AIRED: February 17, 2018
Stars : Luz Valdez, Mikoy Morales, Klea Pineda, Lucho Ayala
Plot : Kahit na naghihikahos rin sa pamumuhay, higit 50 katao ang kinukupkop ni Nanay Vilma (Luz Valdez) upang alagaan ang mga ito. Sa kabila nito, tila taliwas ang kanyang mga anak sa ginagawa ng kanilang ina. Sino kaya ang mas kakalingain ni Nanay Vilma, ang mga anak niya o ang kanyang mga tinulungan?
Stars : Lotlot de Leon, Ashley Ortega, Yasser Marta
Plot : Matapos pumanaw ang kanilang ama, tumutulong na rin si Junjun (Yasser Marta) sa kanyang ina na naglalako ng gulay sa kalsada. Hindi magiging madali para kay Junjun na itaguyod ang kanilang pamilya dahil ang kapatid niyang si Angie (Ashley Ortega), mayroong espesyal na pangangailangan. Paano kaya niya ito malalampasan?
AIRED: April 17, 2021
Stars : Dave Bornea, Meg Imperial, Yayo Aguila, Denise Barbacena
Plot : Muntikan nang magwakas ang buhay ni Mayet matapos siyang malunod sa dagat pero nang dahil diumano sa isang sireno ay nakaligtas sa kapahamakan. Paniwalaan kaya siya ng kanyang na isang sireno ang sumagip sa kanya?
AIRED: March 13, 2021
Stars : Ashley Ortega, Diva Montelaba, Lovely Rivero, Prince Clemente
Plot : Nais lamang ni Ribby na mamuhay nang normal kagaya ng ibang tao ngunit nang dahil sa kanyang kakaibang anyo, inilayo siya ng kanyang ina sa mga tao. Hanggang sa isang araw ay nakatagpo siya ng lalaking inakala niyang magmamahal sa kanya. Paano kung ito na pala ang mitsa ng mala-impyerno niyang buhay sa perya?
AIRED: March 20, 2021
Stars : Joyce Ching, Akihiro Blanco, Yesh Burce, Bench Hipolito
Plot : Binigyan ni Chona ng pagkakataon si Sinon na magbago dahil mahal niya ito. Pero simula noong nakita nila ang dati niyang kumare na si Leslie, biglang nagbago ang lahat. Tama kaya ang kutob ni Chona na mayroong namumuong pagtitinginan ang asawa niya at si Leslie?
AIRED: May 29, 2021
Stars : Rochelle Pangilinan, Ervic Vijandre, Teri Malvar, Tanya Gomez
Plot : along lumalim ang matagal na hidwaan ng triplets na sina Carina, Carmen, at Cassandra nang dahil sa isang lalaking nagsamantala sa kahinaan nila. Maayos pa kaya ang kanilang relasyon bilang magkapatid ngayong magkasalo na sila sa iisang lalaki?
AIRED: December 4, 2021
Stars : Barbie Forteza, Thea Tolentino, Arvic Tan, Regine Angeles
Plot : Hindi na nagawang kontrolin ni Sunshine ang tatlo niyang pagkatao! May pag-asa pa kaya siyang bumalik sa dati?
AIRED: November 13, 2021
Stars : Carmi Martin, Arra San Agustin, Paul Salas, Jen Rosendahl
Plot : Parang aso at pusa sina Maila at ang kanyang biyenan sa loob ng bahay dahil hindi nila gusto ang ugali ng isa’t isa. Hanggang sa hindi na maatim ni Maila ang kasamaan ng ugali ng biyenan niya at sinubukan niyang kulamin ito. May pag-asa pa kayang magkabati sila?
AIRED: February 4, 2023
Stars : Lotlot de Leon, Gilleth Sandico, Marcus Madrigal
Plot : Dahil sa pambabastos sa kanyang pamilya, sinugod ni Nancy (Lotlot de Leon) si Maan (Gilleth Sandico) para turuan ng leksyon. Pero ang bayolenteng si Maan, nagsumbong sa kanyang mga inaalagaang menor de edad. Gumanti ang mga ito at pinagbubugbog si Nancy. Nadatnan na lang siya ng kanyang pamilya na nakahandusay sa kalsada.
AIRED: September 17, 2022
Stars : Rochelle Barrameda, Maila Gumila, Flora Espano, Anthony Rosaldo
Plot : Ang buong akala ni Sol (Rochelle Barrameda) ay uuwi silang busog mula sa handaan ng kanilang kapitbahay. Ngunit ang masayang kainan ng kanilang pamilya, mauuwi pala sa bangungot dahil sa menudong naging dahilan ng kanilang pagkakaospital.