IMBESTIGADOR: Bangkay Ng Lalaki Nakasilid Sa Sako / April 9, 2022
AIRED: April 9, 2022
Plot : Nito lang ika-15 ng Marso, masangsang na amoy ang tumambad sa isang mag-asawa habang naglalakad sa Barangay Sta. Lourdes, Lungsod ng Puerto Princesa sa Palawan. Nang hanapin ang pinagmumulan ng amoy, isang sako ang nakita nila sa banging malapit sa lugar. Sa kanilang pagsusuri, nakita nila ang nakausling mga paa ng tao kaya agad silang tumawag sa awtoridad. Sa pagdating ng mga ito, nakumpirmang isang bangkay ng lalaki ang nasa loob ng sako. Sino siya? Ano ang buong kuwento sa kanyang pagkamatay?