AIRED: March 6, 2021
Plot :Hindi inakala ni Angela na hindi niya madadatnan ang anak na si Khian, apat na taong gulang, matapos niyang mag-igib ng tubig. Ang kutob niya at ng kanyang asawa, maaaring ang kanilang kapitbahay ang may kagagawan ng pagkawala nito dahil napag-interesan ang nilalarong cellphone. Hanggang sa matagpuan na lamang nila sa isang eco bag ang bangkay ng kanilang anak!
AIRED: March 27, 2021
Plot : Madalas raw pinag-aawayan nina Ella Marie at Richard ang selos. Pakiramdam kasi ni Richard, lahat ng kinakausap ng kanyang misis ay inaakit nito. Isang araw, habang nagpapahinga si Ella, bigla na lamang siyang pinagsasakal at pinagsasaksak ng kanyang asawa. Makaligtas pa kaya siya?
AIRED: April 10, 2021
Plot : Itinuring na isa sa pinakabrutal na krimen ang sinapit ni Christine Silawan taong 2019 sa Lapu-Lapu City. Hindi na siya makilala ng mga residente gawa ng tadtad ito ng saksak at binalatan pa ang kanyang mukha. Mabigyan pa kaya ng hustisya ang pagkamatay ng biktima?
AIRED: April 17, 2021
Plot : Limang taon na ang nakakalipas, isang batang tatlong taong gulang ang natagpuang nakasilid sa sako hanggang sa tuluyang binawian ng buhay. Sino nga ba ang suspek at ang ang motibo nito sa brutal na pagpatay sa bata?
AIRED: May 8, 2021
Plot : Napansin ni Belen na na tila tumataba at lumalaki ang balakang ni Tintin, isang dalagitang may mild mental retardation. Nakumpirma nilang buntis nga si Tintin. Sino ang may gawa ng krimen? Mabigyan pa kaya ng hustisya ang pang-aabuso sa biktima?
AIRED: June 19, 2021
Plot : Nagambala ang mag-asawang Roli at Marites nang makita ang kanilang hapon na kapitbahay na wala nang buhay sa isang liblib na lugar sa lalawigan ng Nueva Ecija. Akala ng lahat na isa itong natural na pagkamatay, ngunit iba ang natuklasan ng mga pulis.
AIRED: May 22, 2021
Plot : Natagpuan ang isang hubo’t hubad na bangkay ng isnag transgender sa masukal na bahagi ng sementeryo sa isang barangay sa Alangalang sa Leyte. Ang hinala ng mga pulis, pinagnawakan at itinapon ang bagkay nito ngunit nang lumabas ang autopsiya, iba pala ang nangyari.
AIRED: July 3, 2021
Plot : Bandang umaga nang magpaalam si Bheanne upang maghanap lamang ng signal ng telepono malapit sa kanilang tinitirhan. Matapos ang ilang oras, bangkay na ito nang matagpuan ng kanyang lolo at lola.
AIRED: December 7, 2019
Plot : Gusto sanang maghatid ng magandang balita ni Marchella sa kanyang tiyahin. Wala siyang kaalam-alam na manganganib pala ang kanyang buhay dahil dito. Mailigtas pa kaya si Marchella?
AIRED: August 7, 2021
Plot : Bandang tanghali nang magpaalam si Althea upang maglako sa labas ng kanilang paninda. Matapos ang tatlong araw, natagpuan ang bangkay niya sa gitna ng taniman ng pinya.