AIRED: Feb 24, 2023
Stars : Gina Alajar, Althea Ablan, Crystal Paras, Richard Quan
Plot : Core memory kung ituring ang ika-18 na kaarawan ng mga dalaga pero paano kung sa mismong araw ng iyong debut, pumanaw ang iyong ina?
AIRED: April 28, 2018
Stars : Lou Veloso, Luz Fernandez, Devon Seron
Plot : Lulong ka rin ba sa masamang bisyo? Ang anak na ito, sa tindi ng pagkalulong, sariling ama na niya ang nag-disiplina — matapos siyang habulin ng… itak?
AIRED: Oct 29, 2016
Stars : Arra San Agustin, Jak Roberto, Elle Ramirez, Isabel Granada
Plot : Hanggang saan ang kaya mong gawin nang dahil sa selos? Si Anna (Arra San Agustin), kalunos-lunos ang sinapit matapos akalain na sakit lang ito. Ang kanyang kondisyon, resulta raw ng kulam!
AIRED: March 23, 2024
Stars : Shaira Diaz, Mariz, Ricketts, Anna Marin, James Graham
Plot : Tila palaisipan para kay Arlene (Shaira Diaz) kung sino ang kumuha ng pera sa kanyang money organizer. Mapagtakpan pa kaya ni Leah (Anna Marin) ang kanyang sarili kung mapatutunayan na siya ang kumupit ng pera?
AIRED: October 15, 2022
Stars : Irma Adlawan, Earl Ignacio, Hannah Arguelles, Patricia Ismael
Plot : Dahil sa kanyang pagiging iresponsable at pagkakaroon ng ka-chat, pinagalitan si Jelai (Hannah Arguelles) ng kanyang inang si Marilou (Irma Adlawan). Matapos ito, naglayas si Jelai. Kung saan-saan siya hinanap ng kanyang pamilya pero hindi siya nakita. Ang tsismis, nakipagtanan na si Jelai.
AIRED: August 1, 2020
Stars : Sanya Lopez, Ayeesha Cervantes, Sue Prado, Allan Paule
Plot : Sa gitna ng pandemya, isang pangyayari ang lalong nagpahirap sa mag-asawang sina Teresa at Jayson, ito ay ang biglaang pagkamatay ng dalawa nilang anak. Mabait at mapagmahal ang mga anak nilang sina Kathleen at Khaycee, ang nais lamang nila ay makatulong sa kanilang magulang, hindi nila akalain na ito ay magiging mitsa ng isang trahedya.
AIRED: March 16, 2024
Stars : Therese Malvar, Aidan Veneracion,
Plot : Desperada na si Gail (Therese Malvar) na masungkit ang inaasam na pagiging valedictorian ng kanilang paaralan. Naisipan niya tuloy na lasunin ang kanyang kakompetensyang si Andres (Aidan Veneracion).
AIRED: July 07, 2018
Stars : Joshua Jacobe, Arra San Agustin, Tanya Garcia
Plot : Dahil lumaki nang hindi malapit sa kanyang mga magulang, madalas na nasasangkot sa grupo ang binatang si Ronron (Gil Cuerva) at mas lalo pa itong naging bulakbol nang sumali sa kapatiran ng kaibigang si Kobe (Kiko Estrada). Matapos malagay sa peligro ang kanilang mga buhay nang dahil sa isang gang war, napilitang ipasuplong si Ronron ng sarili niyang ina! Paano na lang kaya ang mangyayari sa kanyang sinalihang kapatiran?
AIRED: September 1, 2018
Stars : Barbara Miguel, Caprice Cayetano, Arny Ross, Rob Sy
Plot : Bata pa lamang si Precious (Barbara Miguel) nang ipaampon siya ng kanyang magulang dahil sa hirap sa buhay. Sa una ay tunay na anak pa ang trato sa kanya ng umampon sa kanya ngunit nang magdeliryo siya dulot ng isang karamdaman, palagi na siyang minamaltrato ng mga ito at inaapi. Mabawi pa kaya si Precious ng kanyang ina bago pa mahuli ang lahat?
AIRED: Aug 8, 2018
Stars : Ruru Madrid, Lui Mansala, Rolando Inocencio
Plot : Simpleng lagnat, nauwi sa sakit sa isipan? Mula nang magkaroon ng mataas na lagnat si Joseph (Ruru Madrid), hindi lubos akalain ng kanyang magulang na maaapektuhan din ang kanyang pag-iisip. Ang dating nagsasalita lamang nang mag-isa, ngayon, nagiging mapanakit na. Totoo kaya ang tsismis sa kanilang lugar na sinaniban umano siya ng masamang elemento?