugod at ginulpi ang senior citizen na si Tonying ng kanyang kapitbahay na itinuring na niyang parang sariling anak. Naganap ang panggugulpi sa tapat mismo ng kanyang bahay sa Isabela. Isinugod pa si Tonying sa ospital ng kanyang pamilya pero tuluyan na itong binawian ng buhay.
AIRED: January 18, 2020
Plot : Pangmamaliit at bugbog ang inaabot ni Kiko at ng kanyang mga kapatid kapag tumanggi silang mamalimos. Ang malala pa nito, sarili nilang stepmother o madrasta ang gumugulpi sa kanila. Matagal na silang pinagbubuntunan ng galit, minsan raw ay sinisipa pa sa tagiliran ang mga walang kalaban-laban na bata! Umabot pa sa puntong isa sa kanila ang pumanaw. Mabigyan pa kaya ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang bunso?
AIRED: April 25, 2020
Plot : Isang araw ay nagpaalam ang isang binatilyo na sasamba siya sa kanilang kapilya ngunit hindi na ito nakabalik matapos ang ilang araw hanggang sa natagpuan ang kanyang bangkay na tadtad ng 30 saksak, at tinapyas pa ang laman sa likod. Ano kaya ang katotohanan sa likod ng krimen na ito?
AIRED: March 30, 2019
Plot : Isang araw pagkagaling sa trabaho ni Jachel ay naabutan niya ang kanyang anak na si Andrei sa kuwarto nito na nakatali ang leeg at wala nang malay. Ang pangunahing suspek, ang kanilang yaya na si Mila. Ano nga ba ang katotohanan sa likod ng krimeng ito?
AIRED: November 7, 2020
Plot : Sa tuwing nagtutungo sa bukid ang mag live-in partner na sina “Jack” at “Martha” upang mag-hanap buhay, inihahabilin nila ang mga bata. Ang dalawa nilang anak na kapwa menor de edad — ang siyam na taong gulang na si “Nena” at ang labing dalawang taong gulang na si “Myra”. Pero lingid sa kanilang kaalaman, tuwing naiiwan ang mga bata, pinagsasamantalahan pala sila! Mabigyan pa kaya ng hustisya ang kanilang mga anak?