www.imdb.com/title/tt10997436
AIRED: Sep 21, 2019
Stars : Lovi Poe, Irma Adlawan, Lito Pimentel
Plot : Matapos silang palayasin sa kanilang tinitirhang bahay sa Bohol, wala nang iba pang paraang naiisip si Myrna (Lovi Poe) kundi sumama sa recruiter na si Pilar (Sue Prado) sa pag-asang maiahon ang kanyang pamilya sa hirap. Pagdating niya ng Maynila, dito niya nalaman na pagbibigay-aliw pala sa mga kliyenteng Hapon ang magiging trabaho niya! Kayanin kaya itong sikmurain ni Myrna para kumita?
www.imdb.com/title/tt11030852
AIRED: Sep 28, 2019
Stars : Lovi Poe, Irma Adlawan, Lito Pimentel
Plot : Matapos maloko ng illegal recruiter, napilitang bumalik sa Bohol si Myrna (Lovi Poe) kasama ang kanyang asawa na si Lando (Jess Mendoza). Ngunit nang maranasan niya muli ang kahirapan, ipinagpatuloy na niya ang pakikipagsapalaran sa ibang bansa para maging domestic helper sa Hong Kong. Hindi man madali sa umpisa, tiniis ito ni Myrna at ipinaglaban ang karapatan ng mga kapwa niya OFW bago umuwi sa Pilipinas at naging isang ganap na negosyante.
www.imdb.com/title/tt11182756
AIRED: Oct 26, 2019
Stars : Rocco Nacino, Empress Schuck, Kim Rodriguez
Plot : Matapos mahulog ang loob ni Leo (Rocco Nacino) para sa kapwa-Pinoy sa Hong Kong na si Tonet (Empress Schuck), hindi niya lubos akalain na magagawa siya nitong ipagpalit sa ibang lalaki. Paano kaya makapagsisimulang muli si Leo upang matupad ang kanyang pangarap para sa pamilya?
www.imdb.com/title/tt10637902
AIRED: Jul 13, 2019
Stars : Katrina Halili, Dina Bonnevie, Neil Ryan Sese
Plot : Habang naghahanapbuhay bilang isang personal caregiver sa Kuwait, hindi lubos akalain ni Susan (Katrina Halili) na ang inaalagaan niyang pasyente na si Jamal (Neil Ryan Sese), mapapaibig sa kanya at kalauna’y pinakasalan siya! Sa kabila nito, tanggapin kaya si Susan ng pamilya ng kanyang mapapang-asawa kahit na magkaiba ang estado nila sa buhay?
www.imdb.com/title/tt10668664
AIRED: Jul 20, 2019
Stars : Katrina Halili, Dina Bonnevie, Neil Ryan Sese
Plot : Nang dahil sa malagim na aksidente, malubha ang naging kalagayan ni Jamal (Neil Ryan Sese) hanggang sa bawian ito ng buhay. Dahil dito, hindi na naging maganda ang trato ng kanyang inang si Maisa (Dina Bonnevie) sa Pinay nitong asawa na si Susan (Katrina Halili). Ang kanilang alitan, umabot pa sa puntong babawiin kay Susan ang kanyang anak. Maipaglaban pa kaya ng huli ang kanyang karapatan bilang ina ng bata?
www.imdb.com/title/tt9123996
AIRED: Oct 13, 2018
Stars : Angelu De Leon, Mel Martinez, Mike Liwag
Plot : Makalipas ang ilang taong pagtatrabaho ni Arlene (Angelu de Leon) sa Dubai bilang isang cook, nagbunga ang kanyang mga paghihirap at nagbukas siya ng sariling carinderia at catering business doon. Ang hindi niya lubos akalain, magiging instant nanay siya nang makita niya ang isang sanggol sa isang washing machine! Paano kaya nito mababago ang kanyang buhay? Matagpuan kaya niya ang tunay na ina ng bata?
www.imdb.com/title/tt11673892
AIRED: Jan 25, 2020
Stars : Maui Taylor, Rodjun Cruz, Ali Khatibi
Plot : Maraming nagsasabi na basta seaman, manloloko raw ‘yan! Ngunit ibahin n’yo ang matalik na magkaibigang sina Peter (Rodjun Cruz) at Vincent (Ali Khatibi) na kapwa-seaman na nagtatrabaho sa Singapore. Ang dalawa kasi, nahulog sa bitag ng dilag na si Celine (Maui Taylor)! Paano kaya nila malulusutan ito?
www.imdb.com/title/tt11711808/
AIRED: Feb 1, 2020
Stars : Maui Taylor, Rodjun Cruz, Ali Khatibi
Plot : Buong akala ni Peter (Rodjun Cruz) ay iniwan siya ng kinakasamang si Celine (Maui Taylor) para makapagtrabaho. Lingid sa kanyang kaalaman, ipinagpalit na pala siya nito sa sariling kaibigan na si Vincent (Ali Khatibi) at pinakasalan pa ito! Maipaglaban pa kaya ni Peter ang kanyang karapatan?
www.imdb.com/title/tt11752204/
AIRED: Feb 8, 2020
Stars : Sunshine Dizon, Maricar de Mesa, Adrian Alandy
Plot : Halos ipagkanulo na ni Bekang (Sunshine Dizon) ang kanyang nakaraan dahil bukod sa inagawan siya ng asawa, natanggalan pa siya ng karapatan na maging isang ina! Kaya naman matapos ang kanyang paghihikahos, hindi niya sukat akalaing mananalo siya sa lotto. Sapat kaya ang kayamanang nalikom niya para makapaghiganti sa lahat ng umalipusta sa kanya?
www.imdb.com/title/tt11886292/
AIRED: Feb 29, 2020
Stars : Prince Clemente, Jean Saburit, Liezel Lopez
Plot : Buong akala ni Harvey (Prince Clemente) ay magiging susi ang kanyang amo na si Veronica (Jean Saburit) upang makabangon siya sa kahirapan. Pero habang tumatagal, patuloy siya nitong pinagsasamantalahan para lamang sa kaligayahan ng kanyang amo! Kailan kaya makakamit ni Harvey ang hustisya?