Tadhana: Pinay sa Hong Kong, natutong magpatawad sa kinamumuhiang ama / Prodigal Daughter Dec 23, 2017

www.imdb.com/title/tt7780920/

AIRED: Dec 23, 2017

Stars : Elizabeth Oropesa, Sanya Lopez, Soliman Cruz

Plot : Naisipang mangibang-bansa ni Elaine (Sanya Lopez) dahil kinamumuhian niya ang kanyang ama na si Tomas (Soliman Cruz) na sinisisi niya sa pagkamatay ng kanyang ina. Sa paglipad niya sa Hong Kong, nakilala ni Elaine ang among si Mrs. Chen (Elizabeth Oropesa) na nagturo sa kanya na magpatawad muli. Maayos niya pa kaya ang lamat ng pagsasama nila ng kanyang ama?

Tadhana: Mag-asawang OFW, nagoyo ng mga kapwa-Pinoy sa Canada / Pag-uwi Dec 16, 2017

www.imdb.com/title/tt7757622/

AIRED: Dec 16, 2017

Stars : Assunta De Rossi, Jeffrey Quizon, Michael Flores

Plot : Mahirap mang mawalay sa kanilang dalawang anak, kinailangang makipagsapalaran sa ibang bansa ng mag-asawang sina Lily (Angelu de Leon) at Emil (Bobby Andrews). Sa kanilang pagdating sa Canada, todo kung maghikahos ang mag-asawa kaya naman nang makilala nila ang dalawa pang mga kababayan, hindi sila nag-alinlangang makipagkaibigan dito. Sa kabila nito, lingid sa kanilang kaalaman na mayroon pala itong motibo sa kanila. Paano kaya nila ito pananagutin?

Tadhana: Babae, nag-abroad para matakasan ang mapang-abusong asawa na relihiyoso raw / DH Beauty Queen Jul 6, 2019

www.imdb.com/title/tt10596862/

AIRED: Jul 6, 2019

Stars : Assunta De Rossi, Jeffrey Quizon, Michael Flores

Plot : Masayahing ina si Lyka (Assunta de Rossi), ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti ay isang mabigat na dalahin—nakararanas siya ng pang-aabuso mula sa asawang si Dante (Michael Flores), isang pastor. Maging solusyon kaya ang pakikipagsapalaran niya sa ibang bansa upang masuportahan ang kanyang mga anak?