AIRED: September 17, 2022
Plot : Patay sa pananaksak sa Novaliches, Quezon City ang 23-anyos na babaeng itatago sa pangalang “Kristina” nitong ika-20 ng Hulyo. Ang pangyayari, nakunan ng CCTV camera.
AIRED: October 15, 2022
Plot : Nitong ika-13 ng Agosto, masugid ang paghahanap para sa 15-anyos na si Princess Marie Dumantay na dalawang araw nang hindi umuuwi sa kanilang bahay sa San Jose del Monte, Bulacan. Hanggang nakita ng kapatid ni Princess na si Paulo ang larawan ng isang bangkay ng dalaga sa Bustos, Bulacan. Nang pinuntahan nina Paulo ang bangkay, nakumpirma nilang ito si Princess. May mga pasa at paso ang biktima. Napag-alaman ding ito ay ginahasa.
AIRED: October 8, 2022
Plot : Nagimbal ang marami sa misteryosong pagkawala ng 22-anyos na si Jovelyn Galleno sa Puerto Princesa City, Palawan. Noong ika-lima ng Agosto, pasado alas-siyete ng umaga, nakunan pa ng CCTV camera ang pagpasok ni Jovelyn sa pinagtatrabahuhan. Pasado alas-siyete naman ng gabi, nahagip din siyang naglalakad palabas ng gusali. Pero matapos nito, hindi na muling nakita si Jovelyn. Makalipas ang 18 araw na paghahanap, kalansay na siya nang natagpuan.
AIRED: August 20, 2022
Plot : Nitong ika-17 ng Hulyo sa Cagayan de Oro City, isang menor de edad ang nagpatulong sa mga awtoridad dahil naholdap sila ng kanyang nobyong si Cris Semaña. Pinagsasaksak si Cris habang ang nakatakas na menor de edad na itatago sa pangalang “Irene” naman ay hinalay.
AIRED: August 27, 2022
Plot : Kahindik-hindik ang sinapit ng pitong taong gulang na batang babae sa Barangay Landayan, San Pedro, Laguna. Sa isang abandonadong bahay, natagpuan siya na wala nang buhay, walang damit pang-ibaba at nakabalot sa kulambo ang kanyang ulo. Ayon sa pulisya, pananakal ang dahilan ng kanyang pagmatay.
AIRED: August 6, 2022
Plot : Walang buhay at punong-puno ng pasa ang katawan ni Regine nang matagpuan siyang nakahandusay ng kanyang kapatid. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, sinakal umano ito gamit ang charger ng laptop hanggang sa bawian ito ng buhay. Sa tulong ng mga ebidensyang nakalap nila mula sa anak ng biktima, mahuli kaya nila ang suspek sa krimen?
AIRED: August 13, 2022
Plot : Nitong ika-17 ng Marso, natagpuan sa loob ng isang kubo sa Barangay Ganatan, Arakan, Cotabato ang katawan ng lalaking nagngangalang Berly Rama, 38-anyos. Tadtad ng saksak, putol ang ari at walang ulo ang kanyang katawan. 30 metro mula sa katawan niya, nakita naman ang ulo niyang nakapatong sa mga sanga ng kahoy.
AIRED: July 30, 2022
Plot : Isang bata ang natagpuan sa isang basurahan sa Barangay Wawa, Batangas City. Siya ay itatago sa pangalang “Ella.” May mga pasa ang kanyang pangangatawan at hubo’t hubad siyang natagpuan. Ayon sa eksaminasyon, sinakal ang bata hanggang sa mamatay ito. Nakumpirma ring siya ay ginahasa. Ano ang kuwento sa likod ng pagpatay sa bata? Panoorin
AIRED: July 16, 2022
Plot : Sa murang edad ay kinakailangan nang magbanat ng buto ng 10-anyos na si ‘”Clarisse,” hindi niya tunay na pangalan. Para buhayin ang pamilya, sinalo ni “Clarisse” ang pagbebenta ng balut matapos sumailalim sa operasyon ng kanyang ina. Ngunit nitong ika-23 ng Mayo, matapos magtinda ay hindi na muling nakabalik ang bata sa kanilang bahay. Hanggang natagpuan na lang ang katawan nitong wala nang buhay sa tabing-ilog. Ano ang buong kuwento sa likod ng karumal-dumal na krimeng sinapit ni Clarisse?
AIRED: September 4, 2021
Plot : Nabulabog ang payapang araw ng mga residente ng Brgy. San Juan sa San Miguel, Bulacan nito lamang Agosto 7. Tinupok ng apoy ang ilang kabahayan kabilang na ang bahay ni Margil Miranda. Sa imbestigasyon, lumalabas na sınadya ang ginawang pagsunog at pagpatay sa biktima. Sino ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen?