www.imdb.com/title/tt5721126/
AIRED: May 14, 2016
Stars : Precious Lara Quigaman, Ana Capri
Plot : Nalayo man si Liza (Precious Lara Quigaman) sa kanyang anak, ginawa pa rin niya ang lahat para makapiling ito muli. Pero sa kanyang pag-uwi, napansin na lamang niya na malapit na pala ang loob ng kanyang anak sa madrasta nitong si Olive (Ana Capri)! Magkasundo pa kaya silang dalawa?
www.imdb.com/title/tt5566704/
AIRED: Mar 19, 2016
Stars : Adrian Alandy, Archie Alemania, Glenda Garcia, JC Santos, Pam Nieva
Plot : Parang magkapatid na kung ituring nina Emir (Adrian Alandy) at Kulit (Archie Alemania) ang isa’t isa dahil sa kanilang solid na pagkakaibigan. Paano na lang kaya kung sa iisang babae sila mahumaling, sino kaya ang magpaparaya?
www.imdb.com/title/tt5904996/
AIRED: Jul 23, 2016
Stars : Kim Rodriguez, Kiko Matos, Ken Alfonso, Terry Gian
Plot : Buong akala ni Liz (Kim Rodriguez) ay mabuting kaibigan ang trato sa kanya ni Dondon (Kiko Matos), na katrabaho niya sa palengke. Lingid sa kaalaman ni Liz, mayroon pala itong kakaibang pantasya sa kanya na umabot pa sa dahas!
www.imdb.com/title/tt6092040/
AIRED: Sep 24, 2016
Stars : Mel Martinez, Stephanie Sol, Marc Abaya, Tammy Brown
Plot : Kilalang raketera si Vanni (Stephanie Sol) na ang tanging pangarap lamang ay maging isang sikat na artista. Pero sa kagustuhan niya na makamit ito, aabot siya sa puntong manggamit ng tao—lalo na ang nakilalang photographer na si Edison (Marc Abaya)! Umusbong kaya ito sa totohanan kahit pa mayroon nang nobyo si Vanni?
www.imdb.com/title/tt5659620/
AIRED: Apr 23, 2016
Stars : Gardo Versoza, Francine Prieto, Roxanne Barcelo
Plot : Ang inaakalang mabait at matulunging bedspacer ni Leni (Francine Prieto) na si Maita (Roxanne Barcelo), tila isang ahas pala kung gumalaw dahil balak nitong akitin ang kanyang mister na si Jun (Gardo Versoza)! Paano kaya niya ito mahuhuli?
www.imdb.com/title/tt5678454/
AIRED: Apr 30, 2016
Stars : Carla Abellana, Tom Rodriguez, Stephanie Sol, Mark McMahon
Plot : Marami nang nagtatanong kay Miriam (Carla Abellana) kung kailan sila ikakasal ng nobyo niyang si Dennis (Tom Rodriguez), na mahigit pitong taon na niyang karelasyon. Sa simbahan din ba mauuwi ang kanilang pagsasama o matutuldukan lang din ito dulot ng panlalamig sa isa’t isa?
www.imdb.com/title/tt5887876/
AIRED: Jul 16, 2016
Stars : Jackie Rice, Joross Gamboa, Leandro Baldemor, Mon Confiado
Plot : Kahit ano pang klase ng trabaho, handang pasukin ni Christina (Jackie Rice) maipagamot lang ang kanyang ina na mayroong sakit. Kayanin kaya ng konsensya ni Christina na ikalakal ang kanyang dignidad para lang sa pera?
www.imdb.com/title/tt6295648/
AIRED: Dec 3, 2016
Stars : Gabby Concepcion, Carla Abellana, Perla Bautista, Mailes Kanapi
Plot : Para kay Stella, ang kanyang pamilya ang tanging nagbibigay sa kanya ng saya at lakas para mabuhay. Mayroon pa kayang puwang sa puso niya ang pag-ibig?
www.imdb.com/title/tt6754840/
AIRED: Apr 8, 2017
Stars : Gina Alajar, Martin Del Rosario, Dina Bonnevie
Plot : Magagambala ang payapang pamumuhay ng magkapatid na Ester (Dina Bonnevie) at Norma (Gina Alajar) nang makilala nila si Marlon (Martin del Rosario), na tila kahawig ng dati nilang kasintahan na si Alejandro. Ang pagiging mabait nito, isa palang tukso para mapagsamantalahan ang kabutihan sa kanya ng magkapatid!
www.imdb.com/title/tt6380000/
AIRED: Dec 31, 2016
Stars : Paolo Contis, Valeen Montenegro, Jemwell Ventinilla
Plot : Nang muling magkita ang high school best friends na sina Ben (Paolo Contis) at Bela (Valeen Montenegro), muli ring nagbalik ang kanilang dati nilang kasunduan—na kung dumating ang panahon na pareho silang single, sila na lamang ang magsasama. Mapanindigan pa kaya nila ito paglipas ng maraming taon?