Tadhana: Pinay OFW, ipinagpalit ni mister sa sarili nitong best friend / Tatlong panganay / Feb 23, 2019

www.imdb.com/title/tt9832340/

AIRED: Feb 23, 2019

Stars : Diana Zubiri, Jao Mapa, Jason Francisco

Plot : Dahil nagkandabaon-baon na sa utang ang kanyang pamilya, nagpasya si Joyce (Diana Zubiri) na makipagsapalaran sa Taiwan bilang isang domestic helper. Habang naghihikahos siya roon, hindi niya sukat akalin na ang kaibigan niyang si Rose (Jana Victoria), magagawang gapangin ang kanyang asawa na si Caloy (Jao Mapa)! Paano niya kaya huhulihin ang pagtataksil ng mga ito?

Tadhana: Pinay DH sa Saudi, walang-awang hinalay ng amo habang natutulog / Lihim at liham / Feb 24, 2018

www.imdb.com/title/tt8052606/

AIRED: Feb 24, 2018

Stars : Glydel Mercado, Inah De Belen, Geleen Eugenio

Plot : Matapos mabiyuda sa asawa, napilitan si Lucia (Glydel Mercado) na iwan ang kanyang mga anak sa tiyahin nilang si Andeng (Geleen Eugenio) dahil susubukan nito ang kanyang kapalaran sa Saudi Arabia bilang domestic helper. Laking gulat ni Lucia na kalunos-lunos na kapalaran pala ang sasapitin niya sa mga kamay ng kanyang amo. Matamasa pa kaya niya ang ginhawang matagal na nilang inaasam-asam?

Tadhana: Mga Pinay sa Dubai, binobosohan at kinukunan ng video ng sariling kababayan / Boso / Apr 6, 2019

www.imdb.com/title/tt10141868/

AIRED: Apr 6, 2019

Stars : Sanya Lopez, Dominic Roco, Liezel Lopez

Plot : Marangal na nagtatrabaho sa Dubai bilang isang receptionist ang Pinay na si Arianne (Sanya Lopez), kaya labis ang kanyang pagkagulat nang matuklasan niyang pinagnanasaan pala siya ng manliligaw na si Gino (Dominic Roco)! Sa katunayan, nagagawa siya nitong bosohan habang naliligo! Paano niya kaya ito kokomprontahin?

Tadhana: Pinay nurse, inabandona ang anak na bunga ng panggagahasa sa kanya / Inabandona / Jan 5, 2019

www.imdb.com/title/tt9554742/

AIRED: Jan 5, 2019

Stars : Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Marc Justine Alvarez

Plot : Bago magtrabaho sa Canada bilang isang nurse, biktima ng isang karumal-dumal na krimen ang Pinay na si Lani (Meg Imperial). Ang masaklap, nagbunga ang panghahalay sa kanya. Iniwan niya sa ina at kapatid ang anak at mas piniling mangibang-bansa sa halip na alagaan ang bata. Lingid sa kaalaman ni Lani, impyerno ang magiging sukli nito sa kanya dahil makakaranas siya ng karahasan sa piling ng napangasawa niyang Amerikano.

Tadhana : Ola Kala / Feb 10, 2018

www.imdb.com/title/tt7991440/

AIRED: Feb 10, 2018

Stars : Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Marc Justine Alvarez

Plot : Tila aso’t pusa kung mag-away noon ang sina Jessica (Barbie Forteza) at Marvin (Derrick Monasterio) pero aminado silang best friend ang turing nila sa isa’t isa. Kaya naman nang mamasukan sa ibang bansa si Jessica, labis ang kanyang pagkagalak nang muling makatagpo ang kababata niyang si Marvin sa Greece! Dito na nga ba magsisimula ang pagkakamabutihan nilang dalawa?

Tadhana: OFW sa Hong Kong, tiniis ang sakit na cancer upang buhayin ang pamilya / Bagahe / Jul 22, 2017

www.imdb.com/title/tt7166552/

AIRED: Jul 22, 2017

Stars : Tina Paner, Robert Ortega, Dang Cruz

Plot : Todo-kayod sa pagiging domestic helper sa Hong Kong ang OFW na si Norma (Tina Paner), na handang gawin ang lahat para maipagamot ang asawang si Manny (Robert Ortega) at mapagtapos ng pag-aaral ang anak na si Gerald (John Manalo). Saan kaya huhugot ng lakas si Norma kapag nalaman niya na kasagsagan ng trabaho, malaman niya na mayroon pala siyang cancer?

Tadhana: Pinay, napilitang ibenta ang sarili sa mga banyaga para matubos ang mga anak / Sangla / Apr 13, 2019

www.imdb.com/title/tt10176790/

AIRED: Apr 13, 2019

Stars : Katrina Halili, Rein Adriano, Shermaine Santiago

Plot : Nagkabaon-baon sa utang si Lorie (Katrina Halili). Upang mabayaran ang mga gastusin sa yumaong asawa, kinailangan niyang gawing ‘collateral’ ang mga anak sa pinagkautangan habang nasa ibang bansa siya. Nang bigong makapag-ipon sa Hong Kong, nakilala niya ang kapwa-Pinoy na si Glenda (Shermaine Santiago) na nag-alok sa kanya ng isang trabahong makapagbibigay sa kanya ng sapat na halaga ng pera. Tanggapin niya kaya ito?

Tadhana: Lisensyadong guro, iniwan ang trabaho sa Pilipinas para sundan ang kapatid sa UK / Ate Jan 20, 2018

www.imdb.com/title/tt7898484/

AIRED: Jan 20, 2018

Stars : Chynna Ortaleza, Bianca Umali

Plot : Ulila nang lubos ang magkapatid na sina Alma (Chynna Ortaleza) at Arlene (Bianca Umali) kaya naman nang magdesisyon ang huli na mag-abroad bilang isang nurse sa United Kingdom, matinding pangungulila ang naramdaman ng kanyang ate na isang lisensyadong guro sa Pilipinas. Ano kaya ang gagawin ni Arlene kung bigla na lang sumulpot ang ate niyang si Alma, na tinalikuran ang propesyon sa Pilipinas para makasama siya sa ibang bansa?

Tadhana: OFW na walang naipundar, pinalayas ng sariling manugang / Pinalayas si Inay Oct 20, 2018

www.imdb.com/title/tt9158188/

AIRED: Oct 20, 2018

Stars : Ina Feleo, Geoff Eigenmann, Maey Bautista

Plot : Higit isang dekadang naghahanapbuhay si Mercy (Tetchie Agbayani) bilang domestic helper sa iba’t ibang bansa. Ang kaso, wala siyang naipundar dahil ipinambabayad niya ito para sa dialysis ng kanyang anak. Matapos nitong pumanaw, napilitan siyang makitira sa bahay ng kanyang panganay na si Lovely (Elora Españo) . Hindi niya akalaing aalipustahin siya ng asawa ng kanyang anak na si Tony (Kiko Matos).

Tadhana: Pinay na walang working visa, tiniis ang kalbaryo sa Kish Island / Exit Point Sep 23, 2017

www.imdb.com/title/tt7414412/

AIRED: Sep 23, 2017

Stars : Ina Feleo, Geoff Eigenmann, Maey Bautista

Plot : Matapos mag-expire ang kanyang working visa sa Dubai, napilitang lumipat si Rina (Ina Feleo) sa Kish Island sa Iraq upang magpalamig at maghintay kung kailan ulit siya magagawaran ng panibagong visa. Anong kapalaran kaya ang naghihintay sa kanya rito?