AIRED: April 29, 2023
Plot : Naperwisyo ang buhay ng mag-asawang sina Chit (Joyce Ching) at Buboy (Dave Bornea) dahil sa mga tsismis na ikinalat ng grupo ni Mary Anne (Viveika Ravanes). Magagawa ba nilang malampasan ang pagsubok na ito?
AIRED: May 6, 2023
Plot : Ang buong akala ni Jessica (Shaira Diaz) ay nag-iisa lang siya sa puso ng kanyang nobyo na si Jay-ar (Akihiro Blanco). Kaya sobrang sakit sa kanya na malamang may anim pa itong kasintahan. Dahil wala nang matitirhan, napilitan si Jessica na tumuloy muna sa bahay ni Jay-ar kahit masama ang loob niya rito. Sa bahay, kasama ni Jessica ang iba pang girlfriends ni Jay-ar.
AIRED: May 20, 2023
Plot : Nang mamatay si Ernesto (Allan Paule), pinaalis ng kanyang mga kapatid ang nobya niyang si Lea (Sunshine Cruz) kahit ito’y buntis pa. Makalipas ang maraming taon, nagtagpo ang anak ni Lea na si Celine at ang mga kapatid ni Ernesto na sina Bethany at Renato. Nang makilala nila ang pagkatao ni Celine, inalipusta rin nila ito.
AIRED: May 13, 2023
Plot : Dahil mahirap lang si Lea (Sunshine Dizon), hindi siya tanggap nina Bethany (Samantha Lopez) at Renato (Michael Flores) na maging kasintahan ng kanilang kapatid na si Ernesto (Allan Paule). Iniisip nilang pera lang ang habol ni Lea sa kanilang kapatid. Dahil dito, gumawa sila ng paraan para tuluyang mapaalis si Lea sa buhay ni Ernesto.
AIRED: May 27, 2023
Plot : Kahit anong gawin ni Ahra (Joaquin Domagoso), hindi pa rin matanggap ng kanyang ama at kapatid ang pagiging trans woman niya. Darating pa kaya ang panahon na mararamdaman ni Ahra ang pagmamahal ng mga ito?
AIRED: June 3, 2023
Plot : Sa ikalawang pagkakataon, muli na namang nakaranas ng panloloko si Ahra (Joaquin Domagoso). Ipinagpalit kasi siya ng kanyang boyfriend sa iba.
AIRED: July 1, 2023
Plot : Hindi akalain ni Lily (Rochelle Pangilinan) na pagkatapos ng relasyon ng kanyang mister na si Kevin (Paolo Paraiso) at ng kabit nitong si Marla (Maui Taylor), mas magiging komplikado ang kanilang sitwasyon. Nalaman kasi ni Lily na may gusto pala sa kanya si Marla.
AIRED: July 22, 2023
Plot : Bata pa sina Angel (Rhed Bustamante) at Lloyd (David Remo) nang pumasok sila sa pakikipagrelasyon. Ang kanilang pagmamahalan, nagbunga ng isang supling. Paano kaya tatanggapin ng kanilang mga magulang ang balita?
AIRED: June 17, 2023
Plot : Magmula nang tanggapin ni Rowena (Nadine Samonte) sa kanyang bahay ang matalik na kaibigang si Melanie (Karen delos Reyes), inabuso na ni Melanie ang kabutihang ipinakita ni Rowena. Hindi na nga nagbabayad ng upa, namemerwisyo pa si Melanie kina Rowena.
AIRED: July 8, 2023
Plot : Nang matapos ang bawal na pakikipagrelasyon ni Marla (Maui Taylor) sa mister na si Kevin (Paolo Paraiso), nagustuhan naman niya ang misis nitong si Lily (Rochelle Pangilinan). Desidido siyang makuha at maging karelasyon ito.