Tadhana: Pinay DH sa Iraq, ibinugaw ng kababayang amo / DH for Sale / Nov 17, 2018

www.imdb.com/title/tt9294932/

AIRED: Nov 17, 2018

Stars : Manilyn Reynes, Krystal Reyes, Phytos Ramirez

Plot : Mula nang mabiyuda, mag-isa nang itinataguyod ni Alma (Manilyn Reynes) ang kanyang pamilya. Nang makahanap ng oportunidad na mangibang-bansa, namasukan siya bilang isang domestic helper sa Iraq kahit na ilegal ang paglipad niya rito. Hindi niya sukat akalain na sa bansang ito, mararanasan niya ang lahat ng hirap para lamang buhayin ang pamilya.

Tadhana: Dalagang OFW sa Dubai, hinalay ng amo kapalit ng pananatili sa trabaho / Kural / Dec 8, 2018

www.imdb.com/title/tt9400142/

AIRED: Dec 8, 2018

Stars : Bianca Umali, Michael Agassi, Tanya Gomez

Plot : Upang maiahon ang kabuhayan ng kanyang pamilya, namasukan si Eden (Bianca Umali) bilang isang travel agent kahit na malayo ito sa tinapos niyang kurso. Kahit ilang beses na siyang muntik matanggal sa trabaho, hindi siya pinaaalis ng amo niyang si Madani (Michael Agassi) ngunit mayroon pala itong kapalit—ang kanyang puri. Pumayag kaya si Eden sa alok ng kanyang amo upang matustusan ang pang-ospital ng kanyang ama?

Tadhana: Dalagang nangarap maging OFW, ibinenta ng illegal recruiter sa mga dayuhan / Patibong / Feb 9, 2019

www.imdb.com/title/tt9754952/

AIRED: Feb 9, 2019

Stars : Phoebe Walker, Irma Adlawan, Mia Pangyarihan

Plot : Nang dahil sa pagnanais na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya, nangarap si Maila (Phoebe Walker) na maging OFW kahit high school lamang ang kanyang natapos. Habang naghahanap ng trabaho, nakilala niya si Georgette (Irma Adlawan), isang recruiter na nagpapadala umano ng OFW sa Japan. Ang magandang trabaho na kanyang minimithi, isa palang patibong kung saan dignidad niya ang nakasalalay! Makawala pa kaya siya?

Tadhana: OFW sa Japan, kinulam at binulabog ng mga aswang / Kumare / Oct 27, 2018

www.imdb.com/title/tt9190156/

AIRED: Oct 27, 2018

Stars : Katrina Halili, Ahron Villena, Diva Montelaba

Plot : Masaya ang pamumuhay ng mag-asawang Sheena (Katrina Halili) at Victor (Ahron Villena) sa Bicol, hanggang sa nagpasyang maging OFW ang huli para buhayin ang kanilang pamilya. Pagdating nito sa Japan, hindi nito sukat akalain na mabibiktima siya ng barang na kagagawan mismo ng sarili niyang kaibigan na si Rita (Diva Montelaba). Mabawi kaya nila ang sumpa bago mahuli ang lahat?

Tadhana: Binatilyo, ginahasa ng tiyuhin habang nasa Japan ang ina nito / Insan / Mar 2, 2019

www.imdb.com/title/tt9871282/

AIRED: Mar 2, 2019

Stars : Bing Loyzaga, Antonio Aquitania, Ping Medina

Plot : Habang naghihikahos sa Japan ang OFW na si Mel (Bing Loyzaga), ihinabilin nito ang anak niyang si Jun (Micko Laurente) sa pinsan niyang si Aljon (Ping Medina). Lingid sa kaalaman ng binata na magagawa siyang pagsamantalahan ng sarili niyang tiyuhin na tinitingala pa naman niya sana. Makawala pa kaya si Jun?

