AIRED: March 12, 2022
Plot : Unang araw ng Marso noong 2017, natumba habang nakamotor si Dr. Dreyfuss Perlas sa Kapatagan, Lanao del Norte. Agaw-buhay siyang isinugod sa pagamutan. Noong una, inakalang ito ay naaksidente o inatake sa puso. Pero sa pagpapatuloy ng imbestigasyon, natuklasang may tama ito ng baril sa likod na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.
AIRED: July 2, 2022
Plot : Sa kuha ng isang cellphone video, maririnig ang pagputok ng baril ng isang lalaki. Pagkatapos nito, tatlong tao ang natagpuang wala nang buhay. Unang nakita ang bangkay ng principal ng isang paaralan sa Negros Occidental na si Warren Escosar, Ilang metro mula sa labi nito, natagpuan naman ang katawan ni Christopher Arroy. Sa loob naman ng isang silid-aralan, natagpuan ding wala nang buhay ang asawa ni Christopher na si Almariza Arroyo. Ano ang ugat ng krimen na ito?
AIRED: May 21, 2022
Plot : Isang kahina-hinalang sako ang natagpuan sa kalsada ng Barangay Manuyo, Las Piñas City nitong ika-12 ng Marso. Nang buksan ng mga awtoridad, tumambad sa kanila ang walang buhay na katawan ng isang babae. Paniniwala ng mga pulis, biktima ang babae ng pambubugbog dahil sa mga pasa nito sa mukha at sa katawan.
AIRED: May 7, 2022
Plot : Malagim ang sinapit ng mag-iinang ito sa loob ng bahay nila sa Barangay Lagasit, San Quintin, Pangasinan nito lamang ika-22 ng Abril. Tumambad ang katawan ng tatlong biktima na tadtad ng saksak at naliligo sa sarili nilang dugo. Kinilala ang mga biktima na sina Crystaline “Matet” Lichaoco at ang mga menor de edad niyang anak na sina Ashley at Jacob. Sino ang nasa likod ng masaker?
AIRED: May 28, 2022
Plot : Nito lang Marso, isang lalaking Japanese national at isang babae ang natagpuang patay sa kanilang bahay sa Pasig City. Kinilala ang mga biktima bilang sina Yasunori Mori at Anna Marie Dalusong. Hindi na umano ma-contact ng stepdaughter ni Yasunori ang dalawang biktima kaya nagpasya na siyang silipin ang kalagayan ng mga ito. Pagdating niya sa tahanan ng mga biktima, may naamoy siyang mabaho kaya nagdesisyon siyang tumawag ng awtoridad.
AIRED: June 25, 2022
Plot : Labing-apat na araw nang nawawala ang ginang na si Rowena Conda. Puspusan siyang hinanap ng kanyang mga kaanak hanggang sa napadpad sila sa isang bakanteng lote kung saan ilang metro lang ang layo mula sa kanilang bahay. Umagaw sa pansin ng mga awtoridad ang bahagi ng malambot na lupa sa lote. Sinimulan nila itong hukayin at tumambad sa kanila ang isang lona. Nang ito’y buksan, tumambad sa kanila ang katawan ng isang babae. Siya na kaya ang hinahanap nilang si Rowena?
AIRED: March 26, 2022
Plot : Hatinggabi ng ika-30 ng Enero nang makarinig ng ingay ang ilang mga residente ng Barangay Boalan, Zamboanga City. Sa pagpasok nila sa bahay na pinagmulan nito, natagpuan nilang naliligo sa dugo si Arnel Fabian, 38-anyos at miyembro ng LGBTQIA+ community. Nakatakip ng kumot ang mukha at wala ring saplot pang-ibaba ang biktima. Ano ang nangyari sa biktima?
AIRED: March 19, 2022
Plot : Umaga nitong Pebrero, isang residente ng Barangay Tibag, Tarlac ang bigla na lang nag-amok at nanghamon ng away sa kanyang mga kapitbahay. Sa pagsapit ng tanghali, isang lalaki ang napagbuntungan niya ng galit at pinukpok niya ito ng martilyo at pinugutan pa ng ulo.
AIRED: April 9, 2022
Plot : Nito lang ika-15 ng Marso, masangsang na amoy ang tumambad sa isang mag-asawa habang naglalakad sa Barangay Sta. Lourdes, Lungsod ng Puerto Princesa sa Palawan. Nang hanapin ang pinagmumulan ng amoy, isang sako ang nakita nila sa banging malapit sa lugar. Sa kanilang pagsusuri, nakita nila ang nakausling mga paa ng tao kaya agad silang tumawag sa awtoridad. Sa pagdating ng mga ito, nakumpirmang isang bangkay ng lalaki ang nasa loob ng sako. Sino siya? Ano ang buong kuwento sa kanyang pagkamatay?
AIRED: December 18, 2021
Plot : Noong ika-walo ng Nobyembre, pinuntahan ng 15-anyos at grade 10 student na si ‘Kristel’ ang kaklase nito upang gumawa ng module sa kanilang lugar sa Laurel, Batangas. Lumipas ang buong maghapon, hindi umuwi ang dalagita. Ilang araw mula noong umalis si ‘Kristen,’ nakita na lamang siyang hubo’t hubad at wala nang buhay sa isang masukal na lugar.