KARELASYON: Tenant, Na-In Love Sa Lalaking May Edad / Tenant / Aug 6, 2016

www.imdb.com/title/tt5945224/

AIRED: Aug 6, 2016

Stars : Pen Medina, Aubrey Miles, Ces Quesada

Plot : Matagal nang tinalikuran ni Tina (Aubrey Miles) ang nakaraan niya bilang hostess kaya naman nang makilala niya si Manong Greg (Pen Medina), tila kinain niya ang mga sinabi niya dahil nahulog ang loob niya rito! Ano na lang kaya ang gagawin niya kapag nalaman ni Manong Greg ang kanyang sikreto?

KARELASYON: Ginang, Nag-Iba Ang Ikot Ng Mundo Matapos Magkanobyo Na Bagets / Nagmumurang Kamatis / Nov 5, 2016

www.imdb.com/title/tt6219840/

AIRED: Nov 5, 2016

Stars : Cherry Pie Picache, Rafael Rosell, Carmi Martin

Plot : Dahil madalas siyang nasa bahay at hindi na halos napapansin ng kanyang mga anak, akala ni Elena (Cherry Pie Picache) ay napaglipasan na siya ng panahon. Pero isang gabi, sa isang bar, magbabago ang ikot ng mundo niya matapos makilala ang playboy na si Xavier (Rafael Rosell)! Ito na nga ba ang kanyang forever?

KARELASYON: Ex / May 28, 2016

www.imdb.com/title/tt5762782/

AIRED: May 28, 2016

Stars : Carlos Agassi, Gwen Zamora, Jade Lopez

Plot : Masaya na si Nestor (Carlos Agassi) sa kanyang buhay dahil magkakaroon na sila ng supling ng kinakasama niyang si Melissa (Gwen Zamora). Pero tila mapaglaro yata ang tadhana—dahil nang magkita silang muli ng dati niyang asawa na si Joan (Jade Lopez), napa-throwback na rin ang dalawa sa kanilang pag-iibigan! Handa kaya si Joan na maging kalaguyo ng dati niyang mister?

KARELASYON: Two Mothers / May 14, 2016

www.imdb.com/title/tt5721126/

AIRED: May 14, 2016

Stars : Precious Lara Quigaman, Ana Capri

Plot : Nalayo man si Liza (Precious Lara Quigaman) sa kanyang anak, ginawa pa rin niya ang lahat para makapiling ito muli. Pero sa kanyang pag-uwi, napansin na lamang niya na malapit na pala ang loob ng kanyang anak sa madrasta nitong si Olive (Ana Capri)! Magkasundo pa kaya silang dalawa?

KARELASYON: Babae, Nilasing Na, Pinagsaluhan Pa Ng Mga Kaibigan Ng Ex-BF / Liberated / Dec 10, 2016

www.imdb.com/title/tt6321618/

AIRED: Dec 10, 2016

Stars : Solenn Heussaff, Ahron Villena

Plot : Ang “happy-go-lucky” na si Chantal (Solenn Heussaff), dumanas ng matinding karahasan matapos sumama sa mga kaibigan ng dati niyang nobyo na si Tristan (Ahron Villena. Diumano, nilasing siya ng mga ito at pinagsamantalahan ang kanyang kahinaan habang wala sa ulirat! Makamit kaya niya ang isinisigaw na hustisya?

KARELASYON: Babaeng Manggagamit, Nang-Akit Ng Photographer Para Sumikat / Ambisyosa / Sep 24, 2016

www.imdb.com/title/tt6092040/

AIRED: Sep 24, 2016

Stars : Mel Martinez, Stephanie Sol, Marc Abaya, Tammy Brown

Plot : Kilalang raketera si Vanni (Stephanie Sol) na ang tanging pangarap lamang ay maging isang sikat na artista. Pero sa kagustuhan niya na makamit ito, aabot siya sa puntong manggamit ng tao—lalo na ang nakilalang photographer na si Edison (Marc Abaya)! Umusbong kaya ito sa totohanan kahit pa mayroon nang nobyo si Vanni?