AIRED: August 22, 2020
Plot : Nagtataka ang inang si Mary Jean sa kadilimang tila bumalot sa kanilang tahanan. Ang buong akala niya natutulog lang ang kanyang 14-anyos na anak na si Garlene, pero nang hindi ito sumagot sa kanyang tawag nagsimula na siyang kabahan. Hanggang isang kagimbal-gimbal na imahe ang tumambad sa inang si Mary Jean. Ang kanyang anak, natagpuan niyang nakadapa sa kanilang kama at wala nang buhay. Nakatali ang mga kamay nito, binusalan ang bibig at nilaslas ang leeg.
AIRED: Nobyembre 19, 2022
Plot : Nitong ika-30 ng Agosto, isang bangkay ng babae ang natagpuan sa isang garahe sa Barangay Alfonso Tabora, Baguio City. Napag-alaman na ang ikinamatay nito ay pagkakasakal. Sa pag-usad ng imbestigasyon, ano-ano pa ang mga matutuklasan sa likod ng kagimbal-gimbal na sinapit ng babae?
AIRED: September 17, 2022
Plot : Patay sa pananaksak sa Novaliches, Quezon City ang 23-anyos na babaeng itatago sa pangalang “Kristina” nitong ika-20 ng Hulyo. Ang pangyayari, nakunan ng CCTV camera.
AIRED: October 15, 2022
Plot : Nitong ika-13 ng Agosto, masugid ang paghahanap para sa 15-anyos na si Princess Marie Dumantay na dalawang araw nang hindi umuuwi sa kanilang bahay sa San Jose del Monte, Bulacan. Hanggang nakita ng kapatid ni Princess na si Paulo ang larawan ng isang bangkay ng dalaga sa Bustos, Bulacan. Nang pinuntahan nina Paulo ang bangkay, nakumpirma nilang ito si Princess. May mga pasa at paso ang biktima. Napag-alaman ding ito ay ginahasa.
AIRED: October 8, 2022
Plot : Nagimbal ang marami sa misteryosong pagkawala ng 22-anyos na si Jovelyn Galleno sa Puerto Princesa City, Palawan. Noong ika-lima ng Agosto, pasado alas-siyete ng umaga, nakunan pa ng CCTV camera ang pagpasok ni Jovelyn sa pinagtatrabahuhan. Pasado alas-siyete naman ng gabi, nahagip din siyang naglalakad palabas ng gusali. Pero matapos nito, hindi na muling nakita si Jovelyn. Makalipas ang 18 araw na paghahanap, kalansay na siya nang natagpuan.
AIRED: August 20, 2022
Plot : Nitong ika-17 ng Hulyo sa Cagayan de Oro City, isang menor de edad ang nagpatulong sa mga awtoridad dahil naholdap sila ng kanyang nobyong si Cris SemaƱa. Pinagsasaksak si Cris habang ang nakatakas na menor de edad na itatago sa pangalang “Irene” naman ay hinalay.
AIRED: August 27, 2022
Plot : Kahindik-hindik ang sinapit ng pitong taong gulang na batang babae sa Barangay Landayan, San Pedro, Laguna. Sa isang abandonadong bahay, natagpuan siya na wala nang buhay, walang damit pang-ibaba at nakabalot sa kulambo ang kanyang ulo. Ayon sa pulisya, pananakal ang dahilan ng kanyang pagmatay.
AIRED: August 6, 2022
Plot : Walang buhay at punong-puno ng pasa ang katawan ni Regine nang matagpuan siyang nakahandusay ng kanyang kapatid. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, sinakal umano ito gamit ang charger ng laptop hanggang sa bawian ito ng buhay. Sa tulong ng mga ebidensyang nakalap nila mula sa anak ng biktima, mahuli kaya nila ang suspek sa krimen?
AIRED: August 13, 2022
Plot : Nitong ika-17 ng Marso, natagpuan sa loob ng isang kubo sa Barangay Ganatan, Arakan, Cotabato ang katawan ng lalaking nagngangalang Berly Rama, 38-anyos. Tadtad ng saksak, putol ang ari at walang ulo ang kanyang katawan. 30 metro mula sa katawan niya, nakita naman ang ulo niyang nakapatong sa mga sanga ng kahoy.
www.imdb.com/title/tt8346144
AIRED: Nov 3, 2018
Stars : Sunshine Dizon, Lauren Young, Marco Alcaraz
Plot : While working in the Bahamas as a waitress, Marge (Sunshine Dizon) never thought her husband Rodrigo (Marco Alcaraz) would cheat on her for another woman. Will she ever find out?