AIRED: September 23, 2023
Plot : Kahit nasa iisang bubong, walang kalam-alam si Edna (Andrea Del Rosario) na ang mga nangungupahan sa kanilang bahay ay kalaguyo pala ng kanyang mister na si Nicanor (Rafael Rosell)! Panoorin ang video.
AIRED: September 30, 2023
Plot : Matapos mabisto ni Edna (Andrea Del Rosario) ang panloloko sa kanya ng kanyang asawa na si Nicanor (Rafael Rosell), wala na siyang nagawa. Pinatira ni Nicanor ang kanyang kabit kasama ang kanyang legal na pamilya. Saan hahantong ang kanilang sitwasyon?
AIRED: October 7, 2023
Plot :Dala ng kakulangan sa pera, nagsikap ang beshie na si Khiana (Christian Antolin) sa kabila ng mga pagsubok at pang-aalipusta sa kanya ng mga nasa paligid niya. Bukod sa malupit niyang ama na si Roger (Jet Rai), ang kaibigan niyang si Nicole (Raf Pineda), may lihim na inggit sa kanya!
AIRED: October 21, 2023
Plot :Dahil sa paulit-ulit na nakukunan ni Cristy (Ana Roces), tila nawawalan na siya ng pag-asa na maging isang ina. Bumisita ang kanyang kaibigang si Arlene (Jenny Miller) para damayan siya ngunit may lihim pala itong gusto sa kanyang mister na si Noli (James Blanco). Hanggang saan kaya aabot ang pagnanasa ng kaibigan?
AIRED: November 4, 2023
Plot :Inuutangan ni Ms. Fortuna (Jenine Desiderio) ang kanyang mga estudyante para matustusan ang kanyang mga luho. Sa tuwing sinisingil naman siya ng mga ito, matibay siyang naninindigang hindi siya magbabayad.
AIRED: November 11, 2023
Plot :Tila nasobrahan na sa pagiging mabait sa kanyang mga kumare si Nina (Jan Marini). Sunod-sunod kasi ang pagpapahiram niya ng pera sa mga ito. Ang hindi niya alam, mauuwi lang ang kanyang kabaitan sa hindi pagkakaunawaan. Hindi kasi marunong magbayad ng utang ang kanyang mga kumare at mahilig pang gumawa ng tsismis.
AIRED: November 18, 2023
Plot :Laking pagtataka ng mga misis ng mga mangingisda kung bakit tila laging maliit ang kinikita ng kanilang mga mister na mangingisda. Ang hindi nila alam, ang parte ng perang pinagtatrabahuhan, nauuwi sa pambabae!
AIRED: December 2, 2023
Plot : Malaki ang tiwala ni Daisy (Pauline Mendoza) sa kaibigan niyang si Alice (Lara Morena). Katunayan, kinuha niya pa itong ninang ng kanyang anak. Pero ang hindi alam ni Daisy, may lihim palang pagkagusto sa kanyang asawa na si Samuel (Adrian Alandy) ang kanyang kumare.
AIRED: December 9, 2023
Plot : Kahit malaking pagkakamali ang pang-aagaw ng asawa, tuluyan pa ring itinuloy ni Alice (Lara Morena) ang pagkamagusto niya sa mister ni Daisy (Pauline Mendoza) na si Samuel (Adrian Alandy). Paano kaya haharapin ni Daisy ang mga pagsubok sa pagtataguyod ng anak lalo na kung kinakampihan pa ng kanyang biyenan ang asawa sa pakiki-apid nito?
AIRED: December 16, 2023
Stars : Max Collins, Jak Roberto, Dave Bornea, Tanya Gomez
Plot : Sa halip na magpasalamat, nagalit pa si Rachel (Queenzy Calma) kay Mikay (Juharra Asayo) dahil mumurahin daw ang regalo nito sa kanya noong Christmas party nila. Ang ina ni Rachel, nakisali pa sa away-bata at minaliit ang estado sa buhay ni Mikay at ng ina nito.