AIRED: July 30, 2022
Plot : Buong akala ni Frances (Adrian Lindayag), mahal din siya ni Boyet (Neil Coleta) dahil sa mga nakakakilig nitong chat. Pero ang ‘di niya alam, umaasa lang siya sa wala dahil ang kanyang kaibigang si Jem (Jenzel Angeles), nagpapanggap lang pala bilang ang lalaki para makuhanan siya ng pera.
AIRED: December 11, 2021
Plot : Nakipagsapalaran si Noel (Arnold Reyes) sa ibang bansa upang buhayin ang naghihirap nilang pamilya. Pero imbes na gumanda ang sitwasyon ng kanyang naiwan na mag-iina ay mas lalo pa itong naging impyerno — mas pinili kasi ni Noel na sumama kay Hazel (Arny Ross), ang mismong kumare ng kanyang misis!
AIRED: November 13, 2021
Plot : Parang aso at pusa sina Maila at ang kanyang biyenan sa loob ng bahay dahil hindi nila gusto ang ugali ng isa’t isa. Hanggang sa hindi na maatim ni Maila ang kasamaan ng ugali ng biyenan niya at sinubukan niyang kulamin ito. May pag-asa pa kayang magkabati sila?
AIRED: November 20, 2021
Plot : Nang dahil sa labis na selos at galit ni Eva, ipinasunog niya nang buhay ang kanyang dating baby dahil ipinagpalit siya nito sa iba. Mahuli kaya ng mga pulis?
AIRED: November 27, 2021
Plot : Sa sobrang pagkahumaling ni Mariel kay Dennis, handa siyang talikuran ang pagkakaibigan nila ni Rita makuha lang ang binata!
AIRED: December 4, 2021
Plot : Hindi na nagawang kontrolin ni Sunshine ang tatlo niyang pagkatao! May pag-asa pa kaya siyang bumalik sa dati?
AIRED: December 11, 2021
Plot : Sa unang pagkikita palang nila Ashley at ng kinakasama ng kanyang Nanay na si Gary, napansin niyang tila may kakaiba na rito. Bali-balita rin sa lugar na laging may nakikitang mga putol na bahagi ng katawan kung saan-saan malapit sa kanila. May aswang bang sumasalakay sa probinsya? Ano ba ang lihim ng punerarya?
AIRED: January 1, 2022
Plot : Hindi lubos akalain ni Irish na ang kanyang sariling ina pa ang magiging kaagaw sa asawa. Ano ang gagawin mo kung malaman mong may lihim na relasyon ang mister at nanay mo?
AIRED: November 26, 2022
Plot : Nang maiwan si Lola Delia (Gina Pareño) sa labas ng kanilang bahay, kinuha ng kapitbahay na si Louie (Anjo Damiles) ang ATM card ng kanyang asawa na si Lolo Leonardo (Nanding Josef). Bagamat nakita ni Lola Delia si Louie, bigla naman niyang nakalimutan kung sino ito dahil sa kanyang dementia. Mahuli pa kaya nila ang salarin?
AIRED: December 3, 2022
Plot : Dahil sa utang na loob, hindi magawang iwan ni Jerfa (Ashley Ortega) ang tiyahin niyang lulong sa pagsusugal. Pero nang dumating sa buhay niya si Kenneth (Martin Del Rosario), napilitan na siyang lumayo sa mapang-abusong tita at ipaglaban ang pag-ibig na kanyang nararamdaman.