Plot : Katulad ng ilang kababaihan, nagtitiis si Rosa (Manilyn Reynes) sa mga bakal na kamay ng kanyang mister na si Rodolfo (Simon Ibarra) mabuo lamang at hindi tuluyang masira ang kanyang pamilya. Ngunit nang matuklasan niya na ang sarili niyang pinsan na si Sam (Jade Lopez) ang kalaguyo pala ng kanyang asawa, paano pa kaya niya sisikmurain ang pangangaliwa nito sa sarili nilang pamamahay?
Plot : Mula nang umuwi si Ival (Dominic Roco) at Mildred (Nadine Samonte) sa probinsiya, hindi na naging maganda ang pakikitungo sa una ng bilas nitong si Kiko (Kiel Rodriguez). Nang dahil sa malapit nitong pakikitungo kay Elsie (Elle Ramirez), hindi maiwasan ni Kiko na makaramdam ng matinding selos at paghihinala sa asawa. Paano kaya maitutuwid ni Elsie ang isipan ng seloso niyang mister?
Plot : Dahil hindi na halos mabilang ni Leah (Alyana Asistio) ang naranasan niyang panghahalay ng sarili niyang amain, nasanay na siya sa pang-aabuso nito kaya’t ganito rin ang naging trabaho niya—ang pagbebenta ng aliw. Sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan, mayroon pa kayang bagay o tao na magsisilbing inspirasyon sa kanya para magbago?
Plot : Madalas na nagiging tampulan ng tukso si Jeff (Carl Guevarra) nang dahil sa malaking balat sa kanyang mukha. Kahit pa ganito ang kanyang kondisyon, hindi ito naging hadlang upang magtagumpay siya sa buhay—katunayan, ito ang nagkrus sa landas nila ng gurong si Michelle (Arra San Agustin), na kalaunan ay bumihag sa kanyang puso.
Plot : Dahil nalulong na sa pagsusugal si Tisoy (Jak Roberto), naisangla niya na ang halos lahat ng kanilang mga ari-arian sa bahay para lang makataya. Higit pa rito, maging ang sarili niyang misis na si Lena (Winwyn Marquez) ay ginawa na rin niyang pusta sa sugalan! May makapigil pa kaya sa masamang bisyong ni Tisoy na naging ugat pa ng sunod-sunod na krimen?
Plot : Lumaki nang ulila ang dalagang si Jenny (Kyline Alcantara) at ang tiyahin niya na lamang ang kumupkop sa kanya kasama ang tatlo niyang pinsan na kapwa mayroong sakit sa pag-iisip. Nagiging tampulan man ng tukso sina Abraham, Alejandro at Kevin, handa si Jenny na ibuwis ang kanyang buhay para sa mga ito dahil batid niya na pantay lamang dapat ang tingin sa mga taong katulad nila.
Plot : Hirap man sa buhay ang mag-asawang Fely (Luz Fernandez) at Sito (Lou Veloso), hindi naman sila nagkulang sa paggabay at pagpapalaki sa kanilang mga anak. Ngunit ang isa nilang anak na si Ferdinand (Marco Gumabao), napariwara at minsan nang nakulong dahil sa droga. Sa paglaya nito, tuluyan na kaya itong magtino at iwasan na ang masamang bisyo?
AIRED: October 24, 2020
Plot : Pilit na sinisikap ni Nora na tulungan ang kanyang asawa sa pamamagitan ng pagbebenta ng lomi ngunit tila hindi sila nilulubayan ng kamalasan! Hanggang sa isang araw, may napaginipan siyang mga numero na agad naman niyang tinaya sa lotto. Isa ba itong pahiwatig na siya ang mananalo sa lotto? Paano kung ang inakala niyang suwerte ay maging mitsa ng sunod-sunod na kamalasan?
Plot : Matapos siyang yumao, hindi lubos akalain ng mag-anak ni Jojo (EA Guzman) kung bakit tila hindi matahimik ang kaluluwa ng kanilang ina na si Leonora (Glenda Garcia). Lingid sa kanilang kaalaman, mayroon palang misteryo sa likod ng kanyang pagkamatay! Ano kaya ito?
AIRED: November 7, 2020
Plot : Sobrang saya ni Rowena noon nang ikinasal siya kay Edward dahil buong akala niya ay tapat ito sa kanya at handa nitong tanggapin ang kanyang anak. Hanggang sa dumating ang araw na isa-isa na pa lang tinutuhog ng kanyang mister ang kanyang mga kumare na dumalo mismo sa kanilang kasal. Saan kaya hahantong ang pagtataksil na ito?