AIRED: February 8, 2020
Plot : Sa araw mismo ng kaarawan ng lider ng isang kulto, dinala ni Gemma ang kanyang pamangkin na si Julie bilang “regalo”. Walang kamalay-malay ang dalagita na ito na pala ang magiging simula ng kanyang mala-impyernong buhay sa piling ng mga inakala niyang magdadala sa kanya sa langit.
AIRED: December 14, 2019
Plot : Apat na kalalakihan ang sumuko sa mga pulis dahil saksi sila sa panghahalay ng kanilang mga kainuman kay Carissa, isang PWD. Sa takot na madamay sa krimen ay sumunod sila sa utos ng isa sa mga suspek na ligpitin na ito.
AIRED: June 26, 2021
Plot : Nito lang Marso, tumambad sa harap ni Noel ang walang saplot na bangkay ng kanyang anak na si Sandra sa isang abandonadong bahay sa bayan ng Mexico, Pampanga.
AIRED: September 9, 2023
Plot : Nitong Hunyo, isang babae ang natagpuang nakahandusay at walang buhay sa loob ng isang bahay sa Tondo, Maynila.
AIRED: January 14, 2023
Plot : Noong ika-11 ng Oktubre ng 2022, nakatanggap ang pulisya ng isang report mula sa isang concerned citizen na may natagpuang palutang-lutang na sako na tila may lamang bangkay sa isang ilog sa Negros Occidental. Nakumpirmang bangkay ito ng nawawalang dalaga na itatago sa pangalang “Jennie”. Ano ang buong kuwento sa likod ng kanyang sinapit?
AIRED: January 28, 2023
Plot : Nitong ika-31 ng Oktubre, wala nang buhay na natagpuan ang dalagang itatago sa pangalang “Jenica” sa isang bakanteng lote sa Camarines Sur. Sa patuloy na pag-iimbestiga ng mga pulis tungkol sa sinapit ng dalaga, isang kuha ng CCTV camera ang unti-unting nagbigay ng linaw sa nangyari.
AIRED: June 3, 2023
Plot : Nitong ika-walo ng Mayo, nabalot ng takot ang ilang mga residente sa Barangay Lepaga, M’lang, North Cotabato. Isang dalagita kasi ang natagpuang nakahandusay sa putikan at wala nang buhay. Kalaunan, natukoy ang pagkakakilanlan ng dalagita na napag-alamang biktima rin pala ng panggagahasa.
AIRED: April 1, 2023
Plot : Nitong unang araw ng Pebrero sa Real, Quezon, nagkasiyahan si Gigi Ibañez at ang tiyahin niyang si Rosalinda Silvestre kasama ang ilang pang mga kaanak at kaibigan. Ilang sandali ang lumipas, mayroong pumasok sa kanilang bahay at walang awang pinagtataga ang ilan sa mga tao roon. Masuwerteng nakalabas si Gigi at humingi ng saklolo. Samantala, dahil sa nangyari, binawian ng buhay si Rosalinda.
AIRED: August 22, 2020
Plot : Nagtataka ang inang si Mary Jean sa kadilimang tila bumalot sa kanilang tahanan. Ang buong akala niya natutulog lang ang kanyang 14-anyos na anak na si Garlene, pero nang hindi ito sumagot sa kanyang tawag nagsimula na siyang kabahan. Hanggang isang kagimbal-gimbal na imahe ang tumambad sa inang si Mary Jean. Ang kanyang anak, natagpuan niyang nakadapa sa kanilang kama at wala nang buhay. Nakatali ang mga kamay nito, binusalan ang bibig at nilaslas ang leeg.
AIRED: Nobyembre 19, 2022
Plot : Nitong ika-30 ng Agosto, isang bangkay ng babae ang natagpuan sa isang garahe sa Barangay Alfonso Tabora, Baguio City. Napag-alaman na ang ikinamatay nito ay pagkakasakal. Sa pag-usad ng imbestigasyon, ano-ano pa ang mga matutuklasan sa likod ng kagimbal-gimbal na sinapit ng babae?