Tadhana: Pinay sa Saudi, pinilahan at pinagpasa-pasahan ng apat na Arabo / Sukdulan / Nov 10, 2018

www.imdb.com/title/tt9260364/

AIRED: Nov 10, 2018

Stars : Yasmien Kurdi, Carlos Agassi, Paolo Paraiso

Plot : Takot mawalay sa pamilya si Yolly (Yasmien Kurdi) kaya naman hindi naging madali sa kanya na maging OFW sa Saudi Arabia. Dito, namasukan siya bilang mananahi, at kalaunan ay nanilbihan din bilang domestic helper. Sa kabila ng pang-aabuso, katakot-takot ding karahasan ang naranasan niya sa kamay ng mga Arabo. Naging biktima siya ng gang rape. Maipaglaban niya kaya ang kanyang karapatan bilang isang babae?

Tadhana: Pinay sa USA, nakapangasawa ng afam na halimaw sa kama / Marital Rape / May 11, 2019

www.imdb.com/title/tt10317940/

AIRED: May 11, 2019

Stars : Jason Abalos, Valeen Montenegro, Dianne Medina

Plot : Minsang nagbunga ang dating pagmamahalan nina Maritess (Kris Bernal) at Steve (Polo Ravales), ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon dahil nagloko si Steve. Nang muling magkrus ang kanilang landas, hindi na sila nag-atubiling magpakasal. Ang inakalang prince charming ni Maritess, halimaw pala sa kama! Kung ano-anong kababuyan ang naranasan niya sa piling ng mister, umabot na sa puntong isugod siya sa hospital. Makalaya pa kaya siya?

Tadhana: Groom na iniwan sa altar, hinahabol pa rin ang kanyang runaway bride sa Spain / Iniwan / Aug 18, 2018

www.imdb.com/title/tt8863510/

AIRED: Aug 18, 2018

Stars : Jason Abalos, Valeen Montenegro, Dianne Medina

Plot : Matapos hindi siputin ng kanyang bride, sinubukang lumipad ni Brent (Jason Abalos) patungong Spain sa pag-asang maayos ang relasyon nila ni Maggie (Dianne Medina). Upang matustusan ang pangangailangan, namasukan siya sa iba’t ibang trabaho para kumita. Hanggang kailan niya kaya ito gagawin makapiling lamang ang babaeng kanyang pinapangarap makasama habambuhay?

Tadhana: Pinay nurse sa Amerika na pinagsasaksak at sinunog, sumapi sa kababayan / Sanib / Mar 23, 2019

www.imdb.com/title/tt10075008/

AIRED: Mar 23, 2019

Stars : Sheena Halili, Richard Juan, Irma Adlawan

Plot : Hindi sukat akalain ni Ofelia (Jennica Garcia) na mamamatay sa sunog ang matalik niyang kaibigan na si Roselyn (Empress Schuck). Nagpaparamdam at nagpapakita ang hindi matahimik na kaluluwa ni Roselyn sa kanya para sabihin kung sino ang salarin sa karumal-dumal na krimen. Sino nga ba ang may gawa nito — ang dating kasintahan ni Roselyn na si Troy (Phytos Ramirez) o ang nobyo nitong si Joe (Ryan Eigenmann)? Paniwalaan naman kaya ang testimonya ni Ofelia kung siya’y… sinapian?

Tadhana: Factory worker, nahanap ang kanyang ‘forever’ sa Taiwan / Karayom / Jan 13, 2018

www.imdb.com/title/tt7865968/

AIRED: Jan 13, 2018

Stars : Sheena Halili, Richard Juan, Irma Adlawan

Plot : Napalayo man si Andrea (Sheena Halili) sa ibang bansa para magtrabaho bilang isang factory worker, hindi siya nakaramdam ng pangungulila sa pamilya nang makilala ang Filipino-Chinese na si Chris (Richard Juan). Sa kanilang pakikipagsapalaran sa Taiwan, dito nila mapagtatanto na mahalaga pala sila para sa isa’t isa.