Plot : Upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya, mula Cebu ay minabuti ni Sheryl (Alessandra de Rossi) na lumuwas pa-Maynila para mamasukan bilang kasambahay. Kayod-kalabaw man siya sa kanyang trabaho, madalas naman siyang minamaltrato ng kanyang amo.
Hanggang saan ang kaya niyang tiisin alang-alang sa kanyang mga mahal sa buhay?
AIRED: December 26, 2020
Plot : Simple lang ang plano ni Obet para sa kanyang pamilya, ito ay ang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mag-iina ngunit nang dahil sa isang aksidente, nawala na parang bula ang lahat ng kanyang pangarap para sa kanyang pamilya.
Plot : Mula nang pumanaw ang ama ni Ren (Katrina Halili), ang kanyang ina na ang mag-isang nagpalaki sa kanya. Silang dalawa man ang magkasama, nakararanas pa rin si Ren ng pagmamalupit at pananakit mula sa kanyang ina. Hindi lang dito natatapos ang lahat, dahil nang minsang umibig si Ren, naging karibal pa niya ito! Maayos pa kaya ang pagsasama ng mag-ina?
Plot : Teenager pa lamang si Niño (David Licauco) nang mawalan siya ng paningin, na sanhi ng pagkakaroon niya ng glaucoma—isang uri ng sakit sa mata. Sa kabila ng kanyang pagkabulag, hindi ito naging hadlang upang mahanap niya ang babaeng magmamahal sa kanya—si Lorlie (Shaira Diaz). Paano kaya hinarap ang sunod-sunod na pagsubok sa buhay nang magkasama?
AIRED: January 2, 2021
Plot : Matapos pumanaw ang asawa ni Lola Agnes, inilaan na niya ang kanyang oras sa anak niyang si Agnes pero dahil sa kinakasama nitong lalaki, nasira ang relasyon nilang mag-ina. Nang sa pangyayaring ito, humanap ng ibang pagkakalibangan si Lola Agnes sa pamamagitan ng paghahanap ng ka-chat online. Dito na magsisimula ang bangungot sa kanyang buhay.
Plot : Madilim, mapusok at makasalanan man ang mundong kanyang ginagalawan, tanging hiling lamang ni Clarisse (Katrina Halili) na makalaya at magbagong-buhay mula sa kanyang trabaho bilang isang G.R.O. Paano kaya niya malalampasan ang mabigat na pagsubok na ito?
AIRED: February 13, 2021
Plot : Kahit na puro perwisyo lang ang ginagawa ng magkapatid na sina James at Jumed, pinagpapasensyahan pa rin sila ng kanilang ina na si Elisa. Hanggang sa isang araw ay umanib sila sa isang kulto na nagpabago ng kanilang mga ugali. Hindi niya akalain na ang pagbabagong ito ang mag-uudyok sa kanila na gumawa ng malagim na krimen!
AIRED: April 03, 2021
Plot : Tila isang biyaya para sa kanyang mga magulang nang isilang si Conchita (Solenn Heussaff). Pero sa kabila nito, may misteryo palang bumabalot sa kanyang pagkatao—diumano, mayroon daw siyang kakambal na ahas na palaging nagbabantay at pumoprotekta sa kanya! Paano kaya ito nangyari?
AIRED: May 14 2021
Plot : Kahit magkaiba ang tinatahak ng buhay nina Rachel (Kris Bernal) at John Lloyd (Alden Richards), iisa naman ang itinitibok ng kanilang puso. Maipaglaban kaya nila ito hanggang sa huli kung si John Lloyd, na isa palang pulis na kabilang sa Special Action Force, ay malagay sa panganib ang buhay nang sumabak ito sa isang engkuwentro sa Mamasapano?
AIRED: May 14 2021
Plot : Buong akala ni Alona (Kris Bernal) ay may maganda nang intensyon sa kanya ang lalaking nakilala niya. Pero lingid sa kanyang kaalaman, ito pala ang nagdala sa kanya sa kahihiyan dahil nakaranas siya ng diskriminasyon mula rito sa kanyang pagkakuba! Sa kabila nito, makahanap pa kaya si Alona ng lalaking magmamahal sa kanya nang tunay?