Plot : Bata pa lamang si Budang ay nakararanas na siya ng matinding pasakit mula sa kanyang lasenggerong tiyuhin. Kahit ang kanyang sariling ina ay nagawa siya iligaw na parang pusa dahil na rin sa kahirapan. Sa kabila ng mga masalimuot na karanasan na ito, taas-noo na tumayo si Budang at nagsikap upang maabot ang kanyang pangarap sa tulong ng kanyang Ma’am Nanay sa paaralan.
Plot : Dahil produkto siya ng isang ‘broken family,’ halos mapariwara na ang buhay ng binatang si Avatar (Bryce Eusebio) at naimpluwensiyahan na maging magnanakaw. Naging mainit ang mata sa kanya ng mga awtoridad ngunit kalaunan, nagbagong-buhay ito at kalaunan ay naging asset siya ng mga pulis.
Plot : Katulad ng karamihang ilaw ng tahanan, handang unahin ang kapakanan ng kanyang pamilya ang nanay na si Lenie (Valerie Concepcion). Sa kabila nito, masusubukan ang kanyang paghihirap at pagtitiyaga habang pinakikisamahan ang mister niyang si Landy (Paolo Paraiso) na pabaya at parati na lamang naglalasing. Malampasan kaya ni Lenie ang karahasang dinaranas ng kanyang pamilya laban sa kanyang asawa?
Plot : Kahit pursigidong makapagtagpos ng pag-aaral, hindi sukat akalain ni Mylene (Valeen Montenegro) na sariling magulang niya pa ang magpapatigil sa kanya at nagdesisyong mamasukan siya bilang kasambahay. Kasama ang kaibigang si Leilanie (Arny Ross), laking gulat nila na ibang trabaho pala ang kanilang napasukan—cyber prosti! Kayanin kaya ng sikmura nila ang trabahong ito para kumita?
Plot : Sa kabila ng pagtutol ng mag-anak ni Jocelyn (Meg Imperial) kay Julius (Martin Del Rosario), pinili pa rin ng una ang idinidikta ng kanyang puso kahit na batid niyang lulong ang kanyang nobyo sa bawal na gamot. Matulungan kaya ni Jocelyn si Julius na maihinto ang kanyang bisyo o pagsisihan niya ang desisyong sumama rito?
Plot : Madalas nalalagay sa peligro ang buhay ang pamilya ni Joan (Lauren Young) nang dahil sa bisyo ng mister niyang si Berto (Geoff Eigenmann) sa tuwing umuuwi ito ng lasing. Silang mag-iina, madalas na napagbuhuhatan ng kamay dulot ng bisyo ni Berto. Hanggang kailan kaya ito magagawang pakisamahan ni Joan kung sariling buhay na nila ang nakataya rito?
Plot : Mula nang maghiwalay ang mga magulang ni Joshua (Adrian Pascual), doon na siya naninirahan sa pinsan niyang si Gino (Joshua Jacobe) kasama ng kanilang tiyahin. Lingid sa kanilang kaalaman, mayroon palang isang lalaki na tila palaging nagmamanman sa kanila! Ano kaya ang pakay ng lalaking ito sa magpinsan?
Plot : Unang nagkakilala sina Alex (Epi Quizon) at Jenny (Lovely Abella) sa karinderya kung saan naging serbidora ng una ang huli, hanggang sa magkapalagayan sila ng loob. Kahit na buntis, binubugbog pa rin si Jenny ng kanyang asawang babaero at may malungkot na buhay kaya siya ang nagtataguyod sa anim niyang mga anak. Malampasan pa kaya ni Jenny ang sunod-sunod na unos sa kanyang buhay?
Plot : Dahil hindi sila magkasundo ng kanyang kuya, nagpasya si Rowena (Meg Imperial) na bumukod na lamang ng tahanan kasama ang kanyang nobyo. Sa pag-aakalang nais na palang makipag-ayos ni Noli (Rodjun Cruz) sa kanya, hinabol sila nito ng itak! Makaligtas kaya si Rowena mula sa mga kamay ng kapatid niyang lulong pala sa ipinagbabawal na gamot?
Plot : Sa dinami-rami ng pinagdaanang pagsubok ng dalagang si Lucie (Katrina Halili), hindi niya sukat akalain na mararanasan niya pa ang pinakamabigat na pasakit—ang pagpilahan at pagpiyestahan ng mga lalaki matapos lamang siyang sumama sa kanyang kaibigan para maglibang. Paano pa kaya niya malalampasan ang kanyang naranasang kalbaryo?