Tadhana: Masipag na OFW, nahanap ang suwerte sa Yemen / Yemen Feb 3, 2018
AIRED: Feb 3, 2018
Stars : Archie Alemania, Mickey Ferriols, Mike Pekto Nacua
Plot : Dahil kapos ang kanyang kinikita bilang fishball vendor sa kanilang probinsya, naisipan ni Jose (Archie Alemania) na maghanapbuhay sa ibang bansa bilang isang construction worker sa Yemen. Hindi man naging madali ang pakikipagsapalaran niya roon, dahil sa kanyang sipag at tiyaga, isinakripisyo ni Jose ang lahat para sa lumalaki niyang pamilya. Paano kaya niya hinarap ang sunod-sunod na pagsubok bago natamasa ang tagumpay?