www.imdb.com/title/tt6400772
AIRED: Jan 7, 2017
Stars : Yasmien Kurdi, Ervic Vijandre
Plot : Ikakasal na sana sina Sandra (Yasmien Kurdi) at Martin (Ervic Vijandre), ngunit sa huling gabi mismo bago ang kanilang pag-iisang dibdib, isang karumal-dumal na krimen ang mangyayari kay Sandra. Ang masaklap, pamilya pa ni Martin ang mga suspek.
www.imdb.com/title/tt6726920
AIRED: Apr 1, 2017
Stars : Hiro Peralta, Divine, Maria Isabel Lopez
Plot : Matapos siyang mabulag, halos magalit na sa mundo si Anton (Hiro Peralta) at nagawang ipagtabuyan ang mga tao sa paligid niya. Pero ang bitter niyang pagkatao, unti-unting tatamis sa pagkalinga sa kanya ni Nurse Gigi (Divine Aucina)! Dito na rin kaya magsisimula ang matamis nilang pagtitinginan?
www.imdb.com/title/tt5799966/
AIRED: Jun 11, 2016
Stars : Alex Medina, Arnold Reyes, Katrina Halili
Plot : Masayang nagsasama ang magkasintahang sina Elvin (Alex Medina) at Norman (Arnold Reyes). Sa isang iglap, biglang magbabago ang ikot ng kanilang mundo sa muling pagbabalik ng ex ng una—si Isa (Katrina Halili), na balak palang iwan ang sariling anak sa mga ito!
www.imdb.com/title/tt6343688/
AIRED: Dec 17, 2016
Stars : Rhian Ramos, Aljur Abrenica, Sheena Halili
Plot : Kahit mahirap para kay Donna (Rhian Ramos), nagpasya siyang mangibang-bansa upang magpagamot sa sakit niyang breast cancer. Sa muling pag-uwi niya sa Pilipinas, may mas malala pang sakit ang mararamdaman niya—nang kunin siya ng sariling BFF at dati niyang nobyo bilang bridesmaid sa kanilang kasal!
www.imdb.com/title/tt4886186/
AIRED: Jul 25, 2015
Stars : Solenn Heussaff, Mark Herras, Fabio Ide
Plot : Mula nang mabaldado at maputulan ng binti si Robert (Fabio Ide), tila nakararamdam siya ng kakaibang ligaya kapag pinanonood niyang nagsisiping ang misis niyang si Anne (Solenn Heussaff) at ang kanilang driver (Mark Herras). Hanggang kailan kaya ito sisikmurain ni Anne?
www.imdb.com/title/tt5235968/
AIRED: Nov 28, 2015
Stars : Martin del Rosario, Jeric Gonzales, Mark McMahon, Jackie Lou Blanco
Plot : Ang magkakaibigang sina AJ (Martin del Rosario), James (Jeric Gonzales) at Perry (Mark McMahon), kapwa may mga kakaibang hilig pagdating sa mga karelasyon nila. Pero pagdating sa pagtataksil, tila nagkasundo sila na kumuha ng isang apartment para doon gawin ang mga milagro nila!
www.imdb.com/title/tt5003628/
AIRED: Sep 5, 2015
Stars : Stephanie Sol, Martin Del Rosario, Andrea Torres
Plot : Ang team leader na si Sofia (Stephanie Sol), hindi lang masigasig sa pagtatrabaho—dahil maging mga gwapong call center agent, hilig din niyang trabahuin! Kailan kaya siya matututo ng leksyon?
www.imdb.com/title/tt5945224/
AIRED: Aug 6, 2016
Stars : Pen Medina, Aubrey Miles, Ces Quesada
Plot : Matagal nang tinalikuran ni Tina (Aubrey Miles) ang nakaraan niya bilang hostess kaya naman nang makilala niya si Manong Greg (Pen Medina), tila kinain niya ang mga sinabi niya dahil nahulog ang loob niya rito! Ano na lang kaya ang gagawin niya kapag nalaman ni Manong Greg ang kanyang sikreto?
www.imdb.com/title/tt6219840/
AIRED: Nov 5, 2016
Stars : Cherry Pie Picache, Rafael Rosell, Carmi Martin
Plot : Dahil madalas siyang nasa bahay at hindi na halos napapansin ng kanyang mga anak, akala ni Elena (Cherry Pie Picache) ay napaglipasan na siya ng panahon. Pero isang gabi, sa isang bar, magbabago ang ikot ng mundo niya matapos makilala ang playboy na si Xavier (Rafael Rosell)! Ito na nga ba ang kanyang forever?
www.imdb.com/title/tt5762782/
AIRED: May 28, 2016
Stars : Carlos Agassi, Gwen Zamora, Jade Lopez
Plot : Masaya na si Nestor (Carlos Agassi) sa kanyang buhay dahil magkakaroon na sila ng supling ng kinakasama niyang si Melissa (Gwen Zamora). Pero tila mapaglaro yata ang tadhana—dahil nang magkita silang muli ng dati niyang asawa na si Joan (Jade Lopez), napa-throwback na rin ang dalawa sa kanilang pag-iibigan! Handa kaya si Joan na maging kalaguyo ng dati niyang mister?