AIRED: November 26, 2022
Plot : Nang maiwan si Lola Delia (Gina Pareño) sa labas ng kanilang bahay, kinuha ng kapitbahay na si Louie (Anjo Damiles) ang ATM card ng kanyang asawa na si Lolo Leonardo (Nanding Josef). Bagamat nakita ni Lola Delia si Louie, bigla naman niyang nakalimutan kung sino ito dahil sa kanyang dementia. Mahuli pa kaya nila ang salarin?
AIRED: December 3, 2022
Plot : Dahil sa utang na loob, hindi magawang iwan ni Jerfa (Ashley Ortega) ang tiyahin niyang lulong sa pagsusugal. Pero nang dumating sa buhay niya si Kenneth (Martin Del Rosario), napilitan na siyang lumayo sa mapang-abusong tita at ipaglaban ang pag-ibig na kanyang nararamdaman.
AIRED: December 10, 2022
Plot : Isang patas na guro si Teacher Thess (Mikee Quintos). Pero ang kanyang kahanga-hangang ugali at prinsipyo sa buhay, minasama lang nina Teacher Nancy (Tart Carlos) at Teacher Marj (Stephanie Sol). Labis na inis ang nararamdaman ng dalawang guro kay Teacher Thess kaya pinagtulungan nila ito at siniraan.
AIRED: January 14, 2023
Plot : Sumali si Sara (Katrina Halili) sa paluwagan ng kanyang kaibigan para matupad ang pangarap ng mister niyang si Tutoy (Jon Lucas) na magkaroon ng sariling motor. Pero matapos ibigay ni Sara ang motor kay Tutoy, nagtaksil ito at pinatulan ang kanyang mga kasamahan sa paluwagan.
AIRED: February 25, 2023
Plot : Hangad ni Rosinie (Gina Alajar) na maging masaya ang ika-18 taong kaarawan ng kanyang bunsong anak na si Lovely (Althea Ablan). Kaya naman naghanda sila nang maigi para sa selebrasyon nito. Pero dahil sa biglaang pagkamatay ni Rosinie sa kaarawan ni Lovely, napalitan ng lungkot ang dapat sana’y kaligayahang mararamdaman ng anak.
AIRED: March 4, 2023
Plot : Tuwing hindi nagugustuhan ni Karlo (Allen Dizon) ang ikinikilos ng kanyang anak na si Mark (David Remo), sinasaktan niya ito. Ang ina ni Mark na si Cherry (Via Veloso), ginagawa ang lahat para pigilan ang kalupitan ni Karlo, pero hindi pa rin ito sapat para maprotektahan ang anak.
AIRED: March 11, 2023
Plot : Ilang buwan nang hindi nakakapagbayad ng renta sa inuupahang bahay ang pamilya ni Gracia (Ces Quesada). Nang paulit-ulit na singilin si Gracia ng landlady na si Vangie (Andrea del Rosario), sinaktan niya ito. Gumawa rin siya ng tsismis tungkol sa pinapaupahan nito. Kalaunan, tumakas si Gracia sa kanyang mga responsibilidad kay Vangie.
AIRED: March 25, 2023
Plot : Dahil hindi nanalo sa “Cleanest Classroom” competition si Mrs. Cortez (Jean Saburit), nagalit siya sa mga estudyanteng inatasan niyang maglinis ng kanyang classroom at pinakain ang mga ito ng basura. Ang isa sa mga estudyante na si Ian (Bryce Eusebio), naospital!
AIRED: April 1, 2023
Plot : Walang trabaho si Archie (Kimson Tan) kung kaya’t si Hazel (Klea Pineda) ang madalas na naglalabas ng pera para sa binata. Dahil naman sa pangako ni Archie na magbabayad sa kanya, nagtiwala si Hazel. Pero nang maghiwalay sila, napako ang pangako ni Archie. Naiwan din kay Hazel ang responsibilidad ni Archie sa pagbabayad ng iba nitong inutang.
AIRED: April 22, 2023
Plot : Matapos ang pagtataksil ni Leon (Victor Neri) sa misis niyang si Susan (Valerie Concepcion), nagawa niya pang tumira kasama ang kanyang kabit malapit sa bahay nito. Ang mas malala, nag-jumper pa si Leon ng kuryente sa bahay ni Susan.