www.imdb.com/title/tt30799273
AIRED: Jan 6, 2024
Stars : Ina Feleo, Joross Gamboa, Gigi Locsin
Plot : Kahit na may kaunting pagdududa si Gina (Ina Feleo) sa kanyang kasintahang si Chito (Joross Gamboa), nagtiwala pa rin siya at pinahiram ito ng malaking pera.
www.imdb.com/title/tt6321618/
AIRED: Dec 10, 2016
Stars : Solenn Heussaff, Ahron Villena
Plot : Ang “happy-go-lucky” na si Chantal (Solenn Heussaff), dumanas ng matinding karahasan matapos sumama sa mga kaibigan ng dati niyang nobyo na si Tristan (Ahron Villena. Diumano, nilasing siya ng mga ito at pinagsamantalahan ang kanyang kahinaan habang wala sa ulirat! Makamit kaya niya ang isinisigaw na hustisya?
www.imdb.com/title/tt30799273
AIRED: Jan 6, 2024
Stars : Ina Feleo, Joross Gamboa, Gigi Locsin
Plot : Kahit na may kaunting pagdududa si Gina (Ina Feleo) sa kanyang kasintahang si Chito (Joross Gamboa), nagtiwala pa rin siya at pinahiram ito ng malaking pera.
www.imdb.com/title/tt30854712
AIRED: Jan 13, 2024
Stars : Ina Feleo, Joross Gamboa, Gigi Locsin
Plot : Dahil sa pagmamahal ni Gina (Ina Feleo) para kay Chito (Joross Gamboa), naniwala siya sa mga salita nito kahit na may mga pagdududa na siya sa kasintahan. Pero ang mga panloloko ni Chito, tila unti-unti nang mabubuking ni Gina!
www.imdb.com/title/tt8613060
AIRED: Jun 23, 2018
Stars : Marian Rivera, Jackie Lou Blanco, Lotlot De Leon, Emilio Garcia
Plot : Napilitan si Jackie na maging domestic helper sa Bahrain para matustusan ang pag-aaral ng anak at mabili ang gamot ng kanyang asawa. Sa ibang bansa, naranasan niyang abusuhin ng kanyang amo at nakawan ng kapwa Pinoy.
www.imdb.com/title/tt8248346
AIRED: Apr 7, 2018
Stars : Katrina Halili, Emilio Garcia, Samantha Lopez
Plot : Habang naghihirap at nagkakasakit sa kakakayod ang padre-de-pamilyang si Oliver, nagpapakalunod naman sa pera at materyal na bagay ang kanyang mag-ina! Paano kung madiskubre niyang ipinagpalit pa siya ng kanyang misis?
www.imdb.com/title/tt7226760/
AIRED: Aug 5, 2017
Stars : Katrina Halili, Emilio Garcia, Samantha Lopez
Plot : Mula nang maaksidente ang kanyang ama, nangibang-bansa si Laisa (Katrina Halili) upang makatulong sa mga gastusin ng kanilang pamilya. Sa kanyang pagdating sa Brunei, hindi niya akalain na dalawang Madam ang pagsisilbihan niya! Dalawa kasi ang asawa ng kanyang among lalaki. Paano kung alukin siya na maging pangatlong asawa?
www.imdb.com/title/tt7089296/
AIRED: Jul 1, 2017
Stars : Diva Montelaba, Neil Ryan Sese, Arthur Acuña
Plot : Napilitan mamasukan bilang entertainer sa Japan ang Pinay na si Jessa (Diva Montelaba) upang maipagamot ang mga mata ng kanyang inang nabulag. Hindi kasi sila kayang tustusan ng babaero at lasinggerong ama. Hindi sukat akalain ni Jessa na magkakagusto sa kanya ang dalawang Yakuza o lider ng sindikato sa Japan — isang mapang-abuso at isang mabuti ang kalooban. Kanino kaya siya mapupunta?
www.imdb.com/title/tt6941252/
AIRED: May 27, 2017
Stars : Mikee Quintos, Teresa Loyzaga, Gui Adorno
Plot : Ilang beses man nabigo si Maritess (Mikee Quintos), hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. Naranasan niyang maloko ng kanyang business partner, abusuhin ng Pinay niyang amo at alipustahin ng kanyang sariling ate, pero imbes na malungkot, ang mga ito ang naging inspirasyon niya para magtagumpay. Kinalaunan ay nagkaroon siya nang sariling business at naging milyonarya! Maantig sa kanyang kuwento sa video na ito!
www.imdb.com/title/tt7248440/
AIRED: Aug 12, 2017
Stars : Mara Lopez, Isabel Granada, Ervic Vijandre
Plot : Pangarap ni Paolo (Edgar Allan Guzman) mabigyan ng mas maginhawang buhay ang kanyang pamilya kaya namasukan siya bilang cook at waiter sa Saudi Arabia. Imbis na ginhawa, sunod-sunod na hirap ang naranasan niya, dahil napaghihinalaang babae sa bansa ang mga lalaking walang bigote, madalas na nakakantiyawan si Paolo ng mga Arabo, hanggang sa nagawa siyang pagsamantalahan ng kapwa niya lalaki! May mukha pa kaya siyang ihaharap sa kanyang pamilya?