KARELASYON: Martir / Jun 27, 2015

www.imdb.com/title/tt4811068

AIRED: Jun 27, 2015

Stars : Max Collins, Vaness Del Moral, Rafael Rossel

Plot : Tinitingala sa kanilang eskuwelahan si Emily (Max Collins), isang huwarang guro. Pero ang malinis niyang reputasyon, unti-unting sisirain ng kanyang nobyo na si Alvin—isang security guard na lulong sa masamang bisyo. Makabangon pa kaya si Emily mula sa impyernong dala ng kanyang nobyo?

KARELASYON: Baby Maker, Gustong Agawan Ng Mister At Kayamanan Ang Kanyang Kliyente / Instant Baby / Apr 25, 2015

www.imdb.com/title/tt4637078

AIRED: Apr 25, 2015

Stars : Kris Bernal, Rocco Nacino, Karen delos Reyes

Plot : Sabik na sabik nang magkaanak ang mag-asawang sina Lily (Kris Bernal) at Paul (Rocco Nacino). Nagawa pa nilang sumayaw sa Obando para mabiyayaan ng supling. Susuko na sana sila nang biglang maisip ni Lily na ampunin na lang ang anak ni Rowena (Karen delos Reyes). Lingid sa kaalaman ng mag-asawa, mahuhulog pala sila sa isang patibong na susubok sa kanilang pagsasama.

KARELASYON: Babaeng Ikakasal Na Sana, Biktima Ng Karahasan Ng Pamilya Ng Fiance / Puri / Jan 7, 2017

www.imdb.com/title/tt6400772

AIRED: Jan 7, 2017

Stars : Yasmien Kurdi, Ervic Vijandre

Plot : Ikakasal na sana sina Sandra (Yasmien Kurdi) at Martin (Ervic Vijandre), ngunit sa huling gabi mismo bago ang kanilang pag-iisang dibdib, isang karumal-dumal na krimen ang mangyayari kay Sandra. Ang masaklap, pamilya pa ni Martin ang mga suspek.

KARELASYON: Nurse, Na-In Love Sa Bulag Niyang Pasyente / Love Is Blind / Apr 1, 2017

www.imdb.com/title/tt6726920

AIRED: Apr 1, 2017

Stars : Hiro Peralta, Divine, Maria Isabel Lopez

Plot : Matapos siyang mabulag, halos magalit na sa mundo si Anton (Hiro Peralta) at nagawang ipagtabuyan ang mga tao sa paligid niya. Pero ang bitter niyang pagkatao, unti-unting tatamis sa pagkalinga sa kanya ni Nurse Gigi (Divine Aucina)! Dito na rin kaya magsisimula ang matamis nilang pagtitinginan?

KARELASYON: Beki, Nagtatay-Tatayan Sa Anak Ng BFF / Tatay-Tatayan / Jun 11, 2016

www.imdb.com/title/tt5799966/

AIRED: Jun 11, 2016

Stars : Alex Medina, Arnold Reyes, Katrina Halili

Plot : Masayang nagsasama ang magkasintahang sina Elvin (Alex Medina) at Norman (Arnold Reyes). Sa isang iglap, biglang magbabago ang ikot ng kanilang mundo sa muling pagbabalik ng ex ng una—si Isa (Katrina Halili), na balak palang iwan ang sariling anak sa mga ito!

KARELASYON: Lalaking Ikakasal Na, Kinuhang Bridesmaid Ang EX / Bilin / Dec 17, 2016

www.imdb.com/title/tt6343688/

AIRED: Dec 17, 2016

Stars : Rhian Ramos, Aljur Abrenica, Sheena Halili

Plot : Kahit mahirap para kay Donna (Rhian Ramos), nagpasya siyang mangibang-bansa upang magpagamot sa sakit niyang breast cancer. Sa muling pag-uwi niya sa Pilipinas, may mas malala pang sakit ang mararamdaman niya—nang kunin siya ng sariling BFF at dati niyang nobyo bilang bridesmaid sa kanilang kasal!

KARELASYON: CCTV / Jul 25, 2015

www.imdb.com/title/tt4886186/

AIRED: Jul 25, 2015

Stars : Solenn Heussaff, Mark Herras, Fabio Ide

Plot : Mula nang mabaldado at maputulan ng binti si Robert (Fabio Ide), tila nakararamdam siya ng kakaibang ligaya kapag pinanonood niyang nagsisiping ang misis niyang si Anne (Solenn Heussaff) at ang kanilang driver (Mark Herras). Hanggang kailan kaya ito sisikmurain ni Anne?

KARELASYON: Afam, Mahilig Pumatol Sa Mga Babaeng May Edad Na / Apartment / Nov 28, 2015

www.imdb.com/title/tt5235968/

AIRED: Nov 28, 2015

Stars : Martin del Rosario, Jeric Gonzales, Mark McMahon, Jackie Lou Blanco

Plot : Ang magkakaibigang sina AJ (Martin del Rosario), James (Jeric Gonzales) at Perry (Mark McMahon), kapwa may mga kakaibang hilig pagdating sa mga karelasyon nila. Pero pagdating sa pagtataksil, tila nagkasundo sila na kumuha ng isang apartment para doon gawin ang mga milagro nila!