Tadhana: Ina, isinakripisyo ang pagtatrabaho sa ibang bansa para mapaaral ang anak / Panganay Aug 25, 2018
AIRED: Aug 25, 2018
Stars : Amy Austria, Kiko Estrada, Dexter Doria
Plot : Matapos mabiyuda, napilitang makipagsapalaran sa UAE si Vina (Amy Austria) upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga naiwang anak sa Pilipinas. Ipinagpipilitan man ng panganay niyang si Rodel (Kiko Estrada) na siya na lamang ang mag-abroad, ipinaglaban naman ni Vina na tanging edukasyon na lamang ang kaya nitong ipamana sa anak dahil hindi siya nakapagtapos sa pag-aaral.