www.imdb.com/title/tt9190156/
AIRED: Oct 27, 2018
Stars : Katrina Halili, Ahron Villena, Diva Montelaba
Plot : Masaya ang pamumuhay ng mag-asawang Sheena (Katrina Halili) at Victor (Ahron Villena) sa Bicol, hanggang sa nagpasyang maging OFW ang huli para buhayin ang kanilang pamilya. Pagdating nito sa Japan, hindi nito sukat akalain na mabibiktima siya ng barang na kagagawan mismo ng sarili niyang kaibigan na si Rita (Diva Montelaba). Mabawi kaya nila ang sumpa bago mahuli ang lahat?
www.imdb.com/title/tt9871282/
AIRED: Mar 2, 2019
Stars : Bing Loyzaga, Antonio Aquitania, Ping Medina
Plot : Habang naghihikahos sa Japan ang OFW na si Mel (Bing Loyzaga), ihinabilin nito ang anak niyang si Jun (Micko Laurente) sa pinsan niyang si Aljon (Ping Medina). Lingid sa kaalaman ng binata na magagawa siyang pagsamantalahan ng sarili niyang tiyuhin na tinitingala pa naman niya sana. Makawala pa kaya si Jun?
www.imdb.com/title/tt9260364/
AIRED: Nov 10, 2018
Stars : Yasmien Kurdi, Carlos Agassi, Paolo Paraiso
Plot : Takot mawalay sa pamilya si Yolly (Yasmien Kurdi) kaya naman hindi naging madali sa kanya na maging OFW sa Saudi Arabia. Dito, namasukan siya bilang mananahi, at kalaunan ay nanilbihan din bilang domestic helper. Sa kabila ng pang-aabuso, katakot-takot ding karahasan ang naranasan niya sa kamay ng mga Arabo. Naging biktima siya ng gang rape. Maipaglaban niya kaya ang kanyang karapatan bilang isang babae?
www.imdb.com/title/tt10317940/
AIRED: May 11, 2019
Stars : Jason Abalos, Valeen Montenegro, Dianne Medina
Plot : Minsang nagbunga ang dating pagmamahalan nina Maritess (Kris Bernal) at Steve (Polo Ravales), ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon dahil nagloko si Steve. Nang muling magkrus ang kanilang landas, hindi na sila nag-atubiling magpakasal. Ang inakalang prince charming ni Maritess, halimaw pala sa kama! Kung ano-anong kababuyan ang naranasan niya sa piling ng mister, umabot na sa puntong isugod siya sa hospital. Makalaya pa kaya siya?
www.imdb.com/title/tt8863510/
AIRED: Aug 18, 2018
Stars : Jason Abalos, Valeen Montenegro, Dianne Medina
Plot : Matapos hindi siputin ng kanyang bride, sinubukang lumipad ni Brent (Jason Abalos) patungong Spain sa pag-asang maayos ang relasyon nila ni Maggie (Dianne Medina). Upang matustusan ang pangangailangan, namasukan siya sa iba’t ibang trabaho para kumita. Hanggang kailan niya kaya ito gagawin makapiling lamang ang babaeng kanyang pinapangarap makasama habambuhay?
www.imdb.com/title/tt10075008/
AIRED: Mar 23, 2019
Stars : Sheena Halili, Richard Juan, Irma Adlawan
Plot : Hindi sukat akalain ni Ofelia (Jennica Garcia) na mamamatay sa sunog ang matalik niyang kaibigan na si Roselyn (Empress Schuck). Nagpaparamdam at nagpapakita ang hindi matahimik na kaluluwa ni Roselyn sa kanya para sabihin kung sino ang salarin sa karumal-dumal na krimen. Sino nga ba ang may gawa nito — ang dating kasintahan ni Roselyn na si Troy (Phytos Ramirez) o ang nobyo nitong si Joe (Ryan Eigenmann)? Paniwalaan naman kaya ang testimonya ni Ofelia kung siya’y… sinapian?
www.imdb.com/title/tt7865968/
AIRED: Jan 13, 2018
Stars : Sheena Halili, Richard Juan, Irma Adlawan
Plot : Napalayo man si Andrea (Sheena Halili) sa ibang bansa para magtrabaho bilang isang factory worker, hindi siya nakaramdam ng pangungulila sa pamilya nang makilala ang Filipino-Chinese na si Chris (Richard Juan). Sa kanilang pakikipagsapalaran sa Taiwan, dito nila mapagtatanto na mahalaga pala sila para sa isa’t isa.
www.imdb.com/title/tt9832340/
AIRED: Feb 23, 2019
Stars : Diana Zubiri, Jao Mapa, Jason Francisco
Plot : Dahil nagkandabaon-baon na sa utang ang kanyang pamilya, nagpasya si Joyce (Diana Zubiri) na makipagsapalaran sa Taiwan bilang isang domestic helper. Habang naghihikahos siya roon, hindi niya sukat akalin na ang kaibigan niyang si Rose (Jana Victoria), magagawang gapangin ang kanyang asawa na si Caloy (Jao Mapa)! Paano niya kaya huhulihin ang pagtataksil ng mga ito?
www.imdb.com/title/tt8052606/
AIRED: Feb 24, 2018
Stars : Glydel Mercado, Inah De Belen, Geleen Eugenio
Plot : Matapos mabiyuda sa asawa, napilitan si Lucia (Glydel Mercado) na iwan ang kanyang mga anak sa tiyahin nilang si Andeng (Geleen Eugenio) dahil susubukan nito ang kanyang kapalaran sa Saudi Arabia bilang domestic helper. Laking gulat ni Lucia na kalunos-lunos na kapalaran pala ang sasapitin niya sa mga kamay ng kanyang amo. Matamasa pa kaya niya ang ginhawang matagal na nilang inaasam-asam?
www.imdb.com/title/tt10141868/
AIRED: Apr 6, 2019
Stars : Sanya Lopez, Dominic Roco, Liezel Lopez
Plot : Marangal na nagtatrabaho sa Dubai bilang isang receptionist ang Pinay na si Arianne (Sanya Lopez), kaya labis ang kanyang pagkagulat nang matuklasan niyang pinagnanasaan pala siya ng manliligaw na si Gino (Dominic Roco)! Sa katunayan, nagagawa siya nitong bosohan habang naliligo! Paano niya kaya ito kokomprontahin?