WAGAS: Alaala Ka / Mar 23, 2019
AIRED: Mar 23, 2019
Stars : Denise Barbacena, Juancho Trivino, Luz Valdez, Menggie Cobarrubias
Plot : Tila aso’t pusa kung mag-away noon sina Mameng (Denise Barbacena) at Carding (Juancho Trivino) ngunit kalaunan, nauwi rin sila sa ligawan hanggang sa silang dalawa ang ikasal sa huli. Wagas man ang pagmamahalan nilang dalawa, dadaan ito sa matitinding pagsubok lalo na nang tamaan ng sakit na dementia si Carding. Paano kaya nila mapananatiling matatag ang kanilang pagsasama sa kabila ng unos na ito?