AIRED: May 14 2021
Plot : Kahit magkaiba ang tinatahak ng buhay nina Rachel (Kris Bernal) at John Lloyd (Alden Richards), iisa naman ang itinitibok ng kanilang puso. Maipaglaban kaya nila ito hanggang sa huli kung si John Lloyd, na isa palang pulis na kabilang sa Special Action Force, ay malagay sa panganib ang buhay nang sumabak ito sa isang engkuwentro sa Mamasapano?
AIRED: May 14 2021
Plot : Buong akala ni Alona (Kris Bernal) ay may maganda nang intensyon sa kanya ang lalaking nakilala niya. Pero lingid sa kanyang kaalaman, ito pala ang nagdala sa kanya sa kahihiyan dahil nakaranas siya ng diskriminasyon mula rito sa kanyang pagkakuba! Sa kabila nito, makahanap pa kaya si Alona ng lalaking magmamahal sa kanya nang tunay?
AIRED: Jun 12, 2021
Plot : Simpleng lagnat, nauwi sa sakit sa isipan? Mula nang magkaroon ng mataas na lagnat si Joseph (Ruru Madrid), hindi lubos akalain ng kanyang magulang na maaapektuhan din ang kanyang pag-iisip. Ang dating nagsasalita lamang nang mag-isa, ngayon, nagiging mapanakit na. Totoo kaya ang tsismis sa kanilang lugar na sinaniban umano siya ng masamang elemento?
AIRED: Jun 11, 2021
Plot : Matapos pumanaw ang ina ni Madison (Ruru Madrid) na ang nagsilbing nanay at tatay ng kanyang mga kapatid mula nang abandonahin sila ng sarili nilang ama. Sa kabila ng hirap sa buhay, hanggang saan ang kaya niyang isakripisyo para sa mga nakababatang kapatid?
AIRED: July 9, 2021
Plot : Mabait at maasikaso si Jake sa kanyang nobyo na si Romeo dahil hindi tinatrato din siya nito ng maayos. Wala na kayang makapaghihiwalay sa kanila?
AIRED: November 5, 2022
Plot : Ang pangarap ni Natanya (Jenzel Angeles) na magkaroon ng magandang ilong, nauwi sa peligro! Dahil ang doktor na nagretoke sa kanya, isang malaking scammer pala!
AIRED: October 29, 2022
Plot : Ang simple at masayang pamumuhay ng pamilya ni Klarisse (Lianne Valentin) ay nauwi sa trahedya nang dahil sa paghihiganti ng mga daga. Hindi nila lubos akalain na ang kanilang pagsubok na puksain ang mga ito ang magiging mitsa ng pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay.
AIRED: September 10, 2022
Plot : Nagsusumikap sina Rex (Gerard Pizarras) at Gina (Bernadette Allyson) upang maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan. Pero sa kabila nito, tila hindi sila umaasenso. Ang bawat hakbang kasi ng kanilang pamilya patungo sa pag-unlad, kinokontra ng mga inggiterang kapitbahay.
AIRED: August 27, 2022
Plot : Sobra kung magselos si Anmar (Sid Lusero) kapag nakikita niya ang kanyang asawang si Dayan (Ariella Arida) na may nakakasalamuhang lalaki. Madalas siyang maghamon ng away kahit wala namang ginagawang masama ang mga ito. Ang mas malala, ikinulong pa niya ang misis sa sarili nilang tahanan dahil sa selos. Makakalaya pa ba si Dayan sa mapanakal na relasyon?
AIRED: August 20, 2022
Plot : Kahit mahirap ang buhay, hindi tinuruan ni Lorna (Tessie Tomas) ng masamang gawain ang kanyang mga anak-anakan na sina Pogi (Paolo Pangilinan), Mima (Sassa Gurl) at Jaya (Bench Hipolito). Kaya naman laking gulat na lang ng kanilang pamilya nang biglang sabihin ng mag-inang sina Ester (Aleck Bovick) at Jona (Yvette Sanchez) na ninakaw ni Pogi ang cellphone na pag-aari nila. Ano kaya ang magiging epekto ng bintang sa pamilya ni Lorna?