Tadhana: Nursing student, ibinenta ang katawan para maipagamot ang ina / Xtudent Mar 7, 2020

www.imdb.com/title/tt11928770/

AIRED: Mar 7, 2020

Stars : Myrtle Sarrosa, Jak Roberto, Sherilyn Reyes

Plot : Ulirang anak at masipag mag-aral ang nursing student na si Elisa (Myrtle Sarrosa). Dahil tanging nais lamang niya ang maipagamot ang kanyang ina na mayroong karamdaman, kakayanin niya ang lahat ng trabaho para kumita ng pera. Pero kung ang kapalit nito ang pagbebenta niya ng aliw sa mga lalaki, kayanin kaya niya ito?

Tadhana: Masipag na OFW, nahanap ang suwerte sa Yemen / Yemen Feb 3, 2018

www.imdb.com/title/tt7961552/

AIRED: Feb 3, 2018

Stars : Archie Alemania, Mickey Ferriols, Mike Pekto Nacua

Plot : Dahil kapos ang kanyang kinikita bilang fishball vendor sa kanilang probinsya, naisipan ni Jose (Archie Alemania) na maghanapbuhay sa ibang bansa bilang isang construction worker sa Yemen. Hindi man naging madali ang pakikipagsapalaran niya roon, dahil sa kanyang sipag at tiyaga, isinakripisyo ni Jose ang lahat para sa lumalaki niyang pamilya. Paano kaya niya hinarap ang sunod-sunod na pagsubok bago natamasa ang tagumpay?

Tadhana: Pinay caregiver, nabiktima ng lindol sa Taiwan / Lindol May 18, 2019

www.imdb.com/title/tt10354258/

AIRED: May 18, 2019

Stars : Diva Montelaba, Joel Saracho, Tanya Gomez

Plot : Kahit hirap siyang mapalayo sa kanyang pamilya, tinitiis ni Melanie (Diva Montelaba) ang kanyang pagkalumbay at nagpupursigi bilang caregiver sa bansang Taiwan. Nang makaipon ng sapat na pera, ang pagkasabik niya sa pag-uwi ng Pilipinas ay trahedya pa ang naging kapalit. Makabangon pa kaya ang pamilya niya sa pagsubok na ito?

Tadhana: Tadhana: Batang palaboy sa kalye noon, isa nang guro ngayon / Tutor Mar 14, 2020

www.imdb.com/title/tt11971132/

AIRED: Mar 14, 2020

Stars : Leanne Bautista, Klea Pineda, Glenda Garcia, Alma Concepcion

Plot : Mula nang mamatay sa cancer ang ina ni Dana (Klea Pineda), naging palaboy sa kalsada ang dalaga nang subukan niyang tumakas sa bahay-ampunan. Sa kabila ng hirap na kanyang pinagdaanan, paano kaya niya natupad ang kanyang mga pangarap para sa sarili at sa mga batang kalye tulad niya?

Tadhana: Ina, isinakripisyo ang pagtatrabaho sa ibang bansa para mapaaral ang anak / Panganay Aug 25, 2018

www.imdb.com/title/tt8907786/

AIRED: Aug 25, 2018

Stars : Amy Austria, Kiko Estrada, Dexter Doria

Plot : Matapos mabiyuda, napilitang makipagsapalaran sa UAE si Vina (Amy Austria) upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga naiwang anak sa Pilipinas. Ipinagpipilitan man ng panganay niyang si Rodel (Kiko Estrada) na siya na lamang ang mag-abroad, ipinaglaban naman ni Vina na tanging edukasyon na lamang ang kaya nitong ipamana sa anak dahil hindi siya nakapagtapos sa pag-aaral.

Tadhana: Pangarap na jackpot ng isang OFW sa France, naging bato pa / Pangarap na jackpot Mar 3, 2018

www.imdb.com/title/tt8087186/

AIRED: Mar 3, 2018

Stars : Valeen Montenegro, Gwendoline Ruais, Jonathan Wagner

Plot : Upang maipagamot ang kanyang ama na mayroong tumor sa utak, nagdesisyon si Cherry (Valeen Montenegro) na makipagsapalaran sa France, sa pag-asang makatulong sa pamilya. Ngunit nang subukan niyang tumaya roon sa lotto, hindi niya inaasahang makakakuha siya ng jackpot! Hanggang saan kaya siya dadalhin ng kanyang suwerte?

Tadhana: Binata, nakipagsapalaran sa Saudi para makatulong sa pamilya / Jackpot: Part 1/2 Oct 5, 2019

www.imdb.com/title/tt11071554/

AIRED: Oct 5, 2019

Stars : Buboy Villar, Kiray Celis, Gladys Guevarra

Plot : Kahit hindi madali, nagawang pagsabayin ni Emay (Buboy Villar) ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho upang makaipon para sa kanyang pamilya. Ngunit sa biglaang pagpanaw ng kanyang ama, napilitan siyang makipagsapalaran sa ibang bansa para matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Sa kanyang pagpupursigi roon, mahanap na kaya niya ang jackpot ng buhay niya?

Tadhana: Mekaniko sa Saudi Arabia, nahanap ang forever sa Wowowin / Jackpot: Part 2/2 Oct 12, 2019

www.imdb.com/title/tt11110342/

AIRED: Oct 12, 2019

Stars : Buboy Villar, Kiray Celis, Gladys Guevarra

Plot : Matapos ang kanyang kontrata sa Saudi Arabia, muling umuwi ng Pilipinas si Emay (Buboy Villar) upang makapiling ang kanyang pamilya. Hindi lang pala ito ang suwerte niya, dahil naisipan niya ring sumali sa Wowowin kung saan nakilala ang kapwa-OFW na si Tintin (Kiray Celis) na tila pamilyar kay Emay! Sila na nga ba ang “The One” ng isa’t isa?

Tadhana: Misis, minumulto ng mister na hindi matahimik ang kaluluwa / Haunted Love: Part 1/2 Nov 2, 2019

www.imdb.com/title/tt11217820/

AIRED: Nov 2, 2019

Stars : Valerie Concepcion, Gio Alvarez, Jason Francisco

Plot : Basta’t magkasama, walang iwanan kahit kailan—ganyan kung paano pinangakuan nina Danica (Valerie Concepcion) at Miguel (Gio Alvarez) ang isa’t isa. Ngunit nang magkaroon sila ng matinding alitan, napilitang alisan ng una ang kanyang mister at magtrabaho na lamang sa ibang bansa para mabuhay ang kanilang pamilya. Paano pa kaya nila maaayos ang kanilang pagsasama kung matuklasan ni Danica na pumanaw na ang kanyang mister?

Tadhana: Mag-ina, ginagambala ng masasamang elemento / Haunted Love: Part 2/2 Nov 9, 2019

www.imdb.com/title/tt11254986/

AIRED: Nov 9, 2019

Stars : Valerie Concepcion, Gio Alvarez, Jason Francisco

Plot : Nang biglang pumanaw ang mister ni Danica (Valerie Concepcion) habang nasa ibang bansa siya, sunod-sunod ang pagmumulto nito kahit pa saan siya magpunta. Lingid sa kanyang kaalaman, hindi pala ito ang mister niyang si Miguel (Gio Alvarez) kundi isa palang demonyo! Makaligtas pa kaya sila?