AIRED: June 5, 2021
Plot : Pumutok sa social media ang isang balita ng pagpatay at panghahalay sa isang transgender man na kilala bilang “Ebeng Mayor”. Natagpuan ang kanyang bangkay na duguan, naagnas na at may nadiskubre pang kahoy sa kanyang maselang bahagi.
AIRED: October 24, 2020
Plot : Sa loob ng abandonadong balon sa Bago, Negros Occidental, hindi tubig kundi kalansay ng isang tao ang natagpuan. Ito na pala ang kinahinatan ni Joey “Berong” Jalando-on. Hindi pa siya matatagpuan kung hindi dahil sa panaginip ng isa sa kanyang mga kamag-anak. Ang buong akala ng kanyang pamilya, naglayas si Berong at kinalimutan na sila. Paano niya kaya sinapit ang kalunos-lunos na katapusan?
AIRED: November 21, 2020
Plot : Nagpaalam si Juliana Faith na magpupunta lamang sa kapilya ngunit makalipas ang ilang oras ay natagpuan ang bangkay niya sa isang irrigation canal sa Sta. Lucia, Ilocos Sur. Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, maaaring ang dati niyang nobyo ang suspek dahil natagpuan ang kuwintas nito sa lugar kung saan namatay ang biktima. Ang dati nga ba niyang kasintahan ang pumatay sa dalaga?
AIRED: September 19, 2020
Plot : Isang gabi, nagpaalam ang binatang si Jerome sa kanilang bahay na aalis lang nang saglit. Plano niya na pa lang komprontahin ang lalaking may hawak ng cellphone ng kanyang nobya. Ano kaya ang kahihinatnan ng kanilang pagtatagpo?
AIRED: January 29, 2022
Plot : Kamakailan, isang katawan ng batang babae ang nakitang nakasiksik sa ilalim ng kanal sa Sitio Tibagan sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal. Nang tibagin ang drainage, dito tumambad ang naaagnas at walang saplot na katawan nito. Sino kaya ang salarin sa likod ng malagim na sinapit ng bata?
AIRED: March 5, 2022
Plot : Nito lang Disyembre, isang krimen ang gumimbal sa bansa. Sa bayan ng M’lang, North Cotabato, natagpuang tadtad ng saksak at wala nang buhay ang magkapatid na sina Crizzel Gwynn, 18-anyos at Crizville Louise o mas kilala sa tawag na “Boyboy,” 16-anyos. May busal sa bibig si Boyboy habang nakatakip naman ng tuwalya ang ulo ni Crizzel.
AIRED: January 2, 2021
Plot : Nabulabog ang isang barangay sa Antique matapos matagpuan ang bagkay ng isang senior citizen sa kalsada na pinagtataga at wala nang ulo. Ano kaya ang motibo ng suspek sa pagpatay?
AIRED: May 23, 2020
Plot : Labis ang pagsisi ni Marvin na tiyuhin ni Ashley matapos niyang halayin ang pamangkin dala nang kanyang matinding kalasingan.
AIRED: October 3, 2020
Plot : Sa bayan ng Maragondon, Cavite, nagtamo ng 12 na saksak si Jaymie Flores, isang menor de edad. Ayon sa imbestigasyon, ang suspek ay mismong mister ng kanyang kapatid. Ano nga ba ang motibo ng suspek sa kanyang brutal na pagpatay sa dalagita?
AIRED: April 24, 2021
Plot : Tatlong taon na mula nang mangyari ang Nueva Ecija Massacre kung saan 6 na miyembro ng pamilang Caballero ang brutal na pinagpapatay. Sino nga ba ang suspek at ano ang motibo nito sa ginawang krimen?