IMBESTIGADOR: Magkapatid Paulit-ulit Na Inabuso ng Sariling Tiyuhin / November 7, 2020

AIRED: November 7, 2020

Plot : Sa tuwing nagtutungo sa bukid ang mag live-in partner na sina “Jack” at “Martha” upang mag-hanap buhay, inihahabilin nila ang mga bata. Ang dalawa nilang anak na kapwa menor de edad — ang siyam na taong gulang na si “Nena” at ang labing dalawang taong gulang na si “Myra”. Pero lingid sa kanilang kaalaman, tuwing naiiwan ang mga bata, pinagsasamantalahan pala sila! Mabigyan pa kaya ng hustisya ang kanilang mga anak?

IMBESTIGADOR: The Olongapo Murder Case / January 30, 2021

AIRED: January 30, 2021

Plot : Habang naglilinis ang isang housekeeper sa hotel sa Olongapo, napansin niya na mayroong hindi magandang amoy sa isang kuwarto. Katulong ang receptionist, sinubukan nilang tawagan ang nangungupahan dito ngunit hindi ito sumagot kaya pinuntahan nila ito. Laking gulat nila nang maabutan itong tadtad ng saksak, may gilit sa leeg at wala pang damit pang-ibaba! Paano ito sinapit ng biktima? Sino ang suspek sa brutal na pagpatay?

IMBESTIGADOR: 14 Anyos Dalagita, Ginahasa at Pinatay ng Sariling Tatay-tatayan / February 20, 2021

AIRED: February 20, 2021

Plot : Nag-alala si Malyn Sabaybay sa kanyang anak na si Honeylyn dahil hapon na ay hindi pa ito umuuwi mula sa paaralan. Nagpatulong siya sa kanyang Tatay at kinakasama para hanapin ang bata. Nabigla sila nang matagpuan nila ang bata na puno ng pasa, tadtad ng saksak at naliligo na sariling dugo sa isang sagingan. Sino ang may gawa ng brutal na krimen?

IMBESTIGADOR: Nawawalang Bata, Ninakawan ng Cellphone at Brutal Na Pinatay / March 6, 2021

AIRED: March 6, 2021

Plot :Hindi inakala ni Angela na hindi niya madadatnan ang anak na si Khian, apat na taong gulang, matapos niyang mag-igib ng tubig. Ang kutob niya at ng kanyang asawa, maaaring ang kanilang kapitbahay ang may kagagawan ng pagkawala nito dahil napag-interesan ang nilalarong cellphone. Hanggang sa matagpuan na lamang nila sa isang eco bag ang bangkay ng kanilang anak!