IMBESTIGADOR: Bangayan ng Kapitbahay, Nauwi sa Brutal na Pagpatay / August 22, 2020
AIRED: August 22, 2020
Plot : Nagtataka ang inang si Mary Jean sa kadilimang tila bumalot sa kanilang tahanan. Ang buong akala niya natutulog lang ang kanyang 14-anyos na anak na si Garlene, pero nang hindi ito sumagot sa kanyang tawag nagsimula na siyang kabahan. Hanggang isang kagimbal-gimbal na imahe ang tumambad sa inang si Mary Jean. Ang kanyang anak, natagpuan niyang nakadapa sa kanilang kama at wala nang buhay. Nakatali ang mga kamay nito, binusalan ang bibig at nilaslas ang leeg.