Wish Ko Lang: Titser, pinag-initan ng malditang co-teachers niya December 10, 2022

AIRED: December 10, 2022

Plot : Isang patas na guro si Teacher Thess (Mikee Quintos). Pero ang kanyang kahanga-hangang ugali at prinsipyo sa buhay, minasama lang nina Teacher Nancy (Tart Carlos) at Teacher Marj (Stephanie Sol). Labis na inis ang nararamdaman ng dalawang guro kay Teacher Thess kaya pinagtulungan nila ito at siniraan.

Wish Ko Lang: Dalaga, nawalan ng ina sa araw ng kanyang debut February 25, 2023

AIRED: February 25, 2023

Plot : Hangad ni Rosinie (Gina Alajar) na maging masaya ang ika-18 taong kaarawan ng kanyang bunsong anak na si Lovely (Althea Ablan). Kaya naman naghanda sila nang maigi para sa selebrasyon nito. Pero dahil sa biglaang pagkamatay ni Rosinie sa kaarawan ni Lovely, napalitan ng lungkot ang dapat sana’y kaligayahang mararamdaman ng anak.

Wish Ko Lang: Landlady, sinaktan, siniraan at tinakasan ng ‘di nagbabayad na tenant March 11, 2023

AIRED: March 11, 2023

Plot : Ilang buwan nang hindi nakakapagbayad ng renta sa inuupahang bahay ang pamilya ni Gracia (Ces Quesada). Nang paulit-ulit na singilin si Gracia ng landlady na si Vangie (Andrea del Rosario), sinaktan niya ito. Gumawa rin siya ng tsismis tungkol sa pinapaupahan nito. Kalaunan, tumakas si Gracia sa kanyang mga responsibilidad kay Vangie.

Wish Ko Lang: Dalaga, nabaon sa utang dahil sa kanyang ex-boyfriend April 1, 2023

AIRED: April 1, 2023

Plot : Walang trabaho si Archie (Kimson Tan) kung kaya’t si Hazel (Klea Pineda) ang madalas na naglalabas ng pera para sa binata. Dahil naman sa pangako ni Archie na magbabayad sa kanya, nagtiwala si Hazel. Pero nang maghiwalay sila, napako ang pangako ni Archie. Naiwan din kay Hazel ang responsibilidad ni Archie sa pagbabayad ng iba nitong inutang.

Wish Ko Lang: Lalaki, ibinahay ang kanyang pitong girlfriends May 6, 2023

AIRED: May 6, 2023

Plot : Ang buong akala ni Jessica (Shaira Diaz) ay nag-iisa lang siya sa puso ng kanyang nobyo na si Jay-ar (Akihiro Blanco). Kaya sobrang sakit sa kanya na malamang may anim pa itong kasintahan. Dahil wala nang matitirhan, napilitan si Jessica na tumuloy muna sa bahay ni Jay-ar kahit masama ang loob niya rito. Sa bahay, kasama ni Jessica ang iba pang girlfriends ni Jay-ar.