www.imdb.com/title/tt10862174/
AIRED: Aug 24, 2019
Stars : Winwyn Marquez, Ana Capri, Seth Dela Cruz
Plot : Hindi man siya nakapagtapos ng kolehiyo, nagpursigi si Mila (Jasmine Curtis-Smith) na makakuha ng certificate sa physical therapy upang makapagtrabaho para sa kanyang pamilya. Sa kanyang paglipad sa Malaysia, dito niya napagtanto na hindi pala masahista ang napasukan niyang trabaho—kundi isang sex slave! Makatakas pa kaya siya o titiisin niya ito para sa mga minamahal sa buhay?
www.imdb.com/title/tt10745212/
AIRED: Aug 3, 2019
Stars : Winwyn Marquez, Ana Capri, Seth Dela Cruz
Plot : Nagturingan na bilang magkapatid ang matalik na magkaibigang sina Karen (Thea Tolentino) at Vina (Mikee Quintos). Ngunit nang dahil sa matinding pagkahumaling ng huli kay Manny (David Licauco) na siyang nobyo ng una, nauwi lamang ito sa madugong trahedya. Saan kaya hahantong ang isyu ng magkabilang panig?
www.imdb.com/title/tt8795530/
AIRED: Aug 4, 2018
Stars : Winwyn Marquez, Ana Capri, Seth Dela Cruz
Plot : Lingid sa kaalaman ng mga domestic helper na sina Joyce (Winwyn Marquez) at Joylyn (Ana Capri) na ang mga alaga nilang bata, anak pala ng mga hina-hunting na sindikato sa Taiwan! Mailigtas kaya nila ang mga bata bago pa mahuli ang lahat?
www.imdb.com/title/tt9805538/
AIRED: Feb 16, 2019
Stars : Jason Abalos, Sophie Albert, Catherine Rem
Plot : Mag-isang itinataguyod ni Anne (Sophie Albert) ang kanyang pamilya at nagtatrabaho bilang Marketing Assistant sa South Korea. Dahil subsob sa pagtatrabaho at halos wala nang oras para sa kanyang sarili, isa sa mga naisakripisyo ni Anne ang relasyon nila ng dati niyang nobyo na si Mark (Jason Abalos). Paano kung magkita sila ng ex niya, pero ngayon, asensado na, mas gwapo, mas mature, sobrang iba na ito kumpara noong sila pa? Paano kung mahal pa pala niya si Mark, kaso may iba na?
www.imdb.com/title/tt11293038/
AIRED: Nov 16, 2019
Stars : Dionne Monsanto, Ervic Vijandre, Ashley Rivera
Plot : Magkasama’t magkasangga sa trabaho ang matalik na magkaibigang sina Lee (Dionne Monsanto) at Ervic Vijandre (Ram). Ngunit sa isang iglap, masusubukan ang kanilang pagkakaibigan nang magkasiping ang dalawa matapos malasing. Nang dahil sa kasarian ni Lee, paano niya kaya sasabihin kay Ram at sa nobya nitong si Cherie (Jenzel Angeles) na nabuntis siya nito?
www.imdb.com/title/tt10284296/
AIRED: May 4, 2019
Stars : Jeric Gonzales, Divine Aucina, Rein Adriano
Plot : Tanging nais lamang ni Mhai (Divine Aucina) na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya kaya siya nagdesisyong lumipad pa-Saudi Arabia. Sa kanyang pagdating doon, hindi naging malupit ang kanyang mga among banyaga hanggang sa paghinalaan siya nitong nananakit ng bata. Maipagtanggol niya kaya ang kanyang sarili bago siya mawalan ng trabaho?
www.imdb.com/title/tt10782616/
AIRED: Aug 10, 2019
Stars : Rochelle Pangilinan, Bernard Palanca, Clint Bondad
Plot : Nagdadalawang-isip na mangibang-bansa ang OFW na si Betty (Rochelle Pangilinan) dahil hindi niya maiwan ang anak na may diabetes at ang kinakasama niyang si Jonald (Marco Alcaraz). Matapos ibalita ng kanyang ina na nambababae nga ito, sinubukan niya itong sundan at nagulat sa kanyang natuklasan! Sa kanyang pagdating sa South Korea, hindi sukat akalain ni Betty na mas marami pa pala siyang haharaping unos dito. Paano niya kaya ito malalampasan?
www.imdb.com/title/tt10820536/
AIRED: Aug 17, 2019
Stars : Rochelle Pangilinan, Bernard Palanca, Clint Bondad
Plot : Matapos mapag-alaman ni Betty (Rochelle Pangilinan) na nakuha niya pala ang HIV mula sa naging nobyo niyang si Gerald (Clint Bondad), napilitan siyang umuwi ng Pilipinas upang magpahinga at magpalakas. Sa kanyang pagdating, nagulat si Betty na nagbunga pala ang kanilang pagsasama. Paano niya kaya ito sasabihin sa kaibigang si Greg (Bernard Palanca) na posibleng mahawa ang bata sa kanyang sinapupunan?
www.imdb.com/title/tt8653372/
AIRED: Jun 30, 2018
Stars : Eula Valdez, Lee O’Brian, Mailes Kanapi
Plot : Minsan nang napagtaksilan ang Pinay na si Dina (Eula Valdez) ng sarili niyang asawa matapos siya nitong ipagpalit sa ibang babae. Kahit hindi niya mabawi ang kanyang mga anak, nagsikap siyang mangibang-bansa upang makapaghiganti sa mga taong nagtaksil sa kanya. Sa kanyang pagdating sa Monaco, hindi niya lubos akalain na makikilala niya ang Swiss national na si Bernard (Lee O’Brian) na siyang nakapalagayan niya ng loob.
www.imdb.com/title/tt7324490
AIRED: Sep 2, 2017
Stars : LJ Reyes, Jackie Lou Blanco, Bon Vibar
Plot : Kahit mahirap sa kanya na mawalay sa pamilya, napilitang mamasukan bilang yaya sa Barcelona, Spain si Chona (LJ Reyes) para mabigyan sila ng maginhawang buhay. Sa kabila ng kanyang pagiging kasambahay, ipinaglalaban din ni Chona ang karapatan ng mga kababayan niyang OFW na walang abogado, isang propesyong pinapangarap niyang makamit. Dahil naging malapit na rin ang loob sa kanya ng amo niyang si Vivien (Jackie Lou Blanco), tinutulungan siya nitong makapagpadala sa pamilya at kalunan ay tinulungan din siyang makapag-aral bago maging isang ganap na abogada.