AIRED: December 12, 2020
Plot : Habang naglalakad pauwi si “Camille”, isang lalaking nakainom ang lumapit at sumunod sa kanya. Dahil sa kanyang panlalaban, sinakal siya ng lalaki at walang-awang ginahasa matapos siyang malagutan ng hininga. Mabigyan pa kaya ng hustisya ang kanyang pagkamatay?
AIRED: August 14, 2021
Plot : Isang insidente ng pananaksak ang nakunan ng CCTV sa lungsod ng Caloocan. Ang biktima, ang 20-anyos na estudyanteng kinikilalang si Jhunel Talan.
AIRED: August 28, 2021
Plot : Isang insidente ng pananaksak ang nakunan ng CCTV sa lungsod ng Caloocan. Ang biktima, ang 20-anyos na estudyanteng kinikilalang si Jhunel Talan.
AIRED: September 24, 2022
Plot : Base sa imbestigasyon ng pulisya, nag-check-in ang magkasintahang Mellary at Joan sa motel at dito, pinag-usapan nila ang pinaplano nilang pagpapakasal. Maya-maya, nauwi ito sa pagtatalo. Hindi raw kasi nagustuhan ni Mellary ang binabalak na pagtatrabaho ni Joan sa ibang bansa. Umuwi si Mellary sa kanilang bahay sa Davao del Sur at nang dumating, nakonsensya raw ito at umamin sa kanyang mga magulang na nagawa niyang sakalin at patayin ang sariling kasintahan.
AIRED: November 23, 2019
Plot : Nais sanang sundan ng magkapatid na sina Anthonita at Angelina ang kanilang ina papunta sa bundok, wala silang kaalam-alam na isang lalaki ang umaaligid sa kanila. Doon ay walang awa silang ginahasa at pinatay at itinapon sa isang abandonadong palaisdaan ang kanilang mga bangkay!
AIRED: September 10, 2022
Plot : Madaling araw nitong ika-30 ng Mayo, nabulabog ang mahimbing na tulog ng magkasintahang Ronnie at Jovielyn dahil sa isang krimen. Si Ronnie, pinagtataga ng isang lalaki. Sinubukan siyang dalhin sa ospital pero ‘di na siya umabot.
AIRED: October 30, 2021
Plot : Noong ika-29 ng Agosto, natagpuan ang mga labi ng limang miyembro ng pamilya Adigue sa Baleno, Masbate. Ayon kay Jojo, kamag-anak ng mga pinatay, nakita na lamang niya ang katawan ng mga ito na wala nang buhay. Paano sinapit ng pamilya ang karumal-dumal na krimen?
AIRED: October 2, 2021
Plot : Papunta lang sana sa eskuwelahan ng apo si Elizabeth Acosta nang pagsasaksakin siya sa daan. Sino nga ba ang suspek at ano ang motibo niya sa krimen?
AIRED: July 24, 2021
Plot : Nito lang Pebrero nakita ang duguang bangkay ng 21-anyos na si Joel sa Pampanga. Akala ng mga tao, isa itong aksidente ngunit may mga nakitang ebidensya na nagpatunay na ito ay sanhi ng isang krimen.
AIRED: May 14, 2022
Plot : Umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril sa Fairview, Quezon City nitong ika-18 ng Marso. Isang armadong lalaki ang nag-amok at pinagbabaril ang tatlong miyembro ng isang pamilya. Tinamaan si “Carl” ng dalawang bala ng baril sa sikmura at tagiliran, isang tama naman sa dibdib ang tinamo ng kapatid niyang si “Christian,” habang daplis naman sa braso ang tinamo ng tiyahin nilang si “Mariel.”