AIRED: July 11, 2020
Plot : Dati nang naghihikahos ang pamilya ng mag-asawang Joan at Sherwin, mas lalo pang lumala ang kanilang sitwasyon nang pumutok ang pandemya. Ang tangi kasi nilang pinagkakakitaan na tindahan ng prutas nalugi na! Inabutan pa ng quarantine si Sherwin at nalayo sa pamilya. Napilitan tuloy si Sherwin na pasukin ang peligrosong mundo ng construction. Magkapiling pa kaya sila?
Plot : Ang inakalang masayang pagsasama nina Alice at Jerome ay nauwi sa kasinungalingan at pagtataksil. Ano kaya ang gagawin ni Alice kapag nalaman niya na ang kanyang asawa mismo ang nagpadukot sa kanya bilang pambayad utang?
Plot : Matapos mawala ng ilang araw, bigla na lang nanlamig ang pakikitungo ni Martin sa kanyang asawa. Mayroon nga kaya itong kerida?
AIRED: July 3, 2021
Plot : Handa kaya si Ms. Virgie na isugal ang kanyang posisyon bilang principal para sa kanyang dating estudyante na may pagtingin sa kanya? Kaya rin kaya niyang harapin ang ex-girlfriend nitong hindi maka-move on?
AIRED: Aug 18, 2021
Plot : Buong buhay ni Sister Grace ay inalay niya sa paglilingkod sa simbahan. Isang taon na ang nakalilipas nang mamatay sa aksidente ang kanyang buong pamilya.
Ang kapatid na lang niyang si Michelle ang natitira sa kanya. Paano kung pati ito ay bawiin kay Sister Grace? Handa ba siyang talikuran ang kumbento para ipaghiganti ang kanyang kapatid?
AIRED: Sept 01, 2021
Plot : Naging matapat at maasikasong asawa si Yasmin kay Rex, pero sa kabila nito, nagawa pa rin siyang ipagpalit ng kanyang mister. Pero ang mismong lalaking sinaktan siya, muli niyang “babalikan” para sa inang may Alzheimers disease!
Paano kung pinaghinalaan siya ng babaeng pinalit sa kanya noon nga ngayo’y asawa na ni Rex? Magkakabalikan pa nga ba sina Yasmin at Rex?
AIRED: August 14, 2021
Plot : Hindi man kaaya-aya ang pisikal na anyo ni Sara pero mabuti naman ang kalooban niya, hindi kagaya ni Faith na maganda nga pero mang-aagaw naman ng asawa! Maayos pa kaya ang dating matibay na samahan nila?
AIRED: August 21, 2021
Plot : Ginamit ni Charie ang litrato ng kanyang magandang pinsan para makahanap ng jowa sa online dating. Pero hindi niya alam na ang ginawa niyang ito ay maaring maglagay sa kanyang pinsan sa kapahamakan.
Plot : Matapos mapaslang ang kanilang ama dulot ng pagkalulong nito sa masamang bisyo, halos abandonado na ang magkapatid na sina Princess (Pauline Mendoza) at Charm (Devon Seron) nang palayasin sila ng sarili nilang ina. Dahil dito, kinupkop na sila ng kanilang tiyahin na sa una lang pala mayroong malasakit—kalaunan ay pinaglimos na sila sa kalye at ginawa pang mga drug runner! Mahanap pa kaya ng magkapatid ang wastong kalinga na nararapat para sa kanila?
Plot : Hindi lubos akalain ni Emily (Arny Ross) na magagawang paslangin ng kanyang tiyuhin ang sarili nitong mga pamangkin. Bukod pa rito, kahit ang asawa niyang si Ben (Kristoffer King) ay lulong sa masasamang bisyo kaya’t hindi ito maaasahan. Inilayo man kay Emily ang kanyang mga anak, gagawin niya ang lahat makapiling lamang sila muli.