AIRED: Feb 6, 2016
www.imdb.com/title/tt7758988
Stars : Louise delos Reyes, Ruru Madrid
Plot : Hindi man tipikal sa isang relasyon na ang babae ang madalas na gumagawa ng paraan upang mahulog ang loob ng kanyang hinahangaan. Ngunit, ito ang nakitang paraan ni Mary Grace (Louise delos Reyes) upang makuha niya si Dexter (Ruru Madrid) at isa sa mga kinailangan niyang gawin ay matutong umakyat ng bundok upang makasama lang si Dexter. Nakaya nga ba niya ito?
AIRED: Dec 16, 2017
www.imdb.com/title/tt7758988
Stars : Elijah Alejo, Benjamin Alves, Charles Jacob Briz, Kim Rodriguez
Plot : Nagsimula sa pagkakaibigan no’ng sila bata pa, nauwi sa pag-iibigan, at magkasamang lumalaban sa kanilang mga hamon sa buhay. Kasama ang asawa ni Isabel Granada na si Arnel Cowley, ating alamin ang istorya ng kanilang wagas na pagmamahalan.
AIRED: May 21, 2016
www.imdb.com/title/tt5771238
Stars : Roxanne Barcelo, Jackie Rice
Plot : Nagtataglay ng kakaibang ganda, nabighani na ni Rosanna (Jackie Rice) ang mga lalaking umaaligid sa kanya, ngunit isang babae rin pala ang magpapatibok ng puso niya. Tunghayan natin ang makulay na buhay pag-ibig ni Rosanna Roces at ng kanyang kasintahan, si Blessie Arias.
AIRED: May 14, 2016
www.imdb.com/title/tt5771228
Stars : Mark McMahon, Lovi Poe, Gigi Locsin
Plot : Sa mga maalon na dagat ng Siargao nagsimula ang love story nina Thomas (Mark McMahon) at Lydia (Lovi Poe). Hirap man sa komunikasyon dahil sa pagkakaiba ng kinalakihang lenggwahe, hindi ito naging hadlang para kanilang mapausbong ang kanilang pagmamahalan.
AIRED: Sep 30, 2017
www.imdb.com/title/tt7449302
Stars : Lovely Abella, Juancho Trivino, Kiko Matos
Plot : Buong paniniwala ni Teresita (Lovely Abella) na wala nang magmamahal sa kanya dahil sa kanyang itsura, ngunit nagbago ito nang nakatanggap siya ng isang sulat mula sa kanyang penpal mula sa kulungan. Sa kasamaang palad, ang kanyang penpal ay naging biktima ng pananaksak subalit ito rin ang naging daan para makilala niya ang bagong magpapatibok ng puso niya.
AIRED: Oct 14, 2017
www.imdb.com/title/tt7512882
Stars : Ina Feleo, Dion Ignacio, Dentrix Ponce
Plot : Dahil sa matinding pagdurugo sanhi ng kanyang pagbubuntis, nag-aagaw buhay ang katawang lupa ni Jenny (Ina Feleo) ngunit ang kanyang kaluluwa ay patuloy lumalaban. Ginawang inspirasyon ang kanyang pamilya, siya’y lumaban at nagkaroon ng isang himala na siya’y biglang nabuhay!
AIRED: Apr 29, 2017
www.imdb.com/title/tt6838560
Stars : Valeen Montenegro, Boy 2 Quizon, Pepita Curtis
Plot : Laging nakakantiyawan na “playboy” ang konduktor na si Chester (Boy 2 Quizon)—ang mga babae kasi, pinagsasabay-sabay niya kahit mayroon na siyang nobya! Paano kaya siya matutulungan ng kasintahan niyang si Julie (Valeen Montenegro) nang malaman nitong kinukulam na pala si Chester ng niloko niyang babae?
AIRED: Apr 27, 2019
www.imdb.com/title/tt10251016
Stars : Ayra Mariano, Lucho Ayala, Elora Espano
Plot : Mula nang ma-heartbroken sa dati niyang nobyo, hindi na naniniwala si Clarisse (Ayra Mariano) na mayroon pang lalaki na magseseryoso sa kanya. Lahat ng ito, magbabago nang makilala niya ang pulis na si Amir (Lucho Ayala)—ang kanilang mga landas, nagkrus sa isang checkpoint! Paano kaya nauwi sa forever ang kanilang love story?
AIRED: Mar 23, 2019
www.imdb.com/title/tt10075362
Stars : Denise Barbacena, Juancho Trivino, Luz Valdez, Menggie Cobarrubias
Plot : Tila aso’t pusa kung mag-away noon sina Mameng (Denise Barbacena) at Carding (Juancho Trivino) ngunit kalaunan, nauwi rin sila sa ligawan hanggang sa silang dalawa ang ikasal sa huli.
AIRED: September 30, 2019
www.imdb.com/title/tt11028018
Stars : Barbie Forteza, Jak Roberto, Kristoffer Martin, Yayo Aguila
Plot : Dahil bugbog sa trabaho ang dalagang si Yummy (Barbie Forteza), hindi na niya alintana ang pagkakaroon ng buhay pag-ibig. Sa pagdating ng mga lalaki sa buhay niyang sina Eugene (Jak Roberto) at Cedrick (Kristoffer Martin), may pag-asa kayang mabago ito?