AIRED: May 20, 2023
Plot : Nitong ika-pito ng Marso, binulabog ng isang lalaki ang isang barangay sa Antipolo City, Rizal matapos siya mang-hostage ng isang 62-anyos na lola at ang isang taong gulang nitong apo.
AIRED: July 1, 2023
Plot : Nitong ika-siyam ng Hunyo, dalawang kahina-hinalang garbage bags ang natagpuan ng isang mangangalakal ng basura sa ilalim ng isang tulay sa Antipolo City. Nang kanyang buksan ang mga ito, tumambad sa kanya ang mga putol na bahagi ng katawan ng isang babae.
AIRED: January 7, 2023
Plot : Noong ika-16 ng Oktubre ng taong 2022, nakitang wala nang buhay ang isang guro sa loob ng stockroom sa isang paaralan sa Naga City. Napag-alamang sinakal siya gamit ang isang extension cord at mahigit 50 beses na pinagsasaksak.
AIRED: February 25, 2023
Plot : Nitong ika-30 ng Enero, nilaslas ng isang lalaki ang leeg ng tindera sa isang bangketa sa Osmeña Boulevard sa Cebu City. Matapos ito, mabilis na lumayo ang suspek. Agad namang sumaklolo ang napadaang mga nursing student.
AIRED: May 16, 2020
Plot : Hindi inaasahan ng kapatid ni Tina na ang kanyang Ate na tatlong araw nang nawawala ay matatagpuan niyang wala nang buhay, nakatakip ang ulo at itinago pa sa ilalim ng lababo. Ano kaya ang motibo ng suspek sa likod ng krimen?
Plot : Isang 13 taong gulang na dalagita sa Rizal, kinaibigan at tinulungan pero kalauna’y pinagsamantalahan daw ng may-ari ng isang computer shop na kanyang tinatambayan! Samantala, nangungulila ang ina na si Jocelyn sa kanyang unica hija. Matapos kasing hiramin ng kanyang dating kinakasama ang kanilang anak noong Pasko, hindi na raw ito sumagot sa mga tawag at tila wala nang balak ibalik ang bata sa kanya.
AIRED: March 4, 2023
Plot : Nitong ika-16 ng Disyembre, labis na nadurog ang puso ng isang ina matapos niyang datnan ang kanyang 18-anyos na anak na naliligo sa dugo at may mga saksak sa kanilang bahay sa Angeles City, Pampanga. Agad na humingi ng saklolo ang ina. Pero pagdating nila sa ospital, idineklara itong dead on arrival.
AIRED: October 22, 2022
Plot : Sa tulong ng CCTV camera, natukoy ng pulisya ang suspek sa pagpaslang sa dalagang si Lovely Ann. Nakitang mahigit sampung minuto itong nagpapabalik-balik at tila nagmamatyag sa lugar kung saan nakatira ang dalaga. Napag-alamang kalalaya lang nito noong nakaraang taon sa kulungan dahil sa paggamit ng ilegal na droga. Naaresto namang muli ang suspek dahil sa krimen.
AIRED: January 15, 2022
Plot : Ala-una ng madaling araw noong ika-30 ng Nobyembre, isang lalaki ang nahulog mula sa ika-pitong palapag ng isang gusali sa Legaspi Village, Makati City. Ayon sa inilabas na autopsy report, gunshot wound at blunt force trauma of the trunk and right upper extremity ang dahilan ng pagkamatay ng biktimang si Ronald Tolo, isang janitor at maintenance staff sa gusali. Ano ang kuwento sa likod ng karumal-dumal na pagkamatay niya at sino ang nasa likod ng krimen?
AIRED: July 17, 2021
Plot : Nito lang Hunyo, natagpuan sa lalawigan ng Laguna ang bangkay ng apat na miyembro ng isang pamilya sa loob ng kanilang tahanan. Paano nga ba ito sinapit ng mga biktima?