www.imdb.com/title/tt7382664/
AIRED: Sep 16, 2017
Stars : Mara Lopez, Isabel Granada, Ervic Vijandre
Plot : Mula nang isugod sa hospital ang kanyang ama, nagdesisyon si Joana (Mara Lopez) na magtrabaho bilang masahista sa Kuwait. Ito lang kasi ang nakikita niyang paraan para iahon sa hirap ang kanyang pamilya. Hindi niya akalain gagahasain siya ng amo niyang lalaki, kahit pa may asawa na ito. Makatakas pa kaya siya at makauwi ng Pilipinas?
www.imdb.com/title/tt7351932/
AIRED: Sep 9, 2017
Stars : Martin Escudero, Melissa Mendez, Kiko Matos
Plot : Batid na ni Jerry (Mart Escudero) na hindi magiging madali sa kanya na mangibang-bansa nang dahil sa kanyang kasarian. Isa man itong pagsubok, pinatunayan niyang hindi ito magiging hadlang para matupad ang kanyang pangarap para sa pamilyang iniwan pansamantala sa Pilipinas. Hindi niya inaasahang makukulong ang kanyang kapatid sa ‘Pinas at para mapiyansahan ito, kinailangan niyang sumali sa ilegal na beauty contest. Paano kung ma-raid ang event na ito? Mabulok na kaya si Jerry sa kulungan?
www.imdb.com/title/tt7699424/
AIRED: Dec 2, 2017
Stars : Assunta De Rossi, Cheche Tolentino, Bodjie Pascua
Plot : Matapos irekomenda ng isang kaibigan, sinubukan ni Nancy (Assunta de Rossi) ang isang online dating app upang makahanap ng kasintahan. Dito niya nakilala ang Australian national na si Louie (Ian Ross), ang lalaking bibihag sa kanyang puso. Pero, hindi niya sukat akalain na mayroon siyang karibal sa puso nito, si Vera (Cheche Tolentino), na isa ring Pinay! Sino ang tunay na kabit?
www.imdb.com/title/tt7538606/
AIRED: Oct 21, 2017
Stars : Glaiza De Castro, Tanya Gomez, William Lorenzo
Plot : Isa man siyang lisensyadong guro sa Pilipinas, napilitang makipagsapalaran si Amie (Glaiza de Castro) sa Malaysia upang kumita ng mas malaking halaga ng pera. Imbis na ginhawa, sunod-sunod na pang-aabuso ang naranasan niya sa kamay ng kanyang mga amo. Binugbog, sinabuyan ng kape at mantika at muntik na siyang gahasain ng ilan sa kanyang amo. Makabalik pa kaya siya ng Pinas?
www.imdb.com/title/tt8154366/
AIRED: Mar 17, 2018
Stars : Angel Aquino, Michael Flores, Dexter Doria
Plot : Magiting na nagtatrabaho bilang isang domestic helper sa Saudi Arabia si Elsa (Angel Aquino), hindi niya akalain na paulit-ulit siyang pagsasamantalahan ng sariling amo. Nagbanta pa itong papatayin si Elsa kapag nagsumbong. Pag-uwi niya sa Pilipinas, dito nalaman ni Elsa na bukod sa trauma ay nagbunga ang panghahalay nito sa kanya. Paano niya kaya malalampasan ang pagsubok na ito?
www.imdb.com/title/tt7448350/
AIRED: Sep 30, 2017
Stars : Lauren Young, Matt Evans, Mickey Ferriols
Plot : Dating factory worker si Kristina (Lauren Young) at kanyang ama, pero hindi sapat ang kanilang kinikita para magkaroon ng magandang buhay sa Pilipinas. Kaya naman, napagdesisyon na si Kristina na maging caregiver sa Israel. Kahit na malayo sa kanyang pamilya at masungit ang kanyang mga inaalagaan, nanatiling positibo ang kanyang pananaw. Maging epektibo naman kaya ang kanyang charm at positivity sa bago niyang alaga na si Caleb (Matt Evans)?
www.imdb.com/title/tt7672694/
AIRED: Nov 25, 2017
Stars : Lotlot De Leon, Alan Paule, JC Parker
Plot : Akala ni Loida (Lotlot de Leon) magkakaroon siya ng maayos na hanapbuhay sa Qatar, iyon pala lolokohin lang siya ng kanyang recruiter. Ang malala, habang na sa trabaho, matutuklasan niyang ang asawa niyang si Mario (Allan Paule), ipinagpalit siya sa kanyang bestfriend! Piliin niya kayang umuwi ng Pilipinas para ayusin ito o magpatuloy sa pagtatrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak?
www.imdb.com/title/tt9294932/
AIRED: Nov 17, 2018
Stars : Manilyn Reynes, Krystal Reyes, Phytos Ramirez
Plot : Mula nang mabiyuda, mag-isa nang itinataguyod ni Alma (Manilyn Reynes) ang kanyang pamilya. Nang makahanap ng oportunidad na mangibang-bansa, namasukan siya bilang isang domestic helper sa Iraq kahit na ilegal ang paglipad niya rito. Hindi niya sukat akalain na sa bansang ito, mararanasan niya ang lahat ng hirap para lamang buhayin ang pamilya.
www.imdb.com/title/tt9400142/
AIRED: Dec 8, 2018
Stars : Bianca Umali, Michael Agassi, Tanya Gomez
Plot : Upang maiahon ang kabuhayan ng kanyang pamilya, namasukan si Eden (Bianca Umali) bilang isang travel agent kahit na malayo ito sa tinapos niyang kurso. Kahit ilang beses na siyang muntik matanggal sa trabaho, hindi siya pinaaalis ng amo niyang si Madani (Michael Agassi) ngunit mayroon pala itong kapalit—ang kanyang puri. Pumayag kaya si Eden sa alok ng kanyang amo upang matustusan ang pang-ospital ng kanyang ama?
www.imdb.com/title/tt9754952/
AIRED: Feb 9, 2019
Stars : Phoebe Walker, Irma Adlawan, Mia Pangyarihan
Plot : Nang dahil sa pagnanais na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya, nangarap si Maila (Phoebe Walker) na maging OFW kahit high school lamang ang kanyang natapos. Habang naghahanap ng trabaho, nakilala niya si Georgette (Irma Adlawan), isang recruiter na nagpapadala umano ng OFW sa Japan. Ang magandang trabaho na kanyang minimithi, isa palang patibong kung saan dignidad niya ang nakasalalay! Makawala pa kaya siya